ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nude advocacy, delicious food, breast implants


Episode on July 18, 2009 Saturday, 8:30 p.m. Nude Advocacy Ang napapadalas na paraan ngayon ng pagpapahayag ng mga saloobin… paghuhubad! Gumagamit ng nude models ang ilang cause oriented organizations para maipahayag ang kanilang opinyon tungkol sa mga usaping panlipunan. At dahil hubad na katawan ang ginagawang instrumento, tiyak na kontrobersyal at agaw-pansin! Tunog Mabaho Pero Masarap! Ang sarap daw ng isang pagkain, sa pangalan pa lang nalalasahan na. Pero marami palang pagkaing Pinoy ang hindi maganda sa pandinig pero panalo ang lasa gaya ng balbacua, bulcachong at abnoy. Brazilian Breast Implant Marami muli ang nagkainteres sa breast augmentation or implant surgery nang kumalat ang balita na minsa’y sumailalim din umano si Pangulong Arroyo sa ganitong operasyon. Pagdating sa pagpaparetoke ng dibdib, ang pinakabagong teknolohiya raw ngayon ang Brazilian breast implant at Bra Form. Sa operasyong ito, nilalagyan ang diddib ng internal permanent bra para mapanatili ang magandang tindig nito at maiwasan ang paglaylay.
Tags: kmjs