Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Islang Uhaw,' dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“ISLANG UHAW”

Dokumentaryo ni Atom Araullo

April 6, 2019

Aakalain mo bang ang isang paraisong napapalibutan ng katubigan ang siyang salat sa malinis na tubig na maiinom ng karamihan?

Ang isla ng Cobrador sa Romblon ay matagal na palang kinakaharap ang problema sa tubig. Dahil sa likod ng mala-paraisong kagandahan ng isla, pinagtitiisan ng mga tao- ang kakulangan sa malinis na tubig.

Ang pitong sitio ng Isla de Cobrador ay umaasa lamang sa siyam na pinagmumulan ng tubig - poso at balon na tinatayang higit 1,000 residente ang umaasa. Sa isang parte ng isla, ang madalas na pinagkukunan nila ng kanilang tubig ay ang lumang balon at poso kung saan madilaw, maalat at lasang kalawang ang tubig.

Isa sa mga inaasahan nila ay ang tubig ulan. Ang rain water collectors na sumasahod sa tubig ulan mula sa alulod ng mga bubong ang nagkokolekta dito. Ang mga residente ay dito umaasa dahil ito na ang pinakamalinis na tubig na kanilang pwedeng inumin. Ngunit ang problema, tagtuyot ngayon at  halos apat na buwan nang hindi umuulan sa isla.

Para kina Cleir, Joy, Gelyn at Jesemer, ang malinis na tubig ay parang ginto. Nagkakahalaga kasi ang isang gallon ng tubig ng 50 piso. At ang pag-inom nito ay isang pribilehiyo.

Samahan si Atom Araullo na saksihan kung paano nagtitiyagang mabuhay ang mga residente sa Isla ng Cobrador ngayong Sabado, sa I-Witness.

English version

Cobrador Island lies on the northern tip of the Province of Romblon.  Behind the beauty and serenity of this island, lies an age-old problem of the island’s residents—the lack of potable water.

Out of 7 sitios, there are only 9 sources of water for the 1,000 residents. In one part of the island, an old well and an equally old artesian well are the main sources of fresh water, disregarding the yellowish color, metallic taste, and sometimes, saltiness of its quality.

One option is rain water. Like gigantic pods, rain water collectors are erected adjacent to roof drains and pipes. Residents highly depend on rain water as it serves as the cleanest and most potable. But because of drought, no rain has fallen in almost four months.

For Cleir, Joy, Gelyn, Jesemer, all students of Cobrador Elementary School, clean and fresh water is like gold. One gallon of mineral water costs 50 pesos. Drinking clean water is now a privilege.

This Saturday, catch Atom Araullo’s “Islang Uhaw” in I-Witness, after Kapuso Movie Night.