Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Love Wins?', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“LOVE WINS?”

Dokumentaryo ni Howie Severino
September 28, 2019

Tucked away in some congested neighborhoods are chapels for the brave.

Condemned by traditional religious leaders, many members of LGBT communities continue to go to mass, struggling to reconcile their faith with the often cruel words from fellow faithful.

Not a few have chosen to join one of the small churches that have mushroomed to cater to the spiritual needs of the LGBT community.

An even smaller number choose to get married in these tiny chapels, even without a law in the Philippines recognizing same-sex marriages. Couples do it for love and commitment, but also for the hope that one day their union will be recognized by the state. Same-sex couples would then have all the benefits of straight couples, including having a say in the medical care of his or her spouse.

All the brickbats thrown at LGBT’s or the disapproval of their families have forced some to hide their marriages, or to conceal their faces during the ceremony.

The status outside the law of these members of the flock evoked for Howie Severino and his team images of renegade Christians from a long-ago era who secretly attended mass inside exquisitely painted caves and lived in a country that is now nearly all Muslim.

Catch “LOVE WINS?” on I-Witness this Saturday after Studio 7 on GMA.

Filipino:

Sa mga liblib na sulok ng syudad, matatagpuan ang ilang simbahan para sa mga naglalakas loob.

Madalas itintakwil sila ng mga konserbatibong relihyoso.  Sila ang mga miyembro ng LGBT community na nais pa ring ipagpatuloy ang kanilang pananampalataya sa Diyos, kahit pa tampulan sila ng masasakit na salita mula sa iba pang ‘relihyoso.’

Umusbong na ang ilang simbahan sa bansa na itinatag para buksan ang kanilang kapilya para sa mga LGBT.

May ilan pang matatapang na handang dalhin sa altar ang kanilang same-sex partner kahit hindi pa ito kinikilala ng batas.  Ginagawa nila ito para mabasbasan ang kanilang pagsasama sa pag-asang balang araw, makikilala rin ito ng estado.  Sakali kasing maging ligal ang kanilang pagsasama, matatamasa rin nila ang mga benepisyong natatanggap ng lalaki at babaeng nag-iisang dibdib.  Isa na rito ang ligal na kapasidad na magbigay na pasya para sa kanilang partner pagdating sa usaping medikal.

Makasalanan ang turing ng mga konserbatibong relihyoso sa pagsasamang LGBT.  Kaya naman ilan sa mga nagpapakasal, kinailangan pang magatago mula sa sarili nilang pamilya o sa lipunan.

Ang sitwasyon ng mga relihyosong LGBT ang nagpaalala kay Howie Severino sa panahon noong nagtatago pa ang mga unang Kristiyano.  Sa takot na sila’y saktan at usigin, nagtago sa mga kuweba ang mga unang Kristiyano para lang manampalataya.

Mapapanood ang “LOVE WINS?” sa I-Witness ngayong Sabado pagkatapos ng Studio sa GMA.

Tags: iwitness, lgbt