ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapuso Mo, Jessica Soho Year-ender Special


Airing on December 27, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Muling babalikan ang mga istorya ng Kapuso Mo, Jessica Soho na talaga namang nagmarka ngayong 2008. Mula sa mga shocking medical stories tulad ng kondisyon ng batang si Jackie na may malaking tumor sa mukha na hinihinalang neurofibromatosis. Hanggang sa mga pumatok na gimik ngayong taong ito katulad ng mga tinagalog na Ingles na kanta gaya ng “Payong" ni Miss Ganda maging ang pinag-usapang nabitin na reunion concert ng Eraserheads. Muli ring tunghayan ang mga pinag-usapang personalidad ng taon; ang sexiest man alive sa Pilipinas na si Dingdong Dantes, ang Mr. Perfect kung ituring na si Chris Tiu, ang instrumento raw ng mga himala na si Fr. Fernando Suarez, ang mga agaw eksenang castaways ng Survivor Philippines at ang dating Pangulong Corazon Aquino na nakikipaglaban ngayon sa colon cancer. Ang pinakamasasarap na food stories muli ring titikman at ang mga isyung kinaharap ng bayan sa taong ito minsan pa nating pag-usapan. Lahat ng yan ngayong Sabado na sa isa na namang makabuluhang kwentuhan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado ng gabi.