ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Skin diseases, glutathione, scene stealers and gut fillings
Episode on July 19, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Extreme Skin Disease Pain became a daily staple for Roberto. a victim of a mysterious skin disease. In just four months, his whole body got covered with scale-like manifestations. Due to poverty, he cannot afford to consult a doctor. All he can do was live with the embarrassing stares from the public's eye. Roberto is just one of the thousand Filipinos who suffer from skin disease. Like Edmund, 28 years old. His youth was no match to the crippling effects of psoriatic arthritis, a disorder that did not only affect his skin, but also his bones. Not all is lost for the victims of the debilitating disease, as with the case of Arjun. With faith and intensive treatment, his psoriatic arthritis was healed. This Saturday, discover how we can cure and prevent the ugly face of skin disease. Scene Stealers Their aim is to break the monotonous drone of everyday life. Meet "Eksena Manila," a group of ordinary people with an extraordinary goal: making life in the metro more exciting! Aside from "Eksena-Manila", another certified scene-stealer is Ronnie, a street magician, and the dancing statues that earn thousands from their colorful career! Glutathione Controversy From papaya products, we now have glutathione --- an anti-oxidant whose "side effects" include fairer skin. With its popularity, product endorsers include celebrities and politicians! However, recently, the Bureau of Food and Drugs recalled three "specific batches" of glutathione products. Last Monday, the Philippine Dermatological Society released a statement confirming that there is no scientific proof that glutathione can whiten skin. Despite these concerns, many are still using glutathione. Some use it to increase their sexual potency, while others believe that taking glutathione will result to normal pregnancy and babies will have fair complexion. With the issues raised against its efficacy, one cannot help but wonder--- how much truth about the famous drug was kept in the dark? Gut Fillings Most of us love eating meat from pork, beef and fish. but for some, it's the innards that tickle the taste buds! Its distinct taste tops the common meat dish, and in the Philippines, each province has its own specialty! In Ilocos, the all-time favorites come from carabao insides --- the Dinakdakan and Sinanglao. Bulakeños crave for the taste of cow innards in Sinerkele. But in Tondo, chicharon is made out of the pork lymph nodes. All these prove how creative Filipinos are when it comes to cooking up the perfect meal!
Extreme Skin Disease Makati, nangangaliskis, nangangapal, at nagsusugat na balat. Ito ang araw-araw na tinitiiis ni Mang Roberto sa hindi pa niya nalalamang sakit niya sa balat. Sa loob lamang ng apat na buwan, biglang nabalot ng kaliskis ang buo niyang katawan. Pero dahil sa kakulangan sa pera, hindi na niya makuhang magpa-doktor. Kaya wala siyang ibang magawa kundi ang magkulong na lamang sa maliit niyang bahay malayo sa mga mapanuring tingin at pandidiri ng mga tao Ang kalbaryo ni Mang Roberto, dinaranas din ng libu-libong Pilipino na may malubhang sakit sa balat. Katulad ni Edmund, 28 taong gulang. Bata pa at dapat sana'y malakas pa, pero dahil sa sakit na psoriatic arthritis, sakit sa balat na nakakaapekto din sa buto, hindi na niya naigagalaw pa ang kanyang katawan. Ganito rin ang naramdaman ni Arjun noon. Meron din siyang psoriatic arthritis. Sa sobrang hirap at sakit, ninais na lamang daw nya noong mamatay. Pero sa tulong ng dasal at mahabang gamutan, naibalik din sa normal ang kanyang balat, lalung - lalo na ang kanyang buhay. Ngayong Sabado, alamin kung paano malulunasan o di kaya'y maiiwasan ang mga kakaiba at grabeng sakit sa balat. Agaw Eksena Layon daw nila ang basagin ang pagiging "monotonous" ng pang-araw araw nating pamumuhay. Ang grupong "Eksena Manila" gumagawa ng kakaibang gimik sa mga pampublikong lugar tulad na lang ng pagkanta ng sabay-sabay at pagkalakas-lakas sa loob ng MRT. Bukod sa "Eksena Manila", isa pang nakakaagaw ng atensyon ng mga tao sa publiko ay ang street magician na si Ronny. At siyempre, agaw pansin din ang mga dancing statues. Ang mga makukulay na estatwa palang ito, libu-libo kung kumita. Kontrobersya sa Glutathione Kung dati mga papaya products ang pinakasikat na pampaputi, nang nakaraang taon, mga glutathione products naman ang bumandera sa merkado. Mula sa mga tableta, sabon at lotion, lahat may glutathione isang anti-oxidant na diumano, may side effect na nakakapagpaputi sa mga gumagamit nito. At ang endorsers nito, ibang level! Mula sa mga sikat na artista hanggang sa mga pulitiko! Pero kamakailan lang ay pinatanggal ng Bureau of Food and Drugs sa merkado ang tatlong "specific batches" ng produktong glutathione. At hindi pa rito nagtatapos ang kontrobersya tungkol sa glutathione. Dahil nito lang Lunes, naglabas naman ng pahayag ang Philippine Dermatological Society na wala raw siyentipikong batayan na nakapuputi ang glutathione. Sa kabila ng lahat ng kaguluhan at intrigang ito, marami pa rin ang patuloy na gumagamit ng glutathione. May ibang tumatangkilik para madagdagan daw ang kanilang sexual potency, habang ang iba naman ay para maging maayos ang kanilang panganganak at pumuti ang kanilang baby. Pero ang tanong, para saan ba talaga ang glutathione at gaano ito kaligtas gamitin? Mga Putaheng Lamang-Loob Ang kalimitan nating kinakain, yung mismong karne o laman ng mga baboy, baka o isda. Pero may iba ang paborito nilang lantakan --- mga lamang loob nito! Kakaiba raw kasi ang lasa nito sa nakagawiang karne o laman, depende sa pagkakaluto. At ang bawat probinsya, may pinagmamalaking luto ng mga lamang-loob. Tulad na lang sa Ilocos, pambato nila ang lutong Dinakdakan at Sinanglao na mula pa sa laman loob ng kalabaw. Sa Bulacan naman, pamatay raw ang lasa ng kanilang Sinerkele na mula naman sa laman loob ng baka. Pero ang mga taga-Tondo, ang trip nilang gawing pulutan at ginagawang chicharon --- kulani ng baboy! Lahat ng ito patunay lamang kung gaano kamalikhain tayong mga Pilipino pagdating sa pag-iimbento at pag-eeksperimento ng iba't-ibang putahe.

Tags: kmjs
More Videos
Most Popular