ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Balut Island


Episode on May 19, 2008 Monday late night after Saksi Kara David heads to the southernmost tip of the Philippines this Monday to document a special island where two cultures meet. Balut Island is closer to Indonesia than it is to the mainland of Mindanao. Almost half the population are Indonesians, many of whom consider themselves full-blooded Pinoys. Their families have been crossing the border from the nearby Indonesian island of Marori since time immemorial. Lola Adelina is now 83 years old. She was born Indonesian but has lived most of her life as a Filipina. Deoromude Arbaang changed his name to Alfredo so he could feel more Pinoy. He proudly sings our national anthem and speaks tagalog, though his birth certificate says he is Indonesian. Even the mayor’s wife here is full blooded Indonesian, but has chosen to remain in the Philippines. While Indonesians are well assimilated in Balut Island, Filipino fishermen who cross the border to Indonesia are detained for months on end unless they can afford to pay a huge bail. Kara David meets the wives of these undesirable aliens, who await their return. The story of the people of Balut Island, situated in the midst of two countries and two cultures, is told by Kara David on this Monday’s I-Witness, late night over GMA-7.
Samahan si Kara David ngayong Lunes sa kanyang pagtawid ng karagatan upang tuntunin ang Isla ng Balut, sa kadulu-duluhan ng Pilipinas. Kikilalanin niya ang mga taong Pilipino ang hitsura ngunit Indonesian ang salita, mga taong pinaghalo ang kultura ng dalawang bansa. Si Lola Adelina, mahigit sa walumpong taong gulang, ay isang Indonesian. Ngunit buong buhay na niyang kinilala ang Pilipinas bilang kanyang bansa. Indonesian man daw ang dugo, Pinoy na Pinoy raw siya sa pag-iisip. Si Deoromude Arbaang, ngayo’y Alfredo Arbaang na, nagpalit ng pangalan parang maging ganap na taga Balut. At pati na rin ang asawa ng Mayor ng islang ito, Indonesian man ay namumuhay rito bilang isang Pinay. Noong unang panahon pa kasi, dumarayo na rito sa Balut ang mga residente ng malapit na isla ng Marori, na bahagi naman ng Indonesia. Pero kung sa Balut Island may ilang mga Indonesian TNT, ang mga Pinoy na tumatawid ng border ay tinuturing na mga alien. Ikinukulong ang mga mangingisdang Pinoy na pumapalaot sa Marori. Kikilalanin ni Kara David ang mga asawa ng mga nakulong na mandaragat na naghihintay sa kanilang pagbabalik.. Ang kuwento ng mga tao sa Balut Island na napagigitna sa dalawang bansa at dalawang kultura ay ikukuwento ni Kara David ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness.
Tags: iwitness