'Ang Huling Pasyente,' dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“ANG HULING PASYENTE”

Dokumentaryo ni Atom Araullo
June 8, 2019
Congestion is the common problem publicly known in the country’s city jails.
But digging deeper, Atom Araullo and his I-Witness team discover that there is only 1 doctor, at present, servicing more than 36 thousand inmates or now known as Persons Deprived of Liberty (PDL) in NCR alone.
Dr. Fabro has been with BJMP for the past five years. Assigned to all 40 city jails in NCR, he is on standby every day, waiting for emergency calls. In spite of the challenges, he finds the task of treating patients fulfilling.
With the ballooning population of PDL, Dr. Henry Fabro prays for a better condition for them. One healthy male can acquire disease because of the congested space. A sick inmate has to contend with a measly budget of 15 pesos a day.
Watch I-Witness as Atom accompanies Dr. Fabro in his daily grind in healing our sick PDLs.
Filipino version:
Pinakamasaklap na marahil ang mawalan ng kalayaan. Lalo na kung mapagkaitan pa ng tulong mula sa goyerno.
Sa kaso ng mga PDL o Persons Deprived of Liberty na nakapiit sa mga city jail sa buong bansa, salat ang pondo para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan dahil kada preso ay may budget lamang na kinse pesos kada araw bawat preso.
Dahil dito, sinisikap ni NCR Jail Doctor Henry Fabro na matugunan ang pangangailangan ng mga PDL. Hawak nya ang buong National Capital Region na may humigit kumulang 36 libong nakapiit.
Iniwan ni Doc Henry ang trabaho sa ibang bansa, bumalik sa Pilipinas para tulungan ang mas nangangailangan ng kanyang serbisyo--- ang mga presong tingin niya ay hindi napagtutuunan ng pansin pagdating sa kalusugan. Umiikot siya halos araw-araw sa buong National Capital Region kung saan may 40 bilangguan para agapan ang kanilang mga malalang sakit.
Panoorin ang I-Witness ngayong Sabado at samahan si Atom Araullo sa pagpasok sa kulungan kung saan nagkakahawaan ng sakit ang ilan dahil sa kawalan ng espasyo sa mga selda.