'Hacker', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'!
I-Witness: Hacker
Host: Sandra Aguinaldo
Sinasabing may isang sikretong mundo sa cyberspace kung saan tahimik na kumikilos ang mga taong marurunong sa teknolohiya. Sila ang mga taong hindi mo nakikita. Hindi mo naririnig. Pero nakakapasok sila sa iyong opisina at sa iyong tahanan sa pamamagitan ng iyong computer.
Sila ang mga hacker.
21 taon na ang nakalipas nang pumutok sa balita ang isang virus na gawa ng Pinoy hacker na si Onel de Guzman. Tinawag itong “I love you” virus na nagbura ng data sa milyun-milyong computer sa buong mundo. Nagdulot ito ng pinsalang nagkakahalaga sa 10 bilyong dolyar. Ilang Pinoy hacker na rin ang sumunod na naging laman ng balita mula noon pero ayon sa kanila, hindi na ilegal ang kanilang ginagawa ngayon. Ilan sa kanila, nasa cyber security na kung saan, sa pahintulot ng may ari, hinahack nila ang mga website para malaman kung may kahinaan ito. Tinatawag silang “white hat’” o “ethical hacker”.
Isa rito si Alexis Lingad. Nagsimula bilang isa “black hat hacker”--yung mga ilegal na nanghahack ng mga website, na ngayon isa nang cyber security engineer sa isang kumpanya. May YouTube channel din siya kung saan nagtuturo siya kung paano mo mas mapapaigting ang iyong seguridad online. Naniniwala raw siyang makapangyarihan ang mga hacker. Kaya raw nilang hawakan ang mga industriya at military, pati kapangyarihan para sa pulitika ng isang bansa. Kayang magsimula ng giyera.
Meron din namang nagsimula bilang isang “hacktivist” kung saan ang hacking ay isang uri ng pagpoprotesta sa mga isyung pulitikal o panlipunan. Si Rodel Plasabas, inaresto noong 2013 sa pagiging miyembro diumano ng isang hacktivist group. Ang grupong Anonymous Philippines ang may may kakagawan sa paghahack sa ilang websites ng gobyerno. Kalaunan, na dismiss ang mga kaso laban sa kanya at naging consultant siya noon sa Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation pati na rin sa Armed Forces of the Philippines. Ngayon nagtuturo siya ng cyber security sa mga estudyanteng Singaporean.
Sa panahong napakaraming Pilipino ang babad sa internet, napakalaki rin ang pagkakataong mabiktima ng mga cyber criminals ang mga hindi nag-iingat. Ngayong Sabado sa I-Witness, papasukin ni Sandra Aguinaldo ang mundo ng mga “HACKER” pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA.
English:
They say there is a secret world in cyberspace where people adept at technology lurk. You don’t see them. You won’t hear them. But they can enter your office and your home through your computer. They are the hackers.
21 years ago, on a virus created by a young Filipino hacker named Onel de Guzman made headlines all over the world. It was named the “I love you” virus which erased files in millions of computers. The damage it brought was estimated to be at 10 billion dollars. Many hackers have been on the news since then but some of them claim that they now hack legally. Some of them have shifted to cyber security where website owners hire them for “penetration testing” and check on their systems’ vulnerabilities and security flaws. They are called “white hat” or ethical hackers.
Alexis Lingad started out as a “black hat” hacker, those who illegally hack into sites for personal gains, but is now a cyber security engineer of a global company. He has a YouTube channel where he teaches netizens how to strengthen their cyber security. He believes that hackers are powerful. He says hackers can control operations of industries, military and political strength of a country. Some actions can start a war.
There are also those who start out as an “hacktivist” – hacking as a form of protest that may be politically or socially motivated. Rodel Plasabas was arrested in 2013 for allegedly being a member of a hacktivist group called Anonymous Philippines responsible for the defacing of several government websites. His case was later dismissed and he became consultant for the National Bureau of Investigation and Armed Forces of the Philippines. He is currently teaching cyber security to Singaporean students.
Many Filipinos are now spending more time online and with this comes the risk of falling victim to cyber criminals if you are not mindful of your online security. This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo enters the shady world of the “HACKER” , after Daddy’s Gurl on GMA.