ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Full Transcript: JC delos Reyes on 'Kandidato 2013'


Because of his past forays into national politics, Juan Carlos “JC” delos Reyes is perhaps the most known member of the Ang Kapatiran party list. The man has expressed a strong opposition to the Reproductive Health Law, and he is said to be the best liked candidate of the Catholic Church.

In 2010, the former Olongapo City councilor ran in the presidential race. Delos Reyes finished ninth. He seems unfazed by the loss, however. Delos Reyes now is eyeing a seat in the Philippine Senate, running on a platform of “new politics.”

In his interview for the GMA News and Public Affairs’ special election series “Kandidato 2013,” he answered Arnold Clavio and Howie Severino’s questions about the Catholic vote, the Aquino administration, his political achievements and his controversial relationship with his uncle, Richard “Dick” Gordon.

Here’s the full transcript on his interview on “Kandidato 2013” which aired last April 11, 2013.

--

ARNOLD CLAVIO (AC): Magandang gabi, mga Kapuso. Ang kandidatong makakasama po natin ngayong gabi, Juan Carlo “JC” delos Reyes. Magandang gabi po.

JC DELOS REYES (JDR): Magandang gabi po.

On being a presidential candidate in 2010

AC: Parang beterano ka na sa eleksyon, ano po? Dahil tumakbo ka noon, presidente, tapos ngayon naman po, senador. So ano ‘yung mga lessons na natutunan ninyo doon dahil nasa...Bata pa naman ho kayo e. Ano ‘yung nakikita ninyong tyansa ninyo ulit?

JDR: Kahit na po mahirap at talagang mahirap, kinokonsidera po namin na kami ay mga misyonaryo sa larangan ng politika, at kailangan pa rin ipakilala ang mga prinsipyo at mga plataporma ng aming partido sa sambayanang Pilipino.

On his campaign strategy

AC: Sa pag-ikot niyo po ba...Sinasabi kasi, nagbago na ba ‘yung mga botante o dati pa rin na ang nananalo ‘yung may binibigay, either pera ‘yan o t-shirt, o kayo ho ba may mga ipinamimigay po ba kayo o...

JDR: Hindi po ganoon ang style namin. Iba ho ang simoy ng hangin ngayong eleksyon na ito, at naniniwala kami na isang bahagi ng pagtatanim namin noong 2010, aanihin namin ngayong 2013. ‘Yung talagang tunay na politika, ‘yung talagang sinasabi ‘yung prinsipyo at plataporma—walang labis, walang kulang, walang pambobola, walang gimik at ‘yun lang po, simpleng-simple.

On running against his uncle, Richard “Dick” Gordon


AC: Noong tumakbo si...’yung uncle mo, si Senator Dick Gordon, sa pagka-pangulo, sumabay ka. Tapos ngayon tumakbo siya [sa] Senado, sumabay ka na naman. Sadya raw po ba ‘yun na ayaw niyo talaga siyang papanalunin kasi side ng party e anti-political dynasty, na ang daming tinatamaan din...

JDR: Patunay ho iyon na kahit na ako ho'y isinilang sa isang dynasty, ako ho, kinikilala ko ‘yung problema sa ating bayan na kailangan ipasa na ‘yung Anti-Dynasty bill. Mayroon ho siyang prinsipyo, mayroon din ho akong prinsipyo. Pro-dynasty siya, ako po anti-dynasty, ano. Si Jesse Robredo rin po, kamag-anak ng mga Villafuerte sa Camarines, pero kung hindi titindig ‘yung mga nakapag-aral sa mga magagandang eskwelahan at namulat, well, hindi po mababago ang ating bayan. Talaga namang sana nga ano, galing sa ‘yung mga magsasaka at mangingisda ‘yung magbago ng lipunan pero hindi ho ganon ang takbo ng kasaysayan.

HOWIE SEVERINO (HS): So sinabi mismo ni Richard Gordon na pro-dynasty siya?

JDR: Sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng aming mga kamag-anak sa Olongapo. Obvious na obvious na basbas naman niya. Ako ho, wala akong sinusuportahan sa kanila.

HS: Kumusta naman ang inyong relasyon? Nag-uusap ba kayo?

JDR: Magalang ho ako sa kanya, ngunit hindi ho kami nag-uusap.

AC: Lagpasan...

JDR: Pero naniniwala ho ako na kailangan galangin ho ang mga kamag-anak. Pero pagdating sa ideyolohiya at prinsipyo, pinaninindigan ko po ‘yung aking tindig sa Ang Kapatiran Party.

HS: So hindi kayo nag-uusap?

AC: Sa mga reunion, wala?

JDR: Wala ho.

HS: So hindi rin na kahit kayo'y mag-tiyo nga, hindi kayo nagtutulungan?

JDR: Tulungan ho, wala po.

On the Catholic vote

AC: Bilang Kapatiran Party ho, ‘pag nababanggit ho ‘yun, hindi maaring hindi mababanggit rin na nasa religious direction. So umaasa ho ba kayo ngayon na ‘yung tinatawag na Catholic vote na puwedeng makapagpanalo sa iyo? Dahil ‘yung RH Law, isa sa mga paksaing mainit ngayong eleksyon.

JDR: Ako ho ‘yung unang kumontra sa RH ordinance sa Olongapo City, at ‘yung Kapatiran Party ay isang kasagutan sa hamon ng Simbahan na baguhin ang politika sa kanilang pastoral exertation noong 1997. So kami ho ay...Kami ho ay kumasa. Hindi ko ho alam kung kakasa ang Simbahan, pero ‘pag sinabi ho nating Simbahan, ang pinag-uusapan ho diyan ‘yung layko. Hindi ho ‘yung kaparian at mga obispo, kundi ‘yung mga layko, kung saan 99 percent ang kabuuan niya. ‘Yun ho ‘yung dapat talagang manindigan para sa pananampalataya na isinusulong ng Simbahang Katoliko.

AC: Pero hindi ho ba taliwas ‘yun sa separation of Church and State?

JDR: Hinding-hindi po. Kasi ang separation ng Church and State, ang layunin po niya ay ipagbawal ang pag-e-establish ng state religion. Pero hindi po ibig sabihin nito hindi puwedeng manindigan ang mga nananampalataya. So ‘yun ho. Isa ho ‘yung limitasyon sa estado para magtayo ng isang relihiyon, hindi po sa Simbahan.

HS: So nag-a-appeal kayo sa mga Catholic voters. May communication ba kayo sa established Church, mga church officials na suportahan ang inyong kampanya?

JDR: Noong 2010, nagsimula na ho ‘yung Catholic vote na ‘yan. Lantaran hong nagpaabot ng suporta si (Lipa) Archbishop [Ramon] Arguelles para sa akin, pati si (Bacolod) Archbishop [Vicente] Navarra. Hindi ko ho hiningi ‘yun, tapos mayroon pa hong iba. Naniniwala ho kami na dahil sa mga pangyayari sa administrasyon ni Noynoy Aquino, tulad ng pagpasa ng RH [law] at pagsulong ng Divorce bill na talagang kumokontra sa aming pananampalataya, may mangyayari sa 2013. Hindi ko ho alam kung ang puno't dulo nito ay ‘yung pagkapanalo namin, ngunit may build-up ho ‘yan at nararamdaman namin [na] mag-iiba ho ‘yung resulta ng eleksyon na ito.

On Team Buhay/Team Patay

HS: Sumasang-ayon ba kayo sa Archdiocese of Bacolod na meron silang isinusulong na Team Buhay at Team Patay?

JDR: ‘Yung nangyari po sa Bacolod, sa Canon Law, may prohibition na lantarang suportahan or ipangalan ang mga kandidato...

HS: So labag ‘yun?

JDR: Ngunit, prerogatiba po ‘yun ni Archbishop Navarra, at wala hong karapatan ang Comelec na ipagbawal ‘yun because it's within their religious freedom.

On comments about his mental health

AC: May nagsabi na ba sa inyo na parang duda sa pag-iisip mo, JC?

JDR: Marami ho. Sanay na ho ako diyan.

AC: Na nawawala ka na sa katinuan? Ano ba?

JDR: Marami ho, marami.

AC: Marami? So papaano mo sinasagot ‘yun, hindi mo na lang pinapansin?

JDR: Well, ‘yung mga gusto ng reporma sa kasaysayan ng tao, tulad ng ating Hesukristo at tulad ng maraming nagsulong ng reporma sa kasaysayan, sinabi rin na baliw sila. Noong 2010, hindi lang ho naman karaniwang tao, kundi mismo sa aking pamilya, siguro...Mahirap hong intindihin iyon, at patuloy ko pong....patuloy po akong nagmamahal sa ating bayan sa pamamagitan ng pagsulong ng  bagong politika. Napakahirap noon, ngunit kailangan hong magkaroon ng bagong pananaw at kamulatan sa ating bayan pagdating sa politika.

On his SALN

AC: ‘Yung yaman mo, ano ba ‘yung huling dineklara mong yaman?

JDR: Hindi po kami required kasi hindi na po ako...wala na po ako sa tungkulin. Pero noong last elections, ganoon pa rin ho ‘yun, noong last declaration ko.

AC: Nandoon ba yung brick factory mo at ‘yung water refilling station?

JDR: Wala na ho ‘yung water refilling station.

AC: Wala na, so brick na lang natira? Pero ‘pag naging senador ka, kailangan i-ano mo na ‘yun ‘di ba? Medyo magkakaroon ng conflict of interest. May bahay ka sa West Bajac-Bajac. Sa pangalan mo rin ‘yun naka...

JDR: Pero sa totoo lang ho, ano, ipinangalan lang ho ng nanay ko sa akin. Family property ‘yun. Hindi ho ako nakatira doon.

AC: Pero ang bahay mo, Olongapo? Sa Bicol? May nakapangalan sa iyong bahay sa Bicol?

JDR: Wala po.

On the contributions received by Ang Kapatiran in 2010

AC: So ibig sabihin...kasi kaya ko tinatanong, kasi narinig ko sa isang forum, sabi mo bahagi ng bagong politika mo, transparency, hindi ba? At integridad sa gobyerno? So wala kang nakikitang problema dito, sa tagong yaman? O noong huling 2010 election, magkano ‘yung natanggap mo, idineklara mo sa Comelec na campaign funds?

JDR: Ako po mismo, I sent them declaration na sinasabi ko lahat ng contribution dumiretso sa Kapatiran Party. At sa harap ng...Pwede ho akong sumumpa na talagang wala akong tinanggap.

AC: So magkanong tinanggap ng partido, ng Kapatiran party?

JDR: Ah, ano ho...I believe mga P3 million.

AC: P3 million lang?

JDR: Kasi most of the contributions came, galing sa miyembro namin talaga. Pero ito, kung mahalal ako itong 2013, ang plano ko ho is again, at hinahamon ko po ‘yung ibang kandidato to execute a waiver, a waiver on my rights against the Bank Secrecy Law. Kumbaga, ihahayag ko na, continuum waiver, ako at ang asawa ko. Maliban po roon, pipirma po ako ng affidavit of undertaking na I will not take from the pork barrel system, from the pork barrel. Isa pong ano yan...kusa kong gagawa, para ipaalam sa sambayanang Pilipino na seryoso po ako.

AC: Hindi campaign promise lang yan ha?

JDR: Oho, oho.

On his reformist agenda

HS: So ang nabanggit mo kanina ‘yung isang pakay mo ay reporma. Mula noong natalo kayo noong 2010 elections hanggang ngayon 2013 na, ano ‘yung mga ginawa ninyo para isulong itong inyong mga reformist agenda? Siguro naman hindi lang naman sa politika magagawa ‘yan?

JDR: Kakatalo ko lang po, pumunta kami sa office ni Congressman Tañada at inihain namin yung Citizen's Protection Act, o ‘yung inisyatibo po ng Kapatiran Party para magkaroon ng gun legislation, ‘yung pagbabawal ng baril sa pampublikong lugar. Wala pong nangyari doon. ‘Yung vision po ni (Ang Kapatiran founder) Nandy Pacheco para magkaroon ng gunless society, vision lang po ‘yun, pero ang mission noon, repasuhin ho ‘yung mga permits to carry, siguraduhin na ‘wag burara sa pagbibigay ng permits to carry, increase-an ‘yung penalty ‘pag nahuling may hawak na baril sa pampublikong lugar.

On why he didn’t run for Congress first

HS: Kasi kung may mga ganoong klase kayong mungkahi, hindi kaya mas magiging effective kayo kung nasa House of Representatives kayo, at mas realistic ‘yung inyong tyansa na mahalal imbis na tumakbo kayo bilang Pangulo at ngayon bilang senador?

JDR: Mayroon po kaming mga kandidato for House of Representatives, coming from Mandaluyong, coming from Muntinlupa, coming from Caloocan. Mayroon ho kaming mga sundalo roon.

HS: At kayo ang napili na kumatawan ng partido sa Senado? Ito ba ay...Nag-volunteer ba kayo? Hindi niyo ba naisipan na posible rin kayo sa House?

JDR: Ako po talaga kung...We're not for political expediency, or ‘yung kami ho ‘yung magsasabing, “Dito ako, dito ako.” ‘Yung partido po namin ‘yung national executive committee---nagdarasal, nagsusuri, nag-aaral, at namimili kung sino po ang kakatawan sa mga posisyon na ‘yun.

On his plans if doesn’t win

AC: JC, after ng presidency, kung hindi ka rin palarin sa Senate, sa 2016, makikita ka pa rin namin sa mga forum, party-list o sa Kongreso? Ano ang plano mo talaga? Kasi balita ko, ‘yung family mo yata nasa abroad na yata. Ikaw na lang ang naiwan dito...So hangga't hindi ka nannalo, hindi ka ba titigil? Paano ‘yun?

JDR: Tingin ko ho, after this elections, kung hindi ho talaga ako mananalo, kailangan ko talagang bigyan ng panahon ‘yung aking pamilya. At sasabihin ko sa Kapatiran party, “I think it's about time na ‘yung mga susunod na sundalo ang lumaban na.”

AC: Napagod ka na?

JDR: Hindi naman. Well, talaga hong nakakapagod itong ginagagwa namin. We are not here para sa pera o kapangyarihan pero para isulong ang mga dapat isulong sa politika. Ngunit ano na e, mula 1995 pa ako maingay e, noong councilor ako. Tapos noong 2007, nahalal ulit ako bilang councilor. ‘Yun ho. Nilabanan natin ‘yung RH bill, RH ordinance sa Olongapo. ‘Yung kasama ko po, si Architect (Jun) Palafox, nilabanan namin ‘yung mga casino na itinatayo doon, ‘yung Subic drug smuggling, ‘no, 12 million street value. Sumulat po ako kay General Narciso ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na kailangan may closure. Nilabanan po natin ‘yung illegal mining. Talagang intense, maraming panahon na iginugol sa reporma. Ngayon ho, after 2013 ,I'll spend time with my family na. They're so happy in Brazil. Oho, nasa Brazil po sila. Kasi may sakit ho ‘yung mother-in-law ko, so sabi ng wife ko, alagaan muna niya. Since inaalagaan ko ‘yung bayan, doon muna siya. Pero nakakalungkot at kailangan ko pong pauwiin ‘yung pamilya ko.

On his political achievements in the local level

HS: So sabi niyo nga nagsimula kayong mag-ingay sa Olongapo, 1995 pa lang. Ano ‘yung mga na-achieve mong reporma sa Olongapo?

JDR: Kasi ho ano...Well, bago pa lang ho ‘yung party namin. ‘Yung partidong politikal, bata pa, 2000. Hindi lang naman ho sa Olongapo ‘yung pag-iingay ko. I was also one of those who...nag-organisa po ng Kapatiran party. 1998  pa lang ‘yung kilusan ng pangkalahatang kabutihan with Nandy Pacheco, with Sandy Dumlao. Tapos sa 2004 po, na-accredit ‘yung Kapatiran party. Kami po ni Father (Leonardo) Polinar...si Father Polinar po sa Mindanao, siya po ‘yung naglilikom ng mga lagda, tapos si Normal Cabrera at ako po. Ako po sa Luzon, naglilikom ng lagda para sa accreditation ng Kapatiran party. 2007 itinulak, isinulong pa rin namin ‘yung party, so it's not only local po, kundi national and ‘yung...

HS: I guess ‘yung tanong ko is, pakay ninyong magkaroon ng reporma on the national level pero at the local...Kasi ‘yung national, napakalaking trabaho na niyan. So gusto lang namin malaman, sa local level, which I suppose is a bit simpler than the national level, ano na ‘yung na-achieve ninyo?

JDR: Ako po personally, I filed corruption cases against high-ranking officials in Olongapo City. Isa ho doon na-suspend, patungkol po ‘yun sa kuryente. Ngayon po, 4 billion [pesos] ang utang ng Olongapo sa NAPOCOR (National Power Corporation) [from] way back then. Hinamon ko na ‘yung city council na imbestigahan ‘yun, and I filed a case sa Ombudsman. Ngayon, 4 billion [pesos], mapuputulan sila any time. ‘Yung ibang kaso, mahirap banggain ‘yung mga nakaupo...

AC: Sundutin ko lang ‘yung kay Howie. ‘Yung local, okay ka e. Sabi mo nanalo ka pa ulit e. Bakit hindi ka muna mag-local tapos vice mayor, mayor? O masikip sa mga Gordon, ‘di ka makakasingit?

JDR: Pag in-analyze po natin ‘yung mentalidad ng politiko ngayon, barangay captain tapos wow, mag-iingay sila para mapansin, tapos vice mayor, mayor, congressman...wala na. Ang gusto kong politika, ‘yung tunay na pagmamahal sa tao, ‘yung hindi iisipin ‘yung boto. ‘Yun ho ‘yung politika ko. At ayokong tumabi sa isang sistema na ganoon, na sa huli nagpapasikat lang ba para makaupo ulit? Ayoko ho ng ganon. At ‘yung kasukatan ng tunay ng politika o politiko ay isang politiko na magmamahal sa kapwa, dahil naghihikahos na at naghihirap ang kapwa niya at hindi dahil sa boto. So hindi ho ako tradisyonal na, o siguro kilala ako dito, sikat ako dito, lalaban ako tapos sige, magvi-vice mayor. Gutom ho ako para sabihin ang mensahe sa taong-bayan, “‘Wag kayong maniniwala sa mga naninipsip ng dugo niyo. ‘Wag kayong maniniwala sa mga bolero.” Pero dahil ho nagayuma na ‘yung taong-bayan, ang hirap na sabihin noon e. Ang hirap na tumagos ‘yung mensahe sa kanilang kaluluwa. So kung ‘yun ho ang ginawa ko since 1995 until 2013, pwede na ho akong...okay na ho ‘yun para sa akin.

On the prevailing voters’ mindset

AC: Ang daming botante...Kasi nakikita ko ‘yung frustration mo e. Pero ‘yung sistema, nandiyan pa rin, ano?

JDR: ‘Yun nga ho e, nakakalungkot, nakakalungkot na sa eleksyon hong ito, namamayagpag, nangingibabaw pa rin ‘yung mga sikat, ‘yung mga galing sa naghaharing uring pamilya, mga dynasty. And sa 2013, hahayaan  ko na lang ‘yung konsensiya ko at ‘yung Panginoong magsabi sa akin kung itutuloy ko pa rin. Pero sa ngayon talagang frustrated.

On getting his message across

AC: May sinabi ka sa amin, sa “Hiritan” yata ‘yun...mai-ano mo lang ‘yung mensahe mo sa publiko, maipaalam mo lang...Hindi ka naman talaga naghahangad na manalo...

JDR: Opo, pero i-qualify ko lang...Ginagawa ko ho lahat para manalo, ginagawa ko ho lahat ng aking makakaya kahit ho kapos kami sa pondo talaga. In fact, I'm always early sa mga ganito, at ganadong-ganado ako. Ngunit hindi ko ho gagawin lahat, magpaka-kengkoy, ‘yung ibenta ko ang aking prinsipyo para manalo. May dignidad ho akong kikilos dito sa kampanya. Naniniwala ho ako sa karangalan, at we're trying to set standards, ‘yung kasukatan talaga kung anong klaseng politiko ang dapat ialay sa sambayanang Pilipino. So ako po, I want to offer tunay na tubig para sa kanila---‘yung walang halo, ‘yung puro, isang politikong may purong puso. Ngayon, kung hindi pa rin, okay lang ho iyon. As I said, nagayuma na ang ating bayan and patuloy po kaming magsasabi ng aming mensahe.

On the Sabah standoff

HS: Should we pursue the claim on Sabah?

JDR: Yes, sir. We should, we should. ‘Yung Sabah po, nagtataka ako, ngayon lang sumabog na ganiyan kalaking issue when matagal-tagal na ho yan. 1962, kinuha na ng Malaysia ‘yan. 1962, binigay na ng sultan sa Pilipinas. 1963, kinuha ng Malaysia. At ang nakakagambala po dito, may conflict of interest ‘yung Malaysia bilang mediator sa peace talks. Hawak nila ‘yung isang lupain na...Kaya nga may away sa Mindanao, kaya nga hirap na hirap ‘yung Mindanao, dahil mayaman ang Sabah. Hindi nakaparte ang Mindanao, tapos sasabihin nila, peace? Of course we have to reclaim Sabah.

AC: Kuntento ka ba sa aksyon ng gobyerno, ni Pangulong Noy, sa Sabah?

JDR: Hindi po, hindi po. Palpak ho eh, palpak. I think he should have asked for dialogue. I think ‘yung stand po ng Philippine government should be for the safety ng mga royal soldiers and for the safety of everybody there sa war zone.

HS: Sa tingin mo ba dapat tumigil si Pangulong Aquino sa pangangampanya dahil may krisis sa Sabah?

JDR: Sa palagay ko po. Nagtataka po ako kung paano niya nagagawang mangampanya sa kabila ng pagdanak ng dugo at isang bagay na puwedeng sumiklab, hindi lamang sa Sabah, kundi sa Malaysia, between Malaysia and the Philippines. Tingin ko nga, this is a pressing issue. Hindi appropriate na mangampanya ang pangulo right now.

On the Aquino administration

AC: Sa tingin mo, hindi lang sa pangangampanya dapat tumigil, kundi sa pagiging pangulo?

JDR: Sa palagay ko po, si Pangulong Aquino [ay] may mabubuting hangarin para sa taong bayan, pero hindi sapat. Hindi sapat. He could do more. Kung paano po siya sumugod-baboy against Corona, kung gagawin po niya ‘yun against dynasties, para maipasa ‘yung FOI, para repasuhin ‘yung imoral na paggastos ng pork barrel, para maipasa ‘yung Responsible Political Party bill, naniniwala po ako na giginhawa ‘yung bayan natin.

On the pork barrel

AC: Doon sa pork barrel, yung iba tumatakbo dahil sa pork barrel ‘di ba? So mahirap ka pa rin noon?

JDR: Yeah. ‘Yun nga ho eh.

AC: Saan ka kukuha ng pampalibing, kasal, binyag?

JDR: Dahil ho hindi ako tradisyonal na politiko, naniniwala ho tayo na ang magbabago ng ating bayan, mga ideyolohiya at ideya at ‘yung angking talino ng isang mambabatas. So ideas change the world e, hindi ho ‘yung pera. Ang pork barrel, may pera ‘yan na dapat mapunta sa mga priority projects na pinag-isipan from NEDA (National Economic and Development Authority) down to the barangay development council. Pinag-isipan na po ‘yan. Ngayon, papasok diyan ‘yung congressman. Syempre, ilalagay niya kung saan siya kikita.

AC: So saan ba mas corrupt, local o national? Sabi kasi tinuturuan sa local eh.

JDR: Yeah. Magkakuntsaba ho sila e. Pati ho dynasties sa national at sa local, magkakuntsaba rin. ‘Yung mga dynasties sa local ang naghahalal ng mga pangulo, at ‘yung mga pangulo, inaalagaan, o ‘yung mga nahahalal sa Senado...o ‘yung pangulo, inaalagaan ‘yung mga dynasties, so pareho lang ho ‘yun.

On why people should vote for him

AC: Huling tanong ko po, konsehal. Bakit sa tingin ninyo kayo ang karapat-dapat ibotong kandidato sa pagka-senador?

JDR: Dahil ho every election ay isang kasukatan sa integridad ng kandidato. Kailangan hahanapin ho ‘yan ng mga botante [ay] integridad. Ang salita ho ay susukatin ho nila ‘yung integridad ng kandidato. Ngayon, hindi ho ako nagmamalinis, pero sa aking buhay, pinipilit ko po na kung ano ‘yung sinabi ko, gagawin ko. Tulad ho noong sinabi ko na I will sign a document waiving the pork barrel, I will waive my rights against under the bank secrecy. I will push for political or Anti-Political dynasty bill. I will push for the passage of the Freedom of Information. ‘Yung mga sinasabi ko ho [ay] gagawin ko at marami hong kandidato, especially ngayon...Kada election na lang mangangako tapos tatahimik, tapos magpapangako tapos tatahimik. Itigil na ho natin ‘yung kabulastugan at stop the madness already at sana bago na, bagong mga mukha na.

HS: Can you summarize your strengths and weaknesses for us?

JDR: Ang strength ko po, I will die for what I believe in, even for this country. I could prove that by saying that, in little ways, I've died financially. Marami nagsabi, baliw ako; I died socially. I've died emotionally, grabe ho. I'm frustrated, I'm frustrated, and continuing ho ‘yan ever since. Hindi ko alam kung bakit. Maybe may nilagay sa aking konsensya.

HS: You died socially? What do you mean?

JDR: Died socially...

HS: Nawalan ka ng kaibigan?

JDR: Marami ho, actually loner ho ako. Hindi naman ako palabarkada. Died socially, ibig sabihin maraming nagsasabi, “Baliw ito.” My weaknesses, sometimes I'm too idealistic. I'm just too idealistic that people can't understand. Hindi po ako naiintindihan ng mga tao. I'm struggling with that. ‘Yung sinisigurado ko ho na kinakausap ko ‘yung mga tao, pinapaintindi ko sa kanila ‘yung aking mga prinsipyo.

AC: Maraming salamat ho. Ang nakasama ho nating kandidato, [dating] konsehal John Carlos “JC” delos Reyes, kandidato.--Mara Cepeda/RAD, GMA News