ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga Ampon ni Andres
Episode on June 9, 2008 Monday, after Saksi The Bonifacio monument, which commemorates the Katipuneros cry of freedom at Balintawak, now stands witness to another kind of rebellion. In its shadows lives a community of runaways. This is where they eat, sleep and sniff rugby. Amidst the noise and pollution and under the hot sun, they call this place home. 
Jay Taruc documents the Bonifacio Park residents in his I-Witness episode this Monday. His camera captures one of them going wild in the midst of her high, taking food straight out of the hands of pedestrians and stealing solvent from her peers. Her name is Gigi. She ran away from home and came to live here among rugby sniffing teens. Before long, she too was addicted. Gigi says the solvent helps her forget her problems, including her two year old daughter who is in the care of her mother in Bulacan. 
The Bonifacio Monument Park attracts the homeless because of its strategic location. The park is at the border of three cities: Quezon, Caloocan and Manila, and is now home to Gigi and more than 50 other runaways. Under the watchful eyes of Bonifacioâs statue, they sniff solvent to escape their miserable reality. Watch their compelling stories in the I-Witness documentary âMga Ampon ni Andres" airing Monday late night, written and hosted by Jay Taruc.
Sa Monumento sa Balintawak, kung saan unang narinig umano ang sigaw ng kalayaan, sumisilong ang makabagong uri ng mga batang rebelde. Walang tirahan. Walang magulang. Lulong sa rugby. Ang tangi nilang tagabantay, ang rebulto ng Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Sila ang susundan ni Jay Taruc sa kanyang I-Witness ngayong Lunes. Si Gigi, halos apat na taon nang palaboy rito sa parke. Ang plastik na may lamang solvent ang kaulayaw niya sa bawat oras. Payat na payat si Gigi, ang perang dapat pinambibili ng pagkain napupunta sa bisyo. Ayon sa kanya, nakakalimutan niya ang lahat ng problema pag nakatira, pati na ang pangungulila sa dalawang taong gulang na anak. Ang mga istokwang barkada ni Gigi, nabubuhay sa pamamalimos. At minsan sa pamamasura. Dahil laging high, nagagawa nilang magnakaw ng pagkain at kung anu-ano pa. Nakunan mismo ito ng mga kamera ng I-Witness. Umulan man o umaraw, nakasubsob ang maliit na plastik sa kanilang mga bibig. Sa ilalim ng monumento ni Bonifacio, malaya nilang sinisinghot ang solusyon sa kanilang mga problema. âAng Mga Ampon ni Andres," kilalanin ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness ni Jay Taruc.

Tags: iwitness
More Videos
Most Popular