ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Huling Sayaw ni Black Jack', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 



I-WITNESS
HOWIE SEVERINO
NOVEMBER 6, 2021

HULING SAYAW NI BLACK JACK

Labinlimang taon na ang nakaraan mula noong samahan ng I-Witness ang isang ama na nagpursiging hanapin ang kaniyang bunsong anak sa tulong ng kaniyang kakaibang talento sa pagte-train ng aso.

 

 

Nakilala ni Howie Severino si Mang Sergio Redoloza at ang pambihira niyang alaga na si Habagat sa ilalim ng MRT station noong 2006.  Dahil sa galing ni Habagat sa arithmetic at paggawa ng tricks, maraming pagkakataon ang nagbukas sa kanilang pamilya at ginawan pa sila ng pelikula.

 

 

 

Pumayag si Mang Sergio na maitampok sa dokumentaryo basta't tulungan daw siyang hanapin ang kaniyang apat na taong gulang na anak.

Naglakbay sila patungong Isabela at kalauna'y naisama ang bata pabalik ng Maynila.  Ang bunso na si Eddie Boy ang siya palang susunod sa yapak ng kaniyang ama pagdating sa mga dog show.

 


Noong 2014, binalikan muli ni Howie ang kanilang pamilya at nadatnan nila si Mang Sergio na mahina at retirado na.

 

 

Ngayong 2021, isang masamang balita ang nag-udyok kay Howie Severino para balikan muli ang pamilya ni Mang Sergio. Tunghayan ang “Huling Sayaw ni Black Jack,” ngayong Sabado sa I-Witness, November 6, 2021 pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA.

English version

Fifteen years have passed since I-Witness followed the journey of a poor but determined father, who used his rare talent for training dogs to find his son.

Howie Severino met Mang Sergio, and his clever dog below an MRT station back in 2006 as they were doing tricks for donations, and produced a poignantly uplifting documentary that inspired a movie and numerous features in the media.

Mang Sergio agreed to be shadowed by Howie and his team only if he received help finding his four-year-old son.

Together they found the boy way up in northern Luzon and took him back to Manila. Eventually the son Eddie Boy took over his father’s dog show.

Howie and his team have kept track of the dog-whispering family through the years and featured them again in 2014, when Mang Sergio was already too ill to perform with his dog.

In 2021, tragic news reunited the documentary team with the family, in this latest and perhaps last installment of a documentary series about an illiterate man who successfully raised his children and made their dreams come true. “Huling Sayaw ni Black Jack” airs this Saturday on I-Witness, after Daddy’s Gurl in GMA.#