ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Polygamy


Episode on October 15, 2007 Monday late night after Saksi Finding one true love is not an issue for certain Muslims. The Koran allows them to have many wives, as long as the women can be given equal attention and financial provisions. But having more than one wife carries its own set of problems. Sandra Aguinaldo explores them in her I-Witness documentary airing this Monday late night. Sandra meets Norsi Mindog, an Imam who lives in Culiat, Quezon City, who dreams of fathering forty children. Marrying four young women has boosted his chance of achieving this ambition – in fact, Imam Norsi now has a dozen offspring. But keeping the peace among four wives has not been easy. Twenty-five year old Haguiar is considered "the first wife" since Imam’s very first wife died of birth complications. Haguiar takes charge of the Imam’s children with his original first wife, while she manages an accessory shop in Pasig. Imam Norsi’s second wife, Tahora, is a year younger than Haguiar. Tahora just gave birth to the youngest child in the family. Nori, his third wife, is newly pregnant. Nineteen year old Muslima is the youngest among the wives. Imam Norsi’s wives constantly compete for his attention. Norsi has attempted to solve the problem by scheduling an equal amount of time for dining and sleeping with his wives. But conflicts still abound in his extended household. Sandra Aguinaldo’s I-Witness documentary gives viewers a rare and exclusive glimpse into the lives of Muslim men and women in polygamous marriages. It’s a must-see this Monday late night over GMA-7.
Ano nga ba ang dapat gawin ng isang lalaki kung higit sa isang babae ang tinitibok ng kanyang puso? Para sa mga Kristiyano, isa lang ang pwedeng pakasalan, pero sa mga kapatid nating Muslim, legal ang pagkakaroon ng apat na asawa ... basta’t kaya ng lalaki na hatiin ng pantay ang kanyang pagtingin at pagmamahal. Ngayong Lunes, sa isang pambihirang pagkakataon sa telebisyon, pinayagang makasilip si Sandra Aguinaldo sa buhay ng mga "Duaya," o mga babaeng kasal sa iisang lalaki. Pangarap noon ni Norsi Mindog, isang Imam na nakatira sa Culiat, Quezon City, na magkaroon ng kuwarentang anak. Para makamit ito ay nagpakasal siya sa limang babae. Si Haguiar, sa edad na beinte singko, ang itinuturing ngayong "First Wife" ng Imam mula nang mamatay ang una niyang asawa. May sariling tiangge ng mga sapatos at bag si Haguiar at siya rin ang nangangalaga sa mga anak ng Imam sa orihinal nitong asawa. Ang ikalawang asawa namang si Tahora, sa edad na beinte kuwatro, kapapanganak pa lang ng bunso. Ang ikatlong asawa na si Nori na beinte uno anyos, buntis ng tatlong buwan. Ang ikaapat na asawa naman na si Muslima, pinakasalan ng Imam sa edad na disinuwebe. Upang makapagbigay ng pantay na atensyon sa apat, gumawa na si Imam Norsi ng schedule ng kanyang pagkain at pagtulog. Pero hindi pa rin maiwasan ang kumpetisyon. Ang mga eksena ng di pagkakaintindihan at pagtatalo ng mga asawa ay nakunan ng I-Witness, pati ang mga panahong nagtutulungan ang mga ito sa pagpapalaki ng mga mga bata. Ang kumplikadong relasyon ng mga Duaya, abangan sa dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo na pinamagatang "Lahat Legal Wife" ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA.