ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Dis is Rak of Aegis,' dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Sabado sa 'I-Witness'


"Dis is Rak of Aegis"

DOKUMENTARYO NI JAY TARUC

AIRING DATE: AUGUST 11, 2018

Sa ika-anim na pagtatanghal sa loob ng apat na taon, ang musical stage play na "Rak of Aegis" ay nagbigay kulay sa iilan sa mga kanta ng sikat na 90's band na Aegis.

Bilang pinakamatagal na propesyunal na pagtatanghal sa teatro na ngayon ay apat na taon nang nagtatanghal, isa sa mga ibinahagi ng musical play na ito ay ang pagbibigay ng ibang kahulugan at areglo ang mga natatanging awitin ng bandang Aegis.

Mula sa "Basang-basa sa Ulan", "Luha", "Sinta", hanggang "Munting Pangarap", ang mga awiting ito ang nagrepresenta at bumuhay sa mga karakter ng Rak of Aegis. Ang storya ay umikot sa isang komunidad ng tatlong buwan nang lubog sa baha na pinagbidahan ng dalawang babaeng sina Aileen at Brgy. Captain Mary Jane na nagtulungan upang maiahon sa hindi magandang sitwasyon ang kanilang baranggay.

Si Aileen ay orihinal na pinagbidahan ni Aicelle Santos, ngunit kailangan niyang lumipad papuntang UK upang pagbidahan rin ang isa sa pinakamatagal nang musical play, ang Ms. Saigon.

Sa kasalukuyan, mahigit sampung orihinal na casts ang nanatili at ilan ay sina Isay Alvarez, Robert Seña, Kakai Bautista, Jerald Napoles at Kim Moilna.

Ngayong Sabado, dadalhin tayo ng I-Witness sa likod ng entablado ng pagtatanghal na ito upang malaman ang malawak at makulay na pagbuo ng isa sa pinakasikat na musical stage play sa Pilipinas, ang Rak of Aegis.

English version

In its 6th run in a span of only 4 years, the musical stage play, “Rak of Aegis,” has successfully surpassed all expectations.

As the longest running professional musical stage play in the Philippines, Rak of Aegis brings to life some of the hit songs from the 90’s band, Aegis.

From “Basang basa sa Ulan,” “Luha,” “Sinta,” to “Munting Pangarap,” these iconic songs reflect  the characters’ psyche.  Set in the midst of a flooded community, the characters, spearheaded by female protagonists, Aileen and Brgy. Chairman Mary Jane, plot to help the residents out of their miserable plight by organizing a concert for a cause. But tragedy after tragedy strikes.

Aileen, the main chracter, was originally portrayed by Aicelle Santos. But she had to leave for the UK to perform in another long-running musical, the legendary Miss Saigon.

At present, there are more than 10 original cast members who are still in the play including Isay Alvarez, Robert Seña, Cacai Bautista and Jerald Napoles.

This Saturday, I-Witness takes us backstage to show the complex but artistic elements beautifully arranged to create the masterpiece that is Rak of Aegis.


 

Tags: iwitness