ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Taxidermy, 'kutkuting Pinoy,' long hair


Episode on March 28, 2009 Saturday, 8:30 p.m. Taxidermy/Stuffed Animals Ang ilang pet owner sa sobrang pagmamahal sa kanilang mga alaga, hindi nila ito nililibing kahit pa namatay ang mga ito. Sa halip, ginagawa nila itong stuffed. Yung iba namang may pet fish, mas minamarapat na ilagay sa freezer ang namatay nilang isda. Pero may ilan, pinagkakakitaan ang pagpatay at pag-stuff sa mga hayop. Kutkuting Pinoy Ito ang paborito nating kainin sa mga umpukan, tambayan, sinehan o kahit pa sa lamay ng mga patay --- mga kutkutin. Mula sa dried fruits ng Cebu, choco flakes ng Baguio, dilis ng Pangasinan hanggang sa mga taniman ng pakwan na pinagkukuhanan ng butong pakwan sa Pampanga. Alamin kung paano ginagawa ang ilan sa mga paboritong kutkutin nating mga Pinoy. Anong Paki Mo sa Long Hair Ko? Kamakailan lang, nag-rally ang ilang estudyante sa UE dahil sa “No Long Hair Policy" raw ng kanilang eskwelahan. Kapag buhok na nga ang pinag-uusapan, marami ang mabilis umaalma, pinoprotektahan ang mahaba nilang buhok. May ilang sekta ng relihiyon na bawal putulin ang kanilang buhok, habang ang iba naman pinagkakakitaan ang paggawa ng mahabang buhok…ng Poong Nazareno!
Tags: kmjs