ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Full Transcript: Sonny Angara on 'Kandidato 2013'


Sonny Angara on Kandidato 2013After three terms as the representative of the Lone District of Aurora, Edgardo "Sonny" Angara is now aiming for a seat in the Senate.

The 40-year old senatorial candidate running under Team PNoy was recently accused of premature campaigning when he joined the president in distributing relief goods to the victims of Habagat. This was one of the things that he clarified on the GMA News and Public Affairs' special election series "Kandidato 2013," hosted by Arnold Clavio with PCIJ Executive Director Malou Mangahas.

Angara also discussed how he got his celebrity endorser, what he thinks of APECO, and why the Filipinos should vote for him this coming election.

Here's the full transcript of Angara's interview on "Kandidato 2013," which aired last February 21:

On the sudden increase of his net worth 

ARNOLD CLAVIO (AC): Magandang gabi, at ang makakasama nating kandidato ngayong gabi, si Congressman Edgardo “Sonny” Angara. Magandang gabi po, at ang una naming tanong, lumilitaw na mas mayaman ka pa daw kay Senator Edgardo Angara. So mula 2005 ang net worth mo ay 107 million. Nung 2008, 93 million. So panong lumago nang ganun ang yaman mo gayong congressman ka lang, ang trabaho mo ay congressman lang?

SONNY ANGARA (SA): Nung 1999, ang father ng misis ko na si Dulce, namatay po. Ang pamilya po kasi niya, 'yung family, sila po 'yung may ari nung Centro Escolar University. Isa sa pinakamalaking unibersidad, kilalang unibersidad. So nung namatay 'yung father niya, dahil mag-isa po siyang anak, halos lahat napunta po sa kanya at 'yung bulk ng almost 100 million ay sa kanya. Pero nung ikinasal kami, dahil wala naman kaming marriage settlement, considered conjugal property, at requirement ng statement of assets and liabilities na ideklara din 'yung ari-arian ng asawa.

On releasing his SALN

MALOU MANGAHAS (MM):
'Yung pagiging spokesman n’yo sa impeachment, nabanggit 'yung, ang ating pinuna dun, ng complaint niyo, ay 'yung hindi true and full disclosure ng net ng assets ni dating Chief Justice Renato Corona. Pero hanggang ngayon po, ang House of Representatives ay magtatapos na, ayaw niyo pa ding ilabas ang SALN niyo. Hindi ba parang pagpapanggap lang 'yung ginawa niyong paninikil kay Corona, tapos kayo naman, kapag 'yung SALN niyo, ayaw niyo naman ilabas?

SA: Well para sa akin, makakapagsalita lang ako para sa sarili po namin, 'yung tatlong spokesperson po. Si Congressman Miro Quimbo, si Congressman Erin Tañada, and myself. Right after the trial po, nag-release po kami agad ng aming latest na SALN.

On APECo

AC
: Pero isa din controversial na kinakaharap ng pamilya niyo 'yung APECO. Ano ba ito at bakit binabato sa inyo?

SA: Sa akin hindi naman masyadong kontrobersyal 'yung APECO. I think kumbaga hindi siya masyadong naiintindihan ng nakakarami, especially 'yung mga hindi alam kung ano 'yung Aurora nung dekada ‘90 na isang napakahirap na lalawigan na dun sa kung saan tinayo namin 'yung APECO. Ano 'yung APECO, siguro mas magandang sabihin 'yung kung ano 'yung APECO. 'Yung APECO ay isang government corporation na nilikha pursuant to the PEZA law. PEZA law is Republic Act 7916, na nagsasabing pwedeng magtayo dito sa ating buong bansa ng mga industrial, financial, banking, at tourism zones kung saan may insentibo po sa mga mag-i-invest, whether local or foreign, para makaakit po ng trabaho at investment.

MM: Pero kelan lang may mga protesta 'yung mga katutubo galing sa Aurora, at humingi pa ng tulong na sana si Pangulong Aquino ay mag-intervene at pigilan na 'yung subsidy para sa APECO. Ano ang tingin ng pamilya n’yo dito?

SA: 'Yung nag-march po, 120 families. Sinaliksik din po namin. 'Yung taga-APECO lang po ay mga 50 po at 'yung nakatira talagang pamilya dun sa within the free port is about 30, dun sa mga nagmartsa, at ang gusto nilang ibigay na lupa sa kanila, na sinasaka nila ngayon, ay pagmamay-ari ng Aurora State College of Science and Technology, owned by the State University po. Actually 'yung lupa na yun ay binigay po sa ASCOT even before na-create 'yung APECO. So kumbaga, side issue lang siya.

MM: Pero ang malaking bulto po ng PDAF n’yo at ng inyong ama ay mukhang nabibiyayaan ang Aurora. Meron bang conflict of interest dun, or parang napunta dun sa lugar n’yo na covered ng APECO?

SA: Ah, hindi po. I think in fact, dapat ikaligaya ‘yan ng ating mga kasamahan sa Aurora sapagkat ang Aurora, for many years, hindi napapansin sa national budget ‘yan. Kung titingnan n’yo 'yung mga budget nung dekada ‘90, walang natatanggap sa gobyerno halos ‘yan in terms of infrastructure projects.

AC: Yun nga, ang tagal naglingkod ng mga Angara, pero ang reklamo, parang 'yung kalsada yata sa Aurora eh hindi yata maganda pa din ang kondisyon?

SA: Opo. In fact, itong siguro last five or six years po, napakalaki ng improvement sa kalsada sa Aurora. In fact, dati-dati po, nung una akong hinalal bilang kongresista, ang byahe po sa capital town of Baler was about eight to nine hours po. Ngayon, nagagawa po sa apat or limang oras.

AC: Kasi si Senator Angara ‘pag pumupuntang Aurora, naka-chopper s’ya eh?

SA: Minsan nagba-by land po.

On Team PNOY's role on "daang matuwid"

MM
: 'Yung Team PNOY, sabi ng Pangulo, ito 'yung mga ka-partner sa daang matuwid. Ano ba 'yung daang matuwid sa pagkaintindi n’yo?

SA: Sa daang matuwid, nakikita natin over in the last two years, maraming naipon na pera katulad ng para sa budget ng edukasyon. We have a three hundred billion peso budget, which is the biggest in history. May forty-four percent increase po sa budget for higher education. Na-interview n’yo ako dati Malou. Ang issue is 'yung bakit hindi tumataas ang budget sa higher education and state colleges. Ito na nga, forty-four percent, ‘yan 'yung dividendo ng pagtahak ng daang matuwid.

AC: Yun na nga, daang matuwid, daang maganda, pero daan-daang milyon din ang gastos sa kampanya. So sa’n po kukunin?

SA: Fund raising po. Kailangan lumapit po tayo sa mga kaibigan, mga dating kasamahan sa legal profession, mga kaklase po natin. Nag-aral po ako sa Xavier, so karamihan ng kaklase ko po dun, mga negosyante. Makakatulong din po.

On his celebrity endorser

AC
: Isa po sa pinag-uusapan ngayon, bulung-bulungan, eh mukhang may celebrity endorser daw po kayo, Congressman. Pwede bang malaman kung ito ba ay libre o mahal din ang bayad kay Sarah Geronimo?

SA: Ay malamang may bayad po ito. Palagay ko hindi libre.

MM: Hindi n’yo alam kung sino 'yung nagkontrata kay Sarah?

SA: Si Senator saka si Vic del Rosario of VIVA po ang nakipag-usap.

MM: Pero hindi ba dapat 'yung mga kandidato alamin kung anu-ano ang pinagkakagastusan at saan galing 'yung mga pondo, kasi kayo ang madedemanda. One to six years imprisonment.

SA: Opo. Dapat alam n’yo yan when the time comes for you to file your statement of expenditures. That comes after. Sa ngayon, busy po kami sa pag-a-attend ng mga interviews, ng mga forum. Wala po kaming oras dun sa ire-record namin ano ang mga pumapasok na pera, anong lumalabas. Hindi po namin gamay ‘yun.

MM: Pero 'yung inyong, kay Senator Edgardo Angara, o baka dun galing 'yung pondo na binayad kay Sarah Geronimo. Kaya ko lang po tinatanong kasi ito 'yung hidden na –

SA: Malamang po galing sa mga contributors.

MM: Hindi ba bawal kumuha ng mga donations ang mga taong nakaupo sa pwesto, dahil parang graft case ‘yan?

SA: Ang election expenses po ay exempt po.

MM: Hindi pa po campaign period, hindi pa po pwedeng tumanggap. Ibig sabihin, hindi pa tax deductible or wala pang pwedeng kunin. By February 12, pwede po talaga. Pero bago ‘yun, you are public officials, Hindi kayo dapat kumukuha ng donasyon o kontribusyon na may self-interest. Hindi ba illegal yun?

SA: Hindi naman.

On his involvement on the relief efforts during habagat

AC
: Congressman, nung panahon ng habagat, isa kayo sa nabansagang epal kasi kasama kayo dun sa nagmudmod kasama ng pangulo, although wala pang official na declaration kung tatakbo kayo or hindi. Nasaktan ka ba nung bansagan kang epal o nakapag-isip ka na hindi na tama 'yung nangyari noon?

SA: Hindi naman, dahil mabilisan din po 'yung pag-imbita sa amin eh. Kumbaga bumagyo, isang araw, tinawagan kami at nagkataon na may isang linggo kaming break sa kongreso. So wala kaming linggo, 'yung sunod na linggo, may pasok na kami, so hindi na kami sumama dun sa pagbibigay.

On FOI

MM: Kayo po ay naging reporter pansamantala, nung summer sabi n’yo, pero ang Pangulong Aquino, medyo sensitibo sa mga puna ng media. Kayo ba ay medyo balat-sibuyas din tulad ng Pangulo?

SA: Palagay ko siguro naman si Pangulo ay ‘pag tingin lang niya ay hindi makatarungan o hindi balansyado 'yung komento sa kanya. Pero ako, tanggap naman natin na bahagi po ‘yun ng serbisyo publiko.

MM: Eh bakit nung kami ay nagsusulong ng freedom of information, bilang disclosure, parang tumamlay ang pagsuporta ng pangulo, at kayo mismo, bilang isa sa mga tumulong no’n, bakit parang nasablay yata 'yung iyong suporta no’n kung kelan kailangan?

SA: Andyan pa po 'yung ating suporta. Asahan niyo po ‘yun. In fact, tayo ay, dun sa hanay ng mga kongresista, kasama nina Congressman Tañada na tuloy na tumutulak dun sa FOI bill in its original form. Hindi na sinamahan ng right of reply na gusto ng ibang mga kongresista na tinututulan ng mga media outfits.

On his father's legacy

AC
: Ano ang tingin mo na legacy ni Senate President Edgardo Angara? Kasi medyo hindi siya tumuloy ulit sa pagtakbo. So siya po ay magko-concentrate sa pagtulong sa inyo, at malaki ang bentahe ba na Angara ang apelyido?

SA: Palagay ko may konting advantage po 'yung marami na ding naipundar ang ating ama sa loob ng apat na termino. Palagay ko siya ay maaalala na pinakamagaling na statesman ng kanyang henerasyon, na naging, nahalal bilang senador o kongresista, post-EDSA revolution. Kasi lahat halos ng mga importante at mahahalagang batas sa buhay ng Pilipino ay karamihan ay siya po ang nagbalangkas.

AC: So ano ang natira pa sa iyo? Parang nasa kanya na lahat.

MM: Anong sarili mong tatak?

AC: Ikaw naman?

SA: 'Yung kagandahan ng pagiging mambabatas po, hindi naman natin kailangan na imbentuhin muli 'yung batas. Hindi natin kailangan irepaso ulit ‘yan. Kumbaga palakasin na lang po natin ‘yan. At kung sa karanasan natin may pagkukulang, or kailangan idagdag, eh yun na lang ang trabaho natin.

On his stand on the impeachment of former President Arroyo and former Ombudsman Mercy Guttierez

MM
: Sir, ‘yun pong tungkol sa inyong record ng voting sa impeachment complaint, parang ‘pag meron yatang nakaupong iba sa Malacañang, sabi nila dun kayo pumapanig. Kay Gloria Arroyo impeachment, 2005, 2006, in favor of the impeachment complaint. 2007, in favor of dismissing the complaint. Kay Mercy Guttierez naman, 2009, yes dismiss the complaint. 2011, yes file the complaint. Bakit po parang may pagbabalimbing dito?

SA: Siguro tingnan natin 'yung circumstances. 2005, 2006, bumoto tayo to impeach si GMA, ang Pangulo. Nung 2007, I think yun 'yung Pulido complaint na kahit 'yung minorya sa kamara nun ay hindi sineryoso 'yung reklamo. File lang yun para ma-insulate, para mag-take effect na 'yung one year ban against the President. Dun naman kay Mercy, sa totoo lang, hindi ko maalala 'yung 2009, pero mukhang tama naman 'yung record n’yo. Binigyan natin ng tsansa na umakto dun sa mga reklamo sa dati n’yang boss, pero talagang walang resulta, kaya tayo bumoto sa complaint.

On why he wants to be a senator

MM
: Ang sweldo po bilang senador ay napakaliit, 45,000 pesos kada buwan. Ang gagastusin n’yo milyon-milyon. Ano po talaga, bottomline, what's in it for you?

SA: Well tumaas na po ang sweldo ng congressman ngayon. Nasa 90,000 na po and, but still, we are not doing it for the money. It is really, ako kumportable naman ako sa lifestyle ko dahil 'yung dual income family ko po, ang misis ko mas higit na ‘di hamak na mas malaki ang kinikita sa akin, at nagpapasalamat ako dahil very supportive siya sa aking career at sa aming pamilya. Sa akin, it's all about, siguro self-fulfilment eh. Bawat tao may proseso sa kanyang buhay na hinahanap niya, kumbaga saan siya fulfilled at dito sa politika, nakita ko yun.

On why he should she be elected

AC: Bakit kayo karapat-dapat na iboto sa senado?

SA: Karapat-dapat dahil hindi naman po natin, sa loob ng siyam na taong paninilbihan, hindi po tayo nagsayang ng pera ng bayan. Kung hinihingi po 'yung report kung saan ko ginastos 'yung aking pork barrel, binibigay po natin yan. Nakapagpatayo po tayo ng 300 classrooms, nakapagbigay po tayo ng 3,000 scholarships, nakapagpatulong tayo sa over 2,500 indigent patients sa 12 ospital po. So talagang 'yung pangangailangan po, 'yung pangunahing pangangailangan ng taong bayan, natugunan po natin.

AC: Okay, maraming salamat. Ang ating nakasama ngayong gabi, Congressman Edgardo “Sonny” Angara. Kandidato.

-Mia Enriquez/PF, GMA News