Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Walang COVID sa Caoayan', dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 



I-WITNESS
Atom Araullo Team
December 18, 2021
WALANG COVID SA CAOAYAN

Sa isang liblib na sitio sa kabundukan ng Capas, Tarlac, pangangaso ang isa sa mga nakagisnang paraan ng mga Ayta Mag-antsi para makahanap ng pagkain. Mga ibon tulad ng kukulok ang paborito nilang hulihin dahil sa naibibigay raw nitong lakas at sustansya sa kanila, lalo na ngayong may kumakalat na sakit sa kapatagan.

 

 

 

Nang pumutok ang pandemya, naging mailap ang mga katutubo sa buhay sa ibaba. Dahil dito, mas sumandal sila sa kalikasan para sa kanilang kabuhayan at araw-araw na makakain.

 

 

Pero may isang binata rito na unti-unting lumalabas sa kahon ng kanilang mga kultura at pananaw para sa kanyang mga pangarap.

 

 

Kikilalanin ni Atom ang isa sa pinakamagaling na hunter ng mga Ayta Mag-antsi at ang iba pang mga natatanging katutubo ng Caoayan.

 

 

Huwag palalampasin ang dokumentaryong “WALANG COVID SA CAOAYAN” ngayong Sabado sa I-Witness, December 18, 2021, 10:30 pm sa GMA.#

ENGLISH VERSION

In a quiet town perched on the mountains of Capas, Tarlac, hunting has been one of the Ayta Mag-antsi's ways to obtain food for their families. In a time when a fatal virus has been spreading in the lowlands, birds like the kukulok are among their targets which they believe are enough to make them strong and healthy.

The tribe became more distant to life below the mountains. Because of this, they continued to rely on nature for their livelihood and everyday food.

But one boy does not exactly share the same fear and ideas-- he is slowly breaking free from some of their beliefs and culture to make way for his dreams.

Atom gets to know one of the best hunters of the Ayta Mag-antsi and the other remarkable members of the tribe of Caoayan.

"WALANG COVID SA CAOAYAN" airs this Saturday, December 18, 2021, 10:30 pm on GMA. #