ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Gang rape


Episode on February 4, 2008 Monday late night after Saksi
This Monday, I-Witness enters the minds of a group of troubled teens for a groundbreaking documentary on gang rape. This group of friends from an urban poor community in Caloocan are closer than blood brothers. They follow a simple rule in life: they do whatever they want, whenever they want to do it. Crucial, Paul, Gary, Michael and Bulate literally share everything: their hangouts, their vices, and even the women in their lives. They admit to regularly getting girls drunk and then lining up one by one to use them for sex. At seventeen, Crucial is the ringleader of the group, using his good looks to reel in potential victims. He was fifteen when he first joined a gang bang. Since that time, he says he has shared seven women in this manner. What goes through a boy's mind when he takes part in gang rape? 2008 New York Festival Silver Medalist Sandra Aguinaldo finds out straight from the mouths of boys who have committed this crime many times over. She explores the world of their dark brotherhood on I-Witness, Monday late night over GMA-7.
Isang barkadang tila magkakapatid. Ang tanging batas na sinusunod: ang kanilang sariling kagustuhan. Sa grupo nila Crucial, Paul, Gary, Michael at Bulate, walang bagay na hindi nila pinagsasaluhan. Mapa-alak man, sigarilyo… o maging babae! Ilang babae na ang natikman nang sabay-sabay ng grupo. Ang kanilang diskarte: lalasingin nila ang babae at kapag lango na ito, isa-isa na siyang pipilahan ng barkada. Sa edad na disisyete, si Crucial ang namumuno sa panghahalay ng mga nakaka-inuman nilang babae. Kinse anyos siya nang una siyang sumali sa pangga-gang rape, at mula noon, pitong beses na raw niya itong nagawa. Ano ang umiikot sa isip ng mga binatang ito para manghalay? Sa espesyal na dokumentaryo ng I-Witness ngayong Lunes, makakapanayam ni Sandra Aguinaldo ang mga binatilyong sa murang edad ay bihasa na sa gang rape. Sa kauna-unahang pagkakataon, maririnig natin ang kanilang saloobin tungkol sa paggawa ng isang napakabigat na krimen. Pasukin ang mundo ng "Kapatiran sa Laman" at alamin kung bakit hindi isyu para sa mga batang ito ang gang rape, kasama ang 2008 New York Festival Silver Medalist na si Sandra Aguinaldo, ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness ng GMA-7.