ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Escudero, Llasos, and Villanueva answer questions on 'Kandidato 2013'
Kandidato
Sen. Chiz Escudero, Bro. Eddi Villanueva, and Atty. Marwil Llasos
Airing Date: February 28, 2013
Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA-7, sina Senator Chiz Escudero, Bro. Eddie Villanueva at Atty. Marwil Llasos naman ang sasabak sa matinding pagtatanong ni Arnold Clavio at Howie Severino sa KANDIDATO 2013: SENADOR.
Sen. Chiz Escudero, Bro. Eddi Villanueva, and Atty. Marwil Llasos
Airing Date: February 28, 2013
Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA-7, sina Senator Chiz Escudero, Bro. Eddie Villanueva at Atty. Marwil Llasos naman ang sasabak sa matinding pagtatanong ni Arnold Clavio at Howie Severino sa KANDIDATO 2013: SENADOR.
Matapos makipaghiwalay sa kaniyang misis, si Chiz Escudero ano na kaya ang pananaw ngayon sa diborsyo? Ano kaya ang ilalatag niyang legistlative agenda sakaling muling palaring manalo? Tinanong din si Escudero kung paano nakaapekto sa trabaho niya sa Senado ang pag-eendorso niya ng sari-saring produkto pati na ang pagiging co-host niya sa telebisyon. At ang kanyang makulay na lovelife na hindi lingid sa marami hanggang saan nga ba dapat panghimasukan ng publiko?
Matapos naman ang magkasunod na pagkatalo sa 2004 at 2010 presidential elections, si Bro. Eddie Villanueva, nais namang sumabak sa senado. Bakit nga ba ganoon na lang siya kapursigidong pasukin ang mundo ng pulitika? Bilang lider ng Jesus is Lord Church, ano ang kanyang opinyon sa sinasabi ng konstitusyon na hiwalay ang simbahan sa estado?
Humarap din sa nagbabagang mga tanong ang abugado at bagitong kandidato na si Atty. Marwil Llasos. Gaano nga ba kahanda ang mga botante sa mga alternatibong kandidatong gaya niya at ano ang mga nais niyang baguhin sa kasalukuyang senado ng bansa? Ano ang magiging implikasyon ng pagiging consecrated lay person niya sa mga polisiya at batas na isusulong niya sakaling palarin sa senado? Ano ang kanyang opinyon sa mahahalagang batas gaya ng Comprehensive Agrarian Reform Program at Cybercrime Law?
Samahan si Arnold Clavio at GMA News Online Editor-in-chief Howie Severino na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-28 ng Pebrero pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
More Videos
Most Popular