'Bilanggo ng Isipan,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness
“Bilanggo ng Isipan”
DOKUMENTARYO NI KARA DAVID
AIRING DATE: AUGUST 4, 2018
Si “Rolito” --- siyam na taon...
“Teteng” --- labindalawang taon...
...at si “lola Alyn” --- apatnapu't pitong taon.
Ganito katagal silang ikinadena ng kani-kanilang mga pamilya sa Leyte nang dahil sa sakit sa pag-iisip.
Diesi siyete anyos lang noon si lola Alyn nang lumuwas sa Maynila para magtrabaho. Pero nang umuwi sa Leyte, tila may problema na raw ito sa pag-iisip. Ano nga ba ang sinapit ni lola Alyn sa Maynila at bakit nawala siya sa katinuan? Para hindi magpalaboy at kutsain ng iba – ikinadena siya sa loob ng isang maliit kubo sa nakalipas na apatnapu't pitong taon. Ang kapatid na si “Juanito”, hindi na nakapag-asawa at hindi na nakabuo ng sariling pamilya para lang maalagaan ang matanda.
Nakapag-aral pa ng elementarya ang beinte kuwatro anyos na si “Lando”. Pero dahil umano sa pambu-bully, nagkaroon daw ito ng problema sa pag-iisip. Para maipagamot, ibinenta ng pamilya ni Lando ang dalawa nilang kalabaw. Pero hindi rin nila naipagpatuloy ang gamutan at nagpasya na lang na ikadena ang binata sa nakalipas na siyam na taon.
Sampung taon na ang nakararaan nang unang makilala ni Kara David si “Teteng” sa kanyang dokumentaryong “Gapos.” Nakakadena rin ito at nakakulong sa koral ng mga baboy. Pero ngayon, matapos ang tuluy-tuloy na gamutan, bumalik na siya sa wastong pag-iisip. Abangan ang muling pagkikita ni Kara at Teteng makalipas ang sampung taon.
May pag-asa rin kaya sina Lando at lola Alyn na makalaya sa kondisyon at sa kadenang bumibihag sa kanila? Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Bilanggo ng Isipan” ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.

English version
“Rolito” --- nine years...
“Teteng” --- 12 years...
...and “lola Alyn” --- 47 years.
For so long, their families in Leyte have bound them in chains because of their mental condition.
Lola Alyn was only seventeen years old when she went to Manila to find a job. But when she returned to Leyte, she seemed to have developed a mental problem. What could have possibly happened to lola Alyn in Manila which led to her present condition? To stop her from wandering around and being mocked by others, she has been chained inside a small hut for 47 years now. Just so he could take care of lola Alyn, her brother “Juanito” didn't bother to marry nor start her own family.
As an elementary student, Lando was often bullied which is said to have caused his mental problem. To pay for his medication, his family sold their two carabaos. But this wasn't enough so they decided to just chain Lando for the past nine years.
Kara David first met Teteng when she made her documentary “Gapos” 10 years ago. Back then, he was also bound by chains and caged inside a pig pen because of his mental problem. But now, because of constant medication, his mental health has greatly improved.
Like Teteng, is there also hope for Lando and lola Alyn to break free from their condition and the chains that bind them? Watch Kara David's documentary “Bilanggo ng Isipan” on I-Witness this Saturday, after Celebrity Bluff on GMA 7.