ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ang Dangwa at si Nanay Naring', dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS
FEBRUARY 5, 2022
HOST: ATOM ARAULLO
“ANG DANGWA AT SI NANAY NARING”

 

 

Pebrero rin noong nakaraang taon nang makilala ni Atom Araullo ang tindera sa Dangwa na si Nanay Naring. Nasundan ni Atom ang kuwento ng kanyang pagpupursige at payak na pamumuhay sa dokumentaryong Ligaw Na Bulaklak.

Sa halip na coco grass, tambo at foxtail grass na ngayon ang pakay ni Nanay Naring sa mga liblib na kabundukan ng Rodriguez, Rizal. Gaya ng nakagisnan, nagpatuloy sa pagbebenta ng mga ligaw na bulaklak si Nanay Naring sa Dangwa sa Maynila.

 


Mailap na nga ang pag-asenso sa kanya, nadagdagan pa ang pasanin sa buhay ni Nanay Naring matapos tamaan ng mild stroke ang asawang si Jonathan.

 


Kaya naman kahit mapanganib bumiyahe sa Maynila dahil sa banta ng COVID-19, pikit-mata na lang itong ginagawa ni Nanay Naring para kumita ng pera. Matindi ang pangangailangan nila ngayon para sa pambili ng gamot ng kaniyang asawa.

 


Muling binisita ni Atom si Nanay Naring sa Dangwa para kumustahin at alamin kung paano niya hinaharap ang mga bagong hamon sa buhay.

Huwag palalampasin ang dokumentaryong “Ang Dangwa at si Nanay Naring” sa I-Witness ngayong Sabado, February 5, 2022, 10:30pm sa GMA.

ENGLISH VERSION

Same month a year ago, Atom Araullo and his documentary team met Naring, a flower vendor in Dangwa. Her story of determination was told in the documentary Ligaw Na Bulaklak.

Today, Naring still braves the remote grasslands in the town of Rodriguez, this time to get Tambo and Foxtail grass. She transports the wild harvests to Dangwa in Manila and sells them in the sidewalks like her usual routine.

Getting income from unusual kinds of flowers is not easy for her. Unfortunately, her husband Jonathan suffered from mild stroke last August, reason why she needs to work and earn more money for her husband’s medications. 

Atom pays another visit to Naring in Dangwa to know how she copes with life’s new challenges. “Ang Dangwa at si Nanay Naring” airs this Saturday in I-Witness, February 5, 2022, 10:30pm on GMA.