ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Karugtong na Pag-asa,' dokumentaryo ni Mariz Umali, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“KARUGTONG NA PAG-ASA”

Dokumentaryo ni Mariz Umali

AIRING DATE: NOVEMBER 10, 2018

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang ipalabas sa I-Witness ang “Kuya”. Isang istorya tungkol sa walong-taong gulang na bata na isinilang na walang kaliwang binti at paa. Ngunit sa kabila nito, pilit pa ring sinusubukan ni John Paul ang mamuhay nang normal katuwang ang kanyang pamilya. Pumapasok siya sa paaralan sa tulong ng kanyang kuya na si John Frederick na binubuhat siya papasok.

Dahil sa kalagayan ni John Paul, nalilimitahan siya sa mga gusto niyang gawin hindi lamang sa tahanan kundi pati na rin sa paaralan.

Ilang buwan matapos naming itong iere noong nakaraang taon, nakatanggap ng magandang balita ang I-Witness dahil may namagandang loob na sagutin ang operasyon ni John Paul at ang kanyang prosthesis o artificial leg.

Bago matapos ang semester break ngayong taon, natupad na ni John Paul ang pinaka inaasam na pangarap—ang makalakad.

Abangan ang isang di-matatawarang storya ng isang batang kinaya ang lahat para sa kanyang pangarap.

English version

It was more than a year ago when I-Witness aired the documentary, "Kuya," about John Frederick, a young man who had an 8-year old brother inflicted with a congenital disease that left him without a foot. John Frederick and the rest of their family helped John paul live a normal life. John Frederick even brought John Paul to school by carrying him in his arms.

Because of his condition, John Paul was exempted by his teachers from participating in rigorous activities that required mobility.

Just a few months after airing the episode, I-Witness received good news: someone wanted to give financial aid for John Paul to have a prosthesis or an artificial leg/foot.

It took almost a year to complete the process because two operations were needed to prepare his left leg.

Before the end of their semestral break this year, John Paul finally gets his much awaited wish - to be able to walk on his own.

Join Mariz Umali as she gets to know the young boy who beat all odds to fulfill his dreams with the help of his kuya. Don’t miss I-Witness this Saturday after Kapuso Movie Night.

Tags: i-witness