'Silhig,' dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa I-Witness
“SILHIG”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
June 9, 2018

Wading through a pool of filth can be downright nasty. But what if it is your regular job?
In one of the coastal barangays in Cebu, a backyard factory of brooms employs men, women and children.
Kids ranging from 10 to 14 years old line up the edges of a pool called “Libaong.” They furiously pound stacks of wet slivers of wood cut out of a tree trunk called “Buri.” They have to clean the molds, slime and other kinds of dirt stuck within the buris’ threads.
They submerge themselves as early as 7 in the morning and will stop at around 3 in the afternoon.
The water in the pool is so filthy that its odor spreads in the air. The stink is unbearable especially in the area where the buris are immersed for 40 days.
This is only one step in the meticulous processes of creating a “silhig” (broom).
For Angelo and Ramel, 12 and 11 years old, respectively, an income of 5 pesos per bundle of cleaned threads from Buri or “Lanot” as they call it, is not bad considering they can pound as many as 40 bundles in one sitting.
For their parents, education is still a priority. They see to it that the children only work during weekends.
They hope these children will find a decent job and leave the broom factory instead of being “stuck in the muck” like them.
Watch the stories of Angelo, Ramel and others like them unfold this Saturday, June 9, 2018, on I-Witness, airing after Celebrity Bluff.
Filipino Version
Maghapong nakalubog sa isang napakaruming tubig ay isang bagay na hindi mo nanaisin. Pero paano kung ito ang uri ng iyong trabaho?
Sa isang baranggay sa Mandaue, Cebu, halos apatnapung tao ang nagtatrabaho sa pagawaan ng kanilang tradisyunal na walis.
Kabilang dito ang mga batang sampu ang labing apat na taong gulang na walang pagod na “naglalaba” at nagpupukpok ng mga lanot sa tinatawag nilang libaong-- isang tubig kung saan doon nila ibinababad ang mga materyales.
Simula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, nakalubog ang mga bata at iba pang manggagawa na umaabot hanggang dibdib ang lalim.
Sa sobrang dumi ng tubig, bumabaho na rin ang paligid at nagkakaron ng masangsang na amoy dahil kailangang ubabad ang mga buri ng halos 40 araw.
Ito ay isa lamang sa mga metikulosong paraan ng paggawa ng walis o silhig.
Para kay Angelo at Ramel, 12 at 11 anyos, sapat na sa kanila ang kinikita nilang 5 piso kada tali ng lanot na kanilang matatapos labhan at pukpukin. Hindi na raw ito masama sa 40 lanot na kaya nilang tapusin sa buong maghapon.
Ang tanging paraan nila ng paglilinis ng sarili ay ang paliligo sa katabing dagat pagkatapos magtrabaho. Dito, hindi sila mga obrero kundi mga bata--- malayang maglaro at magtampisaw sa tubig, at libreng mangarap.
Ngunit para sa kanilang mga magulang, nais pa rin nilang makapagtapos ng lag-aaral ang kanilang mga anak at sinisigurong sa araw ng pasukan, tuwing Sabado at Linggo lang sila magtatrabaho.
Naroroon pa rin ang pag-asang makahanap sila ng mas disenteng trabaho upang makaalis na sa industriyang ito.
Abangan ang buong storya sa Sabado, June 9, 2018, sa I-Witness. Ang I-Witness ay mapapanood pagkatapos ng Celebrity Bluff.