Full Transcript: Bam Aquino on 'Kandidato 2013'
As a member of one of the country’s most powerful political families, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV has always been in the public eye. He earned a degree in Management Engineering from the Ateneo de Manila University as summa cum laude and valedictorian in 1999. He was also appointed as chairman of the National Youth Commission of the Philippines (NYC) for three years.
However, Aquino is best known as president of MicroVentures Foundation, a social enterprise that runs the Hapinoy program. Now, the social entrepreneur is running for a bid in the Senate, and is among the leading senatorial candidates in recent public surveys.
In his interview for the GMA News and Public Affairs’ special election series “Kandidato 2013,” he answered Arnold Clavio and PCIJ Executive Director Malou Mangahas’ questions regarding his early exposure to politics, his stint as NYC commissioner, his resemblance to his uncle and his cousin, and his advocacies as a senatorial candidate.
Here’s the full transcript on his interview on “Kandidato 2013.”
-
ARNOLD CLAVIO (AC): Magandang gabi, mga Kapuso. Ang kandidato na makakasama natin ngayong gabi, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV. Magandang gabi po, Bam.
BAM AQUINO (BA): Magandang gabi, Malou and Arnold. Magandang gabi po sa mga nakikinig at nanonood.
On lowering the minimum age of criminal responsibility
AC: Okay, ang nakita namin dito, kabataan, youth. Pero nagiging hamon din sa society na marami din tayong batang hamog, mga minor na involved sa mga major crimes, karumal-dumal pa. Pabor ka ba na ibaba pa natin ‘yung edad ng mga kriminal?
BA: Well alam nyo, unang-una, ‘yung Juvenile Justice Law kasi natin, palagay ko hindi siya nai-implement nang maayos. May mga provisions diyan na kinakailangan ng separate detention cells. Kailangan ng rehabilitation centers. At sa totoo lang, kung titingnan naman natin yung pag-implement ng batas, hindi talaga nai-implement nang maayos. Kaya palagay ko, we should seek to implement the law properly. First, bago natin tingnan ‘yung mga possible amendments nito, I admit na merong mga juvenile offenders na napapawalang-sala, kahit na sabihin natin na talagang meron na silang pag-iisip ukol sa nagawa nilang kasamaan. Definitely nangyayari ‘yan. But ako, mas naniniwala ako na kung bigyan mo ng second chance ‘yung mga kabataan, malalagay nga sila sa separate detention centers, mabibigyan nga ng tamang rehabilitation programs, may kakayahan sila na baguhin ‘yung kanilang buhay. Kasi sa aking experience about youth organizations, marami sa mga leaders namin diyan, former juvenile delinquents, former gang members. Pero nu’ng nabigyan ng tamang guidance, saka ng tamang programa, sila na ngayon ang leader ng kabataan. Very productive, and tumutulong pa sa gobyerno, tumutulong sa mga NGOs ngayon. So pagdating sa Juvenile Justice Law amendments, pwedeng pag-usapan. Pero palagay ko, ang priority natin, implement muna ‘yung batas nang maayos.
On his early exposure to politics
AC: Pero ito, taliwas sa naging buhay mo. Six to nine years old, sinasabi na exposed ka na sa political rallies. Nagtatalumpati ka na.
BA: Ang kwento kasi diyan, nu’ng 1983, namatay si Tito Ninoy. Siyempre media was controlled then. Walang social media. So ‘yung mga tao, naghahanap talaga ng impormasyon. At ‘yung paraan nga ng paglalahad ng impormasyon noong panahon na iyon, through rallies. And sa mga rally, kailangan mo ng mga speaker. So maraming imbitasyon sa mga kapamilya natin na magsalita. It just so happened, du’n sa pamilya namin, ako ‘yung toka bilang isang six-year-old na kulot, mataba, maliit, mataas ‘yung boses. That became my childhood talaga. And I’m thankful, parang biyaya ‘yan sa akin, na iyon ang karanasan ko noong bata ako. Naikot natin ‘yung buong Pilipinas.
AC: So ngayon, medyo sanay na.
BA: Ngayon, I have to admit, I feel [like] I am a veteran already kahit tayo ang pinakabatang tumatakbo sa Team PNoy slate. Palagay ko beterano naman tayo para sa paglaban sa ating bayan. And more than that, ‘yung experience ko nu’n, marami akong panahon with my lola, and Tita Cory, dahil ako yung *inaudible* act nila e. Bago sila magtalumpati, ako ‘yung una, or sometimes intermission number. ‘Pag sobrang seryoso na ‘yung usapan, ako ‘yung magi-intermission number. So ‘yung panahon na iyon, talagang I cherish those memories, na sumama tayo sa *inaudible*.
MALOU MANGAHAS (MM): Sino ang talent manager mo noon? Napanood namin sa YouTube. Magaling. Mahusay ang talumpati.
BA: Nanay ko po. Actually, it is a whole family effort. Sa gabi, ‘pag panahon na ng mga rally, buong pamilya kaming pumupunta: my two older brothers, nanay ko, tatay ko, at pati ‘yung yaya ko nung panahon na iyon. Magsisiksikan kami sa maliit na kotse, at mag-iikot na kami sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Sometimes umabot kami ng Batangas, sometimes apat na kanto ng Tondo, doon ‘yung mga rallies natin. And I remember, noong nagsimula kami, nagsimula ‘yung panahon na iyon, 40 people masaya ka na e. 1983 ha, 40 people na kaharap mo, masayang-masaya ka na. ‘Yung stage n’yo doon, apat na oil drum, isang plywood, megaphone. Pero nagsimula ‘yun, and little by little, dumami ‘yung mga tao.
MM: Sinong nagsulat ng mga talumpati mo? Kasi maayos e, malinaw ang mga mensahe.
BA: My mother was the one who wrote my first speech. Tapos pahaba nang pahaba ‘yan. until eventually, ‘yung isang one page ng yellow pad naging five pages, six pages. So ano po ‘yan, it was really a family effort. And ako naman po, I look back at that time, ‘yung panahon na pumasok tayo sa gobyerno, naging social entrepreneur, pumasok sa NGO, kahit paano, maibabalik ko siya sa panahong ‘yun e. I look back at that childhood experience, talagang ‘yun ang isa sa mga bagay na bumukas sa puso ko na sa kagustuhang manilbihan sa bayan.
On his ranking in election surveys
AC: Bam, ‘yung latest na SWS survey, talagang sa umpisa, talagang medyo ang baba ng rate. Sabihin na natin na wala ka sa Magic 12. Then biglang nag-release ang SWS: umakyat ka, number 9. Parang lima ‘yung nalampasan mo. Noong nakarating sa iyo ‘yung balita, ano ‘yung unang pumasok na naging advantage mo para biglang sumibat sa Magic 12?
BA: Nakakatuwa nga e. Kasi ‘yung mga volunteers namin saka staff namin, talon nang talon, talagang naghihiyawan sila sa tuwa. Ako, I was very quiet, noong nakita ko na first time kaming nakapasok sa top 12. To be honest, nagdasal talaga ako noong una na finally nakaabot tayo diyan. If you remember, three or four months ago, nasa 21 tayo e. Pang-21, naging 17, naging 15, naging 13. Ngayon nine to ten. So I think it is really a product of hardwork. Pagpupursige talaga, pagiging masipag. Alam n’yo naman na lahat ng mga invitations a few months ago, pinupuntahan natin. At ngayon, pag may *inaudible* schedule, pinupuntahan talaga natin. So I think, number one, it is because talagang ang strategy natin, hard work. Pangalawa, ‘yung volunteers, talagang napaka-enthusiastic ng mga volunteers natin. Pangatlo, palagay ko din naman, ito, hindi naman siguro ito mawawala din: ‘yung mensahe natin na anti-poverty measures—trabaho, negosyo, our working social enterprise, ‘yung talagang kagustuhan natin na tulungan ‘yung mga kabataan pagdating sa trabaho—palagay ko kahit paano, naririnig ‘yan ng taong bayan.
On his resemblance to the late Ninoy Aquino
MM: Hindi ba kasama ‘yung kamukha ka noong nasa 500 pesos? At mukhang sinasadya mo? Kasi pati ‘yung salamin mo, dati wala naman din. Pero ngayon horn-rimmed ‘yung salamin mo, dahil ‘yan ‘yung salamin ni Ninoy.
BA: Actually ito, kung tutuusin ito, uso ito. Kung pupunta ka sa mga kolehiyo ngayon, lahat ng mga kabataan diyan, ito ‘yung suot-suot nila. I was wondering about the question kasi tinanong ‘yan sa akin e. “O, Bam, name recall ba ‘yung naglagay sa iyo, or face recall, from 15 to 9?” But matagal na tayong nandito. At noong una tayong lumabas, 24 tayo. So I would think na kung talagang ‘yung face recall or name recall, dapat *inaudible*, parang si Nancy—unang labas, ang taas.
MM: Pero sinasadya mo na mag...kumbaga *inaudible* for impact?
BA: Hindi naman, hindi naman.
MM: Magkamukha...
BA: Actually po, this is really how I look like. Ito na iyan. Hindi ko iniba ‘yung mukha ko. Hindi ko iniba ‘yung porma ko. Hindi ko iniba ‘yung pangalan ko. May columnist nga na nagsabi na enough *inaudible* of Bam. ‘Di ko lang masabi, sanggol pa lang ako, Bam na ‘yung pangalan ko e. So this is really how I am. Now, ‘pag sinasabi ng mga tao [na,] “Kamukha mo ‘yung Tito mo,” hindi po ‘yan bago sa akin. Kasi Grade 6 pa lang ako, ‘yan na ang sinasabi sa akin. Pero ‘pag sinasabi nila, naaalala nila siya sa akin, ayun po, I’m so flattered by that. Talagang tumataba ‘yung puso ko sa ganoong klaseng comparison, because he is a good person. He is a national hero. ‘Pag sinasabi ng isang tao, “You remind me of him,” that should be a compliment para sa akin.
AC: ‘Pag inaraw-araw na...May iba pa ba na gusto kang makakamukha bukod kay Ninoy?
MM: Parang nagmumulto si Ninoy!
BA: Basta pogi, okay ako. Actually, just to tell you a story, noong 2010, nagpo-proxy po tayo para kay PNoy. May mga panahon na tayo ay nagsasalita.
MM: Sa documentary, ikaw ang lumabas bilang Ninoy.
BA: Yes, but in the campaign in 2010, at doon sa entablado, may nagsabi na “Nandito na po ang isang representante ng kabataan. Ito magsasalita, si Senator Teofisto Guingona,” sabing ganiyan. Sabi kamukha ko daw po si Teofisto Guingona.
AC: Puwede!
BA: So wala naman pong pride. Okay naman po ang ibang tao, basta at the end of the speech, ang maalala nila ay si Bam Aquino.
On dropping his law degree and entering government
MM: Sa pagkakaiba na lang, hindi ka nagpatuloy ng abugasya. One semester ka lang sa law school, tapos umatras ka na. Ano ‘yun, mababa ang grade? Tinabangan ka? O ayaw mong tapusin ang sinisimulan mo?
BA: Actually ‘yan lang po, ‘yung meron tayong pinasukan na hindi natin tinapos. The truth was, I was appointed to government. So in 2001, na-appoint sa gobyerno. Nagsabay-sabay po ‘yan, and I have to drop something. So ‘yung dinrop natin dyan, ‘yung law school, at itinuloy po natin ‘yung government service.
AC: National Youth Commission?
BA: Yes.
MM: ‘Yung pagpasok mo du’n, kasi ‘yung papa mo, si Mr. Paul Aquino, mahusay na campaign strategist. Siya ‘yung nagsilbi sa unang senatorial slate ni Pangulong Arroyo. Shortly after, April, ikaw ay naluklok bilang commissioner ng NYC. Ano yun? Parang to *inaudible* o balato sa papa mo?
BA: Ah, hindi. Actually sa totoo lang po, separate ‘yun, dahil isa po ako sa mga youth leaders noong EDSA Dos. So alam ‘yan ng maraming tao na isa po tayo sa mga nag-organize noong panahong ‘yun. So even before, I think, kung hindi ako nagkakamali, mas maaga po na nabigay sa akin ‘yung appointment, at si Secretary Dean Garchitorena ‘yung naghikayat sa akin na pumasok sa gobyerno. If you remember that time, marami sa mga civil society ang pumasok sa gobyerno. At ako po ‘yung isa sa mga youth leaders noong panahon na iyon na pumasok din. So it had nothing to do with my father. Although ako din, kasama din ako du’n sa senate slate na iyon. ‘Yung People Power Coalition, they have a very good slate. Senator Pangilinan, Senator Recto, Senator Magsaysay. Mareng Winnie is on that slate also. So it is a very, very good slate. Pero iba po ‘yun. I think ‘yung rason kung bakit ako na-appoint is dahil meron tayong pinagdaanan sa EDSA Dos.
On what motivated him to run as senator
AC: ‘Yung career mo, parang okay na okay ka na sa pagtulong sa mga maliliit na negosyante. Ang sinasabi daw, bakit kailangan pang mag-Senado, e nagagawa mo na ‘yung higit pa na puwedeng gawin ng isang senador? Kasi lehislatura ‘yun e. Ito, action ka e. So ano talaga ‘yung nagtulak sa iyo na subukan itong Senado?
BA: Actually ang nakakatawa nga dyan, ‘yung panahon sa National Youth Commission, ang trabaho ko diyan [ay] polisiya. Malayo ka. Para ma-implement mo ‘yung policies mo, you have to go through the local government. At medyo nakaka-frustrate, sa totoo lang. *inaudible* sa National Youth Commission, naging kasama tayo ng mga microfinance organizations sa mga cooperatives na tumutulong mismo sa mga komunidad. At doon, for the past seven years, nakita ko, ‘yung tulong na ito, diretso talaga. Iba siya. But at some point, makikita mo din na gusto mong mas lumawak ‘yung mga programa, especially in terms of supporting our poor countrymen. ‘Yung mga programa nating pang-mahihirap, kailangan mayroon talagang nagpu-push na national na agenda nito. At nakita ko din naman po na marami kami dito, hindi lang naman ako. So kaniya-kaniyang role ‘yan. At ‘yung mga iba nating mga kasamahan, especially sa *inaudible* program, ipagpapatuloy po nila ‘yung programang ‘yan, mga kaibigan sa Gawad Kalinga. So ipagpapatuloy nila ‘yung programang ‘yan, at marami pang ibang NGO saka social enterprise. Pero siguro po, may iilan na kailangang pumasok sa gobyerno, para ‘yung balangkas natin ng suporta para sa mga maliliit na negosyante, mabuo talaga. So it is just a matter of hindi naman sa iniiwan ko ‘yung nagawa na natin, pero siguro nag-iiba lang ng role. At kung gusto talaga nating maging main stream at nationwide ‘yung mga programa na ito, mayroon talagang kailangang pumasok sa gobyerno.
On MicroVentures Foundation and Hapinoy
MM: Pwede po bang linawin, ano ‘yung talagang naging papel n’yo sa Microventures?
BA: I was one of the founders.
MM: And then also, later on, Hapinoy, project niya?
BA: Actually, MicroVentures is a company name, and Hapinoy is the program. So mas sikat siya bilang Hapinoy talaga.
MM: Tinitingnan namin ‘yung record ng MicroVentures. Actually, tatlo kayong magkakaibigan, *inaubile*. Ano ba ‘yung naging role mo talaga? Ikaw ba ang naging pinuno o parang dahil ikaw ang pinakaguwapo, ikaw ang poster boy?
BA: Actually po, ang kwento po niyan, I left government in 2006. ‘Yung business partner ko, si *inaudible*, was working with *inaudible*. He was [my] classmate for many, many years. Magkaibigan po kami’ng matalik. In fact, we are both best men of each other sa mga kasal namin. So nag-decide kami, mag-iba tayo ng career. And nu’ng *inaudible* namin ‘yung Hapinoy, we started with nothing. Zero. At ito siguro ‘yung masasabi natin na entrepreneurship journey. Nagsimula kayo sa wala, nag-organize kayo ng board. ‘Yung board members niyan, we are very lucky. Si *inaudible* was there. Si *inaudible* was there. These are people who are older than us. Ito po mga mentors natin dito. Mga ibang sumama sa board namin, mga retirado ng *inaudible*, Smart, Nestle, Coca-Cola, big companies, mga early retirees. Ito po ‘yung naging first board namin. And with the microfinance sector, nakita namin na may kakayahan na tumulong sa mga pinakamaliliit na negosyante na tinutulungan din nila. And we focused on the sari-sari store. So du’n kami nagsimula in 2006, ‘yung idea. 2007, [we] formally established. And nagsimula kami, pitong nanay, pitong tindahan lang ‘yung tinulungan namin. Seven nanays. From the seven nanays, nabuo namin ‘yung programa. Nakita namin ‘yung magandang modelo, napaka-importante para sa mga kababayan natin, training kung paano maging...na mayroong financing, so epektibong entrepreneur, at ‘yung tinatawag naming access to market. Dahil na-organize natin sila at na-aggregate, mayroon na silang kakayahan, at mayroon na’ng boses na makipag-deal sa mga malalaking kumpanya. That became the start. And paunti-unti, habang palaki nang palaki ‘yung programa, at some point, umabot na kami sa 14 provinces, kasama ng aming microfinance partners. After about three years, noong talagang struggling na kami, nagkaroon kami ng mga iba’t ibang award, mula sa iba’t ibang grupo. Go Negosyo is one. PLDT is another one. Of course, eventually, international awards: United Nations, World Economic Forum. At noong dumating ‘yung mga award, dumating din ‘yung mga suporta, and we were able to grow the program
MM: Paano po kayo kumikita, at magkano ang patong doon sa utang?
BA: Ang average po ng microfinance is 2.5 percent per month. That is industry standard. Of course, nagiiba-iba po ‘yan per microfinance institution, but that is the industry standard. Hindi po kami kumikita sa pautang, dahil ‘yan po ay sa microfinance partners po namin.
MM: 30 percent in effect, per annum?
BA: Yes. Well, that is for 24 weeks. So depende po ‘yan sa cycle. Kami po, kumikita kami, through the services we do for companies. For example, may isang grupo ng mga sari-sari store. Mayroon pong isang kumpanya, gustong makipagtrabaho sa kanila, gusto ng bagong modelo kung paano ibenta ‘yung kanilang produkto, or magpasok ng bagong serbisyo. Ayun po, doon po kami kumikita. We get that contract from them. We work with our stores. It is win-win-win, kasi ‘yung malalaking kumpanya, hindi sila sanay na makipagtrabaho sa maliliit na negosyante. ‘Yung maliliit namang negosyante, wala din silang opportunity na makipagtrabaho sa malalaking kumpanya. So nagkakaroon po sila ng paraan na mas kumita, and along the way, of course, du’n po kami kumikita
MM: So it's marketing, and parang microfinance work?
BA: It is a whole slope of services, microfinance.
MM: May kita pero mayroon ding napapautang?
BA: Opo. Well siyempre, kailangan may kita. Ito po ‘yung pinakabuod ng social enterprising. Habang tumutulong ka, dapat sustainable ka din. Mayroon kang pinagkakakitaan para mapagpatuloy mo ‘yung trabaho mo. So mayroong financing, mayroong training, mayroong access to market. And actually po, nakita namin na kung ‘yung tatlong serbisyong ito, mahahanap ng ating mga kababayan, mas may tsansa silang lumaki ‘yung kanilang maliit na negosyo, at ‘yun po ang isa sa mga adbokasiya natin na gustong isulong. Kung mayroong kababaihan, or mayroon tayong kababayang gustong magtayo ng isang negosyo, dapat mayroon siyang mapagkukunan ng kapital. Dapat mayroong tutulong sa kaniya sa training, at dapat mayroong itutulong sa kaniya, na maaabot niya ‘yung kaniyang products and services doon sa merkado mismo, sa market.
On what can be expected of him if elected senator
AC: Anong aasahan ng mga botante ‘pag nagkaroon ka ng pagkakataon sa Senado? Ikaw ba ay magiging “Yes, PNoy!” lang, dagdag na boto lang, or medyo ‘pag hindi mo talaga gusto ‘yung magiging polisiya ng pangulo e kahit magpinsan pa kayo, e talagang mag-iiba ka ng boto?
BA: Unang-una, palagay ko naman, ang track record ng mga Aquino na pumasok sa politika, talagang very independent sa isa't isa. So that is proven already. Pagdating naman po kasi kay Presidente, ‘yung mga ginagawa niyang reporma, palagay ko magagandang reporma ‘yan. Pero kailangan pang itulak, kailangan pang i-push forward.
MM: Nababagalan ka?
BA: I will give you an example: 4Ps. Ang 4Ps program, isang napakalaking programa ‘yan na nagbibigay ng pera sa mga pinakanangangailangan sa ating bayan. If I am not mistaken, 34 or 40 billion ang pondo niyan. Pero para sa akin, bilang isang social entrepreneur, nakikita ko ‘yung programang ‘yan, maganda, pero may kaunting pagkukulang. ‘Yung pagkukulang na ‘yun, dapat doon sa programa mismo. Habang nagagawa mo ‘yung five years ng 4Ps program, by the fourth or the fifth year, kailangan sigurado [na] mayroon ka na’ng skills para sa trabaho, mayroon ka na’ng kakayahan na magnegosyo. Now, if we were able to do that reform, kumbaga isang reporma doon sa current reforms natin, palagay ko napakagandang programa niyan. We can enhance that program even further. ‘Yung mga kababayan nating nakakakuha ng tulong diyan, after the program, mayroon na silang trabaho, kasi may kakayahan na sila. Mayroon na silang puwedeng gawing microbusiness. Kung wala ‘yung aspetong ‘yun, mahihirapan sila. Kasi after the five years, hindi na sila pwedeng kumuha ulit ng...hindi na sila pwedeng pumasok ulit sa 4Ps program. So para sa akin, ‘yan ay isang reporma na puwedeng idagdag sa mga current reforms natin. Kung hindi pa siya mainstream ngayon, ‘yun ang sisikapin natin, na mabuo ‘yung mga repormang ‘yan.
AC: So anong position mo doon sa conditional cash transfer na binibigyan mo lang ng 1,500 [pesos] ‘yung ating kababayan, kaysa sa ginagawa n’yo na tinuturuan mong mag-negosyo?
BA: Well ano kasi ‘yan e, proseso po ‘yan. Mayroon talaga tayong mga kababayan na tinatawag nating poorest of the poor. Kailangan po talaga ng pangsalba sa kanila. Kailangan ng tulong na nagbibigay mismo ng pera sa kanilang mga kamay. Pero hindi po pwede na hanggang diyan na lang ‘yan. Kailangan uunti-untiin natin ‘yan. Habang gumaganda na ‘yung kanilang buhay, nagkakaroon ng kaunting stability. Dapat itinutuon n’yo na po sila patungo sa productive.
AC: Kasi gusto kong malaman kung ‘yung 1,500 [pesos] ba e maganda ng investment sa maliit na negosyo.
BA: Hindi, hindi. Kulang po ‘yan. ‘Yung 1,500 [pesos] po, para po ‘yan sa pagtulong sa kanilang mga pangangailangan, especially to make sure na ‘yung mga anak nila, pumapasok sa eskwelahan. But if we are talking about microfinance, ang pinakamababa po diyan usually 5,000 pesos, para makasimula ng isang microbusiness. So ngayon po, we have heard that there will be a new allocation for the 4Ps program, kung umabot po tayo sa senado, sisikapin po natin na ‘yung allocation na ‘yan, nakatuon siya towards more productive ways, or productive means para sa ating mga kababayan.
On his financial situation
MM: Maalam kayo nang husto sa negosyo, at lalo na ‘yung pagtulong, pero doon sa asset record n’yo, parang tila medyo kaunti ‘yung yaman na natatamo n’yo. Nakakahiya man po pero...
BA: Anong taon po ‘yan?
MM: 2001 n’yo. Kayo po ay nagsimula na parang 129,000 pesos net worth na. E tapos, may mga bura-bura kayo. Mukhang ayaw n’yo nang isulat, o nahihiya kayong isulat. 2006, nagtapos kayo sa National Youth Commission bilang chairperson, 1.33 [pesos] ang net worth n’yo, tapos may utang pa na 1 *inaudible* kasi, tapos may...konti na lang. Paano ito? Bakit parang medyo mahirap na Aquino kayo, wala ba kayong mana o mga *inaudible*.
BA: Well unang-una po, of course...
MM: O hindi kayo marunong sa sarili niyong pera?
BA: Hindi naman po.
MM: Marunong kayong magpamudmod, pero...
BA: Baka totoo po ‘yan. Pero to be honest, noong panahong pong ‘yan, syempre nasa government po tayo niyan. Mahirap pong kumita nang basta-basta ‘pag nasa gobyerno ka. You really try to stick to your means, kung ano ‘yung sweldo mo. Of course, during that time, may TV show pa ako niyan, kaya medyo may dagdag na po ‘yan. Kung tutuusin, may dagdag na ‘yan, pero ano po ‘yan... Well, ako, hindi ko kinahihiya ‘yan. Kasi totoo po ‘yan. That is the truth. ‘Yan po talaga ang pera natin. I am sorry kung naliliitan po kayo, pero para sa maraming Pilipino, actually malaki na po ‘yan.
AC: So walang tagong yaman?
BA: ‘Yan na po ‘yan kung tutuusin. Now of course po, noong 2006, noong umalis po tayo sa gobyerno, doon po natin sinikap na...diyan po natin sinikap na mas magpayaman nang konti. Mayroon po tayong investments. Nagkaroon na po tayo ng paraan na sumama sa stock market, sumama sa mga mutual funds. Nagkaroon naman po tayo ng kaunting pera diyan. Nagkaroon din po tayo ng mga endorsement, so medyo mas lumaki-laki na po ‘yan nang kaunti.
MM: So medyo ang net worth n’yo ay mas malaki pa kay PNoy?
BA: I don’t know kung...
MM: 55 million siya.
BA: Malayo po ako doon. Malayong mababa po ako doon. Ganoon po talaga. Alam n’yo po...
MM: Magkano na ngayon ‘yung 1.3 million n’yo?
BA: Well, I have to compute it. I am sure it is more than *inaudible*, that was seven years ago naman po. And to be frank also, ‘yung pagiging entrepreneur po natin, nagsimula ‘yan noong umalis po tayo sa gobyerno. Hindi po siya during the time na nasa gobyerno tayo. Doon natin nakita na marami namang puwedeng pagkakitaan, ibang bagay na legal at maayos, at makakatulong ka pa sa ibang tao. Pero puwede pa ding sustainable ‘yung negosyo mo.
On his similarities and differences with PNoy
AC: May pagkakapareho ba kayo ni Pangulong Noynoy, or may pagkakaiba?
BA: Well, I guess in the sense na pareho kami, ‘yung tipong si President Noy, very stubborn siya pagdating sa kung ano ang tama. Wala siyang gray areas. Very strict siya doon. I think ‘yun, I don’t think na ako din, ganoon din ako. I would think *inaudible* na ganoon din ako. Pero in terms of pinagkaiba, siyempre ibang generation siya. He is my older cousin. Seventeen years *inaudible*. So iba din ‘yung generation namin. Iba din ‘yung mga hilig, iba din ‘yung mga gusto, iba din ‘yung mga adbokasiya. Kasi if you notice si PNoy, talagang focused siya sa anti-corruption at sa good governance. Ako naman, for the past seven years, ang focus natin, anti-poverty at tulong pang-ekonomiya sa mga kababayan natin. I think overall, pareho kami na ‘yung mga ninanais natin para sa bayan magkapareho. Pero palagay ko, ‘yung mga paraan, ‘yung mga pinanggagalingan namin, kahit ‘yung mga adbokasiya, posibleng magkaiba.
AC: ‘Yung hobbies niya, like ‘yung sa baril, hindi ka rin nagka-interes doon?
BA: Hindi e. I am a lover, not a fighter. Hindi ako...I don’t own a gun, for example. Hindi rin ako masyadong nagbi-billiards. Of course alam natin na si Presidente Noy, mahilig sa billiards saka sa shooting. ‘Yun ang kaniyang mga hobbies.
AC: Masuwerte ka sa babae.
BA: Well, definitely now, kasi bagong kasal ako e. Talagang swerte tayo dyan. That is also...
On his recreational activities
MM: How do you relax? Ano ‘yung iyong mga recreation activities? Kung hindi baril?
BA: I watch a lot of movies with my wife. ‘Pag may...Of course, these days, wala nang panahon. Pero ‘yung sabi nga nila, old school na e, pero ‘yung pupunta talaga sa mall at nagpapalamig, kumakain sa food court, o kung saan man, at nanonood ng sine, ‘yan ‘yung pinaka-relaxation naming barkada noong high school pa kami, hanggang ngayon. ‘Yan pa rin ‘yung hinahanap-hanap ko para mag-relax.
On microfinancing
AC: Puro negosyo at tulong sa mga maliliit na...pero pagdating sa Senado ba...Ang common kasi, pag kinausap mo sila, wala silang mapuntahan na may mababang interes, kaya napipilitan sila, mga 5-6. Mayroon ka bang panukala na mas maluwagan? Kasi nagsisimula pa lang, di ba? Kaya ka nga nangangailangan dahil wala kang pera.
BA: Unang-una po, ang 5-6, delikado talaga ‘yan, kasi even with that interest rate na binibigay na 5-6, madaling kumuha ng pera sa 5-6. Bulungan mo lang, bibigyan ka agad ng pera. Pero kung iko-compute mo ‘yan based on your margins, based on your business plan, kung mayroon ka mang business plan, imposible mong matugunan ‘yung interest rate na yan. Ang alternatibo po diyan is microfinance, at ang ating microfinance industry sa Pilipinas, isa sa mga most awarded in the world. Nagsimula po ang maraming microfinance sa Pilipinas noong 1987. Marami po sa kanila, 20 years plus na in operations. They are reputable. ‘Yung partner namin, yung *inaudible*, is a Ramon Magsaysay awardee at talagang puwedeng ipagmalaki sa mundo. Of course, mas mahirap nang mag-apply nang kaunti sa microfinance. May mga forms, may business plan ka na kailangan i-submit, may mga meetings na kailangan kang i-attend. Hindi siya kasingbilis ng 5-6. But ‘yung interest rate, ‘yung suporta, ‘yung tulong na ibinibigay nila—which is partly training, community organizing—‘yun po ‘yung mga puwedeng tumulong talaga sa mga kababayan natin na walang collateral, at nangangailangan ng tulong sa kapital.
On his properties
MM: Quick question lang, sir. Ano ba ang address mo talaga? Sa SALN mo, nakalagay Queensville, White Plains. Sa iyong Certificate of Candidacy, San Jose, Concepcion, Tarlac. Dalawa ang bahay mo, in short?
BA: Unang-una po, again, ‘yung SALN po natin, seven years ago na po ‘yan. So medyo matagal na po ‘yan. Diyan po kami nakatira sa Manila. But last year, I changed my residency to Concepcion because ‘yung lumang bahay po namin doon na pagmamay-ari ng lola ko noong namatay siya, is now in my name. So nag-agree po ‘yung generation namin, tsaka ‘yung generation above us, na ako ‘yung mangangalaga noong bahay namin sa Concepcion. That is why I changed my residency.
On serving under the Arroyo administration
MM: Tapos mayroon pong NYC chairman kayo, National Youth Commission, hanggang 2006, kumalas kay Gloria Arroyo ‘yung Hyatt 10. Sabay n’yo halos pumasok doon sa pamahalaan niya. May rally na um-attend kayo ni Presidente Cory, pero nandu’n kayo rin pa sa NYC. Hindi po ba pag...medyo hindi parang pagtiwalag ‘yun sa inyong duty as a government official? Or another way, why didn’t you pull out of the Gloria admin kung ang lahat ay nag-alpasan na?
BA: Yes. Actually po in August, noong umalis na po yung Hyatt 10, and Tita Cory nga asked the President to resign, kinausap ko din po sila, and I said, pwede na rin akong mag-resign. But ang napag-usapan po namin, sabi nila, “Bam, tapusin mo ‘yung term mo,” kasi may term limits ang NYC commissioners and chairpersons. It was just a few more months. During that time na, I think, if I am not mistaken, five or six months po ‘yun. I sent na my resignation letter to the President. I said, “Mrs. President, please look for a replacement, but I will finish my term. At sinigurado ko po na maganda ‘yung turnover, kasi ‘yung responsibilidad ko naman sa ahensya, hindi naman puwede na bukas aalis ka na lang nang bigla-bigla. So we had to prepare. We talked to the commissioners, to our youth organization. Sabi ko naman handa akong umalis dahil hindi na ako naniniwala sa gobyernong ito, at sana makahanap tayo ng papalit na kakayanin din niya ang pangangailangan ng mga kabataan. Now, if I am not mistaken, dalawa po kaming nagtapos ng terms namin: si Carina David, who finished her seven-year term in the Civil Service Commission, at ako po na tinapos ko ‘yung three-year term ko.
On being part of the Liberal Party senatorial slate
MM: Paano si Erin Tañada, mga matagal nang [kasapi ng] Partido Liberal. Nang dumating kayo at ‘yung iba pang mga kandidato, na parang one day nag-take ng oath, then suddenly nasa Magic 12. Hindi ba parang tipong naisantabi yung party loyalty at ‘yung trabaho? Alam kong may karapat-dapat din namang mailagay.
AC: Ikaw ba ang naipalit sa kaniya?
BA: Hindi. I don’t think so. Unang-una po, I spoke to the President. I think in a previous interview, pinag-usapan din natin ito. I spoke to the President in June. Ang sabi niya sa akin, “Kung seryoso ka talaga, pumasok ka sa proseso,” and ‘yung proseso pong ‘yun, I think there were 17 names. Na-cut down to 15, na-cut down to 12. Ang tingin ko naman po, hindi naman siya Bam versus another person. Ang tingin din nila ‘yung pinaka-slate or ‘yung team, and they took until September para magsabi kung sino ‘yung final slate. Para naman po sa akin, sabi ko handa akong manilbihan. Kung wala kayong youth candidate, kung wala kayong kandidato na nanggaling sa sektor ng social development, handa akong manilbihan. So hindi po siya, [sa] tingin ko, one versus another person. Palagay ko po may pinanggagalingan, at nag-decide sila kung sino ‘yung 12 na pipiliin nila. Tsaka it was *inaudible* din po. Si Erin po, Congressman Tañada, and myself, are quite good friends. In fact, galing lang po kami ng Quezon. So matagal na rin po kaming magkakilala. So hindi rin po yata fair na sabihin na ako ‘yung kumuha ng place niya kasi tingin ko naman po hindi ‘yun ‘yung katotohanan.
MM: Baka si Mrs. Villar?
BA: I don’t know.
On the human rights victims during the Marcos regime
AC: Bam, noong celebration ng EDSA 1, pinirmahan ng Pangulong Noy ‘yung compensation package para sa mga biktima ng martial law. Pero hindi rin natin pwedeng isantabi na may mga namatay din sa Mendiola Massacre, at may mga...nag-decide sila based on namatay din sa kilos protesta sa Hacienda Luisita. Baka naman pag nagkaroon ka ng pagkakataon sa Senado, gusto mo bang palawigin pa ‘yung human rights, na hindi lang naging naka-sentro sa Marcos regime?
BA: Well, palagay ko, ‘yung pag-uusap na ‘yan is a separate discussion doon sa pinirmahang batas. Kasi malinaw na malinaw po, ‘yung pinirmahang batas refers to the Swiss bank accounts. Definitely po, ‘yung mga human rights victims natin, mayroong karapatan na humingi, mag-file ng civil case. I think it is being done in the US in the past. Kapag mayroong human rights victims, even victims of discrimination, mayroon pong class suit na ginagawa ng nagpa-file, at karapatan natin ‘yan kung tayo ay nabiktima. Pero ‘yung nangyari pong pagpirma, I think, specifically, para po ‘yan doon sa Swiss accounts na sinet aside na ill-gotten wealth ng mga Marcos. So palagay ko po, in itself, bago po tayo pumunta sa ibang usapin ng human rights, e palagay ko po, that is a very...a landmark law na pinirmahan. At sa totoo lang po, ako, umiiyak ako noong nagsasalita si Chairman Etta Rosales. When she was giving her speech, I was crying, kasi kung iisipin, kaharap namin ‘yung mga human rights victims, na-torture, nakulong. Marami sa kanila may mga kapamilya na namatay. And for the first time, na-recognize ng estado na mayroon silang karapatan na kumuha ng perang ito. So I was actually very emotional about it, noong Monday, noong EDSA celebration. And I am hoping na masara na talaga natin ‘yung mga ganiyang klaseng mga wounds of the past, and hopefully we can really make reparations for all those na nabiktima.
On why people should vote for him
AC: Sa tingin mo, ito ang huli naming tanong...Sa tingin mo, bakit karapat-dapat kang iboto na kandidato ng ating mga kababayan?
BA: Well, unang-una po siguro sa lahat, throughout my career po, talagang nag-focus po tayo sa public service. Of course, hindi lang siya sa politika—public service sa NGO work, social development work, sa sektor ng kabataan. At makikita naman po diyan na lahat nang binigyan natin ng pansin, talagang buong lakas at buong loob natin talagang binigay lahat nang mayroon tayo. So I am hoping na ‘yan din po ‘yung mangyari ‘pag tayo po ay umabot sa Senado. ‘Yung mga adbokasiya natin na tapusin ang kahirapan sa ating bayan, trabaho, negosyo, hindi po ito mula sa ere. Galing po ito sa karanasan natin na ano ba ‘yung mga posibleng programa na gumagana, na hindi lang siya nakakalat sa buong Pilipinas. So we have a lot of good programs. Kailangan lang po siyang i-mainstream. At siguro pangatlo, importanteng mayroong boses ang kabataan sa Senado. Marami pong nagtatanong, kaya ko bang makipagsabayan sa mga mas nakakatanda sa iyo? E palagay ko naman po, kung ‘yung boses ng kabataan, which is the majority of Filipinos right now, ay kailangan talagang pakinggan, dahil ‘yan ang nakararami sa ating bayan, at nararapat lang na ‘yung mga batas natin at mga programa natin, nakatuon para matulungan ‘yung kabataan sa ating bayan.
MM: Saan po kayo may kahinaan bilang mambabatas or kandidato?
BA: Well sa totoo lang, ako, naka-focus po talaga ako doon sa karanasan ko po. So youth sector, bali-baliktarin mo ‘yan, I am very clear about what I want. Enterprise, ‘yan talaga ang focus natin. I have to admit may mga ibang larangan na kailangan talagang pag-aralan pa. I would admit that. But I think, ‘yung proseso naman po ng pagtakbo, eventually ‘pag nandiyan ka na, ay talagang kailangan po, pati ‘yung mga issues na hindi mo naging karanasan, kailangan may kaalaman ka doon, and ‘yun po ‘yung sisikapin po natin.
AC: Maraming salamat po. Ang nakasama nating kandidato ngayong gabi, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, kandidato.--Mara Cepeda/RAD, GMA News