'COVID K9', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
March 20, 2021
Howie Severino Team
COVID K9

Matapos ang isang taon ng pandemya, ilang bansa ang tila bumabalik na sa normal, maliban sa Pilipinas. Ngayon, lalong tumataas ang mga kaso, ibinalik ang curfew at lockdown, at wala pa ang mga naantalang bakuna.
_2021_03_18_18_37_24_2.jpg)
_2021_03_18_18_37_24_3.jpg)
_2021_03_18_18_37_24_4.jpg)
Magbabalik tanaw si Howie Severino, isa sa mga unang nagkasakit ng COVID sa bansa, para bigyang pansin ang isang natatanging sintomas ng COVID na naranasan ng milyon milyong COVID survivors: ang pagkawala ng pang-amoy.
Batid ni Howie na hindi kumpleto ang buhay kung walang pang-amoy at isa itong biyaya kapag nanumbalik.
Ang kanilang pananaliksik sa pang-amoy ang naging daan para matuklasan nila ang isang posibleng solusyon para agad na ma-detect ang COVID, kahit pa sa asymptomatic: ang mga aso.
_2021_03_18_18_37_48_0.jpg)
_2021_03_18_18_37_48_1.jpg)
Biniyayaan ng nakapakalakas na pang-amoy, noon pa man, ginagamit na ang mga aso para makahanap ng droga at bomba. Ngayon, sa ilang airport sa ibang bansa, ginagamit na sila para tumukoy ng mga taong posibleng positibo sa COVID-19. At sa bulubunduking bahagi ng Antipolo, nakahanap si Severino ng isang grupo na nagsasanay ng mga aso para sa layuning ito.
Sa muling pagtaas ng mga COVID cases sa bansa, maaari kaya tayong tulungan ng mga aso kontra COVID-19?
ENGLISH VERSION:
After a year of the pandemic, much of the world is emerging from its common dystopia. Not the Philippines. Cases are spiking, lockdowns and curfews are back. Vaccines are delayed.
Howie Severino, among the country’s early Covid cases, looks back on this unimaginable year, and dwells on one of the most common symptoms that he and now millions of other Covid survivors have endured, the loss of smell.
It’s an experience unique to Covid. Survivors like Howie realize how incomplete the world is once smell is taken away, and what a blessing it was to get it back.
His team’s research on smell leads them to a solution that can detect even asymptomatic Covid carriers: dogs.
Animals gifted with olfactory superpowers, dogs have been trained to sniff out drugs and explosives. In airports in some countries, they are already being used to identify people who could be infected with the virus. Howie and his team found a wooded hillside in Antipolo where professional working dogs are being trained to do the same.
As Covid surges anew, can dogs help us buy time while waiting for overdue vaccines?#