Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tuyom,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 

"TUYOM"

Dokumentaryo ni Kara David

Pebrero 2, 2019

Pumapalaot para sumisid at pagkatapos nama'y aakyat sa matarik na bundok para mangahoy. Ganito ang takbo ng pamumuhay ng trese anyos na si Carlo kasama ang iba pang mga kabataan ng Brgy. Basdio, Guindulman sa probinsya ng Bohol. Dala ng kahirapan, maaga silang namulat sa pagbabanat ng buto.

Pagputok ng araw, pumapalaot na si Carlo kasama ang kanyang mga kaibigan para sumisid sa dagat at manguha ng sea urchin o kung tawagin sa kanila, “tuyom.” Hindi alintana ng mga bata ang matinding sikat ng araw, ang malalim na tubig pati na ang matutulis na tinik ng tuyom – makarami lang sila ng kuha. Pagkaahon, babalatan nila ang mga ito, isasalin sa bote saka ilalako. Kung minsan, sa kalahating araw na pagpapalaot – sisenta Pesos lang ang kinikita ng mga bata, na kailangan pa nilang paghatian.

Kaya imbis na maglaro at maglibang gaya ng karaniwang mga bata, sa hapon aakyat naman sila sa matarik na bundok para mangahoy. Dahil walang kuryente sa kanilang lugar, naibebenta nila ang mga ito bilang panggatong. Puputul-putulin nila ang mga kahoy saka papasanin pababa ng bundok. Pero kung minsan, tila hindi nakiki-ayon ang panahon at inaabutan pa ng ulan ang mga bata.

Ang lubos na kahanga-hanga kay Carlo, na bagama't maagang namulat sa pagtatrabaho, hindi niya itinigil ang pag-aaral at kasalukuya'y nasa ika-anim na baytang na. Ang perang kinikita, kanyang ipinambabaon para hindi na humingi sa kanyang mga magulang. Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Tuyom” at humanga sa kanyang kasipagan at determinasyon. Abangan ang kanyang kuwento ngayong Sabado, February 2, sa I-Witness sa GMA-7.

English Version

Thirteen-year-old Carlo lives in a quiet town in Guindalman, Bohol.   As soon as the sun rises, he and his friends go out to sea to gather “tuyom” or sea urchins.  They spend hours diving, their young bodies exposed to the many dangers of this job. They sell the meat of sea urchins in the market,  sometimes earning them a measly sixty pesos  — which they still have to split among themselves.  To earn more, after hours of diving, Carlo gathers firewood in the mountains and sells them.

Poverty drives children like Carlo into labor.  But despite the many challenges, Carlo strives to finish his studies.  He is now in Grade 6 and no longer asks his parents for allowance.

Catch Carlo’s inspiring story in Kara David's documentary, “Tuyom” this Saturday, February 2, on GMA-7. I-Witness airs after Kapuso Movie Night.