Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ang Pagbabalik Sa Taal', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Biyernes sa 'I-Witness'


I-WITNESS
OCTOBER 23, 2020
HOWIE SEVERINO TEAM
"Ang Pagbabalik sa Taal"

 

 

Taal Volcano, one of the country’s most iconic sights, erupted last January and made worldwide news.

In his house just across from the volcano, Howie Severino was in shock and awe. For the next several weeks, he and his neighbors couldn’t return to their homes, and feared an even greater explosion that would destroy everything. Much of the region was crippled, lakeshore communities were emptied. 

Slowly Taal’s surroundings awakened from a long lockdown. Then in March, the Covid pandemic shook the world, and the year’s first disaster was quickly forgotten. Howie himself was downed by Covid, and spent 11 days in the hospital fighting for his life.

After he recovered, Howie and his family moved back to live in the volcano’s shadow.

Emerging from the pandemic lockdown, he and his documentary team explore the volcano’s watery environs to examine what has changed.

They search for the island’s missing horses, and find them in a safer place.

Within two months, Howie survived both the eruption and Covid. He shares lessons from his year of danger, and shows what recovery looks like.

Filipino PR
Pagbabalik sa Taal

Noong Enero, ibinalita sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagsabog ng pamosong Taal Volcano, isa sa pinakasikat na pasyalan sa bansa.

Parehong natakot at namangha si Howie Severino dahil nakatira lang siya sa bayan sa  tapat ng bulkan.  Ilang linggo rin silang hindi nakauwi sa bahay dahil marami ang nangangamba sa mas malaking pagsabog.  Maraming komunidad sa Batangas ang kinailangang ilikas.

Kalaunan, natapos din ang lockdown sa paligid ng Taal.  Pero noong Marso, dumating naman ang COVID-19 pandemic at tila nalimutan na ang unang kalamidad sa bansa.  Pati si Severino, nagkaroon ng COVID at kinailangan maospital ng labing-isang araw.

Nang gumaling,  bumalik siya at ang kaniyang pamilya sa kanilang tahanan sa may lawa ng Taal.

Sa pagluwag ng mga lockdown, bibisitahin ng documentary team ang Taal at titingnan kung anung nagbago rito. 

Hahanapin nila ang mga kabayong nailikas mula sa pagsabog at madadatnan sila sa mas ligtas na lugar. 

Sa loob ng dalawan buwan, nalagpasan ni Severino ang kalamidad at sakit. Ibabahagi niya ang kaniyang mga natutunan at ipapakita kung ano ang hitsura ng pagbangon.