ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Mask Land', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS
HOWIE SEVERINO
AIRING DATE: JULY 3, 2021
MASK LAND


 

Saan man sa mundo, bahagi na ang mga face mask ng buhay ng tao. Ngunit, saan nga ba sila napupunta pagkatapos itong gamitin?

Hahanapin ni Howie Severino at ng kaniyang team ang kasagutan.  Sa malayong isla man o sa tabing dagat ng Maynila, makikita nilang palutang-lutang ang mga itinapong face mask.  Ang surgical mask, na pinakamurang panangga laban sa COVID-19, ay nagiging basura na.

 


Dahil maituturing itong medical waste, kahit ang ilang gustong maglinis sa dalampasigan ay natatakot damputin ito.  Ang resulta: bilyon-bilyong mask na nagiging peligro sa kalikasan.  Kabilang dito ang Batangas kung saan sinisikap itong pulutin ng mga nanay na nais protektahan ang kanilang marine sanctuary.  Maging sila, pinagdedebatihan kung ano ang mas mainam gamitin, ang surgical mask o mga reusable mask.

 

 

Bibisitahin ng team ang isang pamilya ng artists na gumagawa ng alternatibo sa surgical mask, na may buto ng gulay na puwede pang itanim!  Ngunit, gaano ito kaligtas ngayong may pandemya?

 


Huwag palalampasin ang MASK LAND, dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness, July 3, 2021, 10:15pm sa GMA!

ENGLISH VERSION

Face masks may now be the most common personal item in the world. But where do they go when we can’t wear them anymore?

Howie Severino and his masked documentary team try to find out. On both pristine beaches and littered shores, they learn that discarded face masks are a unique form of waste. Cheap surgical or medical masks comprise nearly all mask waste.

Since face masks are associated with a deadly virus, even do-gooders involved in clean-up drives are hesitant to pick them up. The result: billions of masks polluting the environment, including Batangas’s marine sanctuaries where the ladies guarding their local coral reefs debate the merits of disposable and washable masks.

The documentary team travels to a small town where artists have invented a novel alternative, a kind of mask that produces food once it’s discarded. But is it really safe during a pandemic?

Howie Severino’s MASK LAND airs this Saturday on I-Witness, July 3, 2021, 10:15pm on GMA. #