ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Katay kabayo'


By Sandra Aguinaldo Episode on December 3, 2007 Late night after Saksi Rain or shine, the horse races go on at the Sta. Ana Race Track. At these races, accidents are inevitable. There are horses that end up wounded or with broken legs … and, as Sandra Aguinaldo discovers in this Monday's I-Witness documentary, some of the animals go straight to the butchers. Several illegal slaughterhouses surround the Sta. Ana Race Track, with staff just waiting for the next accident to happen. The horses are violently killed, sometimes in the street. After tying the legs together, the horses are hit on the head, then chopped into pieces. It is a lucrative trade as horse owners sell the animals at a low rate. Horse meat can go as high as P140 per kilogram in the market. Kalesa horses meet the same fate when they are too old to run. Mang London, a Binondo kutsero, considers his horse “Richard" a loyal companion, but will willingly give him up for slaughter when he is no longer useful. Sandra visits the slaughterhouses where these kalesa horses land and finds out that the same primitive techniques are used to kill the animals. “Katay Kabayo" (Horse Slaughter) explores the little known horse meat trade. This powerful and eye-opening documentary is hosted and written by 2007 New York Fest gold medalist Sandra Aguinaldo. It airs Monday late night over GMA-7’s documentary program I-Witness. ------------------------------------------ “KATAY KABAYO" I-Witness ni Sandra Aguinaldo Ngayong Lunes: Disyembre 3, 2007 Umulan man o umaraw, karera ang hinaharap ng mga kabayo sa Sta. Ana Race Track. Sa pagkakarera, hindi maiwasang maaksidente ang mga kabayo, masugatan o ‘di kaya’y mapilayan. Pero imbes na alagaan ang mga ito para gumaling, diretso sila sa mga katayang nakapaligid sa Sta. Ana. Sa dokumentaryo ngayong Lunes ni Sandra Aguinaldo, ilalantad ang ilan sa ilegal na katayan ng kabayo sa paligid ng mga karerahan. Isa si Eddie Hachero sa nag-aabang ng mapipilayang kabayo sa karera. Sa presyong P12,000 hanggang P16,000 kada kabayo, tubong lugaw na ang mga tulad niya, dahil naibebenta niya ang karne sa presyong P120-140 per kilo. Ang pagkatay sa mga kawawang kabayo, minsa’y nangyayari mismo sa kalsada! Matapos talian ang mga paa nito, pinupukpok ng tubo o palakol ang ulo ng kabayo hanggang sa ito’y mamatay. Hindi lang mga pangarerang kabayo ang nauuwi sa katayan. Maging ang mga ginagamit sa kalesa, pinakakatay rin kapag matanda na. Si Mang London, isang kutsero sa Binondo, handang ibenta ang alagang si “Richard" kapag wala na itong silbi sa kanya, kahit pa napamahal na sa kanya ang dalawampung taong gulang na alaga. Ang mga kinatay na kabayo, ibinebenta sa palengke tulad ng Malabon market. Dinarayo ang tindahan ni Mang Edwin para sa karne ng kabayo. Hindi tulad ng mga katayan sa Sta. Ana, legal ang pagkatay ng mga kabayo ni Edwin na binibili niya sa Animal Bidding sa Batangas tuwing Biyernes. Pagpupukpok din sa ulo ang paraan ng pagkatay nila sa mga nabibiling kabayo. Ayon sa mga animal welfare activists, hindi makahayop ang paraan ng pagkakatay sa mga kabayo. Hindi raw ito agad namamatay, kaya lalong nasasaktan. Ang malungkot na kinahahantungan ng mga kabayong hindi na mapakinabangan ng kanilang may-ari, mapapanood sa “Katay Kabayo," dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo para sa I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA.