'Tiempo Muerto,' dokumentaryo ni Atom Araullo ngayong Sabado sa I-Witness
“TIEMPO MUERTO”
Dokumentaryo ni Atom Araullo
June 30, 2018

Tiempo muerto or dead season ---- it’s a time when farmers stop working as they wait for the next harvest. Without work, there is no income for them. Year in and year out, this is the season when survival is a struggle.
The Philippines is an agricultural country, with many Filipinos eking out their subsistence from the soil.
Working as farm hands in one of the haciendas in Nasugbu, Batangas are 18-year-old Christopher and 21-year-old Oro. They have been working in the thousand-hectare sugar plantation since they were young. Both their parents are farm workers too. At a young age, they both have experienced age-old problems of farmers --- poverty, low wages, no land of their own, and the lack of support from the government.
In spite of these hardships, Oro and Christopher continue to work hard for a better future. Aside from farming, Christopher is a grade 12 student who dreams of becoming a policeman someday. Oro, on the other hand, saw boxing as a means to his education. He undergoes training as a boxer, which earned him a scholarship in a university.
This Saturday, learn about the struggles of our farmers in Atom Araullo’s “Tiempo Muerto”. I-Witness airs on GMA 7, after Celebrity Bluff.
Filipino version
Tiempo muerto. Panahon kung saan nahihinto ang pagtratrabaho ng mga magsasaka ng ilang buwan dahil hinihintay ang anihan. Sa madaling salita, ito’y dead season. At sa ganitong panahon, tila agaw-buhay din ang kabuhayan ng mga magsasaka.
IIsang agrikultural na bansa ang Pilipinas, pero marami sa ating mga magsasaka, hindi pa rin maka-angat sa lupa ang pamumuhay.
Dalawa lamang ang 18 anyos na si Christopher at 21 anyos na si Oro sa mga nakilala naming maghuhurnal o manggagawang bukid na todo ang kayod sa ekta-ektaryang tubuhan sa isang Hacienda sa Nasugbu, Batangas. Nakagisnan na nina Oro at Christopher ang trabahong ito. Bata pa lang kasi, katuwang na sila ng kanilang magulang sa pagsasaka. At bata pa lang, alam na nila ang mga problemang kinakaharap ng mga gaya nilang manggagawang bukid -- ang kahirapan at pagkabaon sa utang dala ng maliit na pasahod, kawalan ng sariling lupang sakahan, pati ang tila kulang na suporta mula sa pamahalaan.
Sa kabila nito, hindi nawawalan ng pag-asa sina Oro at Christopher na balang araw, makaaahon din sila sa hirap para mabigyan ng disenteng pamumuhay ang kani-kanilang mga pamilya. Bukod sa pagsasaka, si Christopher, Grade 12 at nagpupursige sa pag-aaral para makamit ang pangarap na maging pulis balang-araw. Samantalang si Oro naman, puspusan ang pagsasanay sa pagiging boksingero na naging daan din para maging iskolar siya sa kanilang paaralan.
Ngayong Sabado, samahan si Atom Araullo na alamin ang kondisyon ng ilan sa ating mga manggagawang bukid. Mapapanood ang “Tiempo Muerto” ngayong Sabado pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.