Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Malakas at Maganda', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS
FEBRUARY 6, 2021
HOWIE SEVERINO TEAM

“Malakas at Maganda”

 

 

Kahit sentro ito ng alamat ng paglikha ng babae at lalaki, hindi pa nakakamit ng kawayan ang respetong nararapat sa kaniya.

Dahil mura at madaling masira ang katutubong materyal para sa bahay kubo, nakilala ang kawayan bilang “pang mahirap”. Pero dahil sa teknolohiya, handa na ang kawayan na bumida sa arkitektura at marami pang paraan.

Ngunit kulang ang suplay ng kawayan sa Pilipinas.

Maglalakbay si Howie Severino at ang kaniyang team sa isla ng Talim sa gitna ng lawa ng Laguna kung saan sagana ang kawayan.



Bagamat maraming kawayan dito, hindi ito nagagamit at nabibigyan ng halaga.  Sumasalamin sa isang nakapanghihinayang na katotohanan:  maaaring sobra ang suplay sa isang lugar habang may malaking kakulangan naman sa iba.



Dahil sa pandemya, napilitan ang mga residente na gawing murang barbeque stick ang naglalakihan nilang kawayan.

Samantala, may isang panatiko ng kawayan na nakatuklas na higit sa ganda at lakas nito, ay malaki ang maitutulong nito sa gitna ng pandemya.

Ngayong Sabado ng gabi, 10:15pm sa GMA, tunghayan ang MALAKAS AT MAGANDA, isang dokumentaryo ni Howie Severino para sa I-Witness. #

English version

Central to the Filipino creation myth, bamboo has never gotten the respect it deserves in modern times.

Known as the poor man’s housing material, it is now ready to have its moment.  Advances in technology have made it a sturdy and practical material for a range of uses.

But there is a shortage of bamboo in the Philippines.

Howie Severino and his documentary team travel to intriguing Talim island in the center of Laguna Lake to see a place where bamboo dominates the landscape.

But much of this abundance lies unused and devalued, reflecting an exasperating truth: an oversupply in one place co-exists with a scarcity in others.

The pandemic lockdown has forced residents to reduce the island’s grand bamboo variety into single-use barbecue sticks.

Meanwhile, a certain bamboo fanatic has discovered that beyond its beauty and strength, bamboo can have an essential purpose during the pandemic.

Catch Howie Severino’s newest documentary for I-Witness: MALAKAS AT MAGANDA. Saturday, February 6, 2021, 10:15pm on GMA.