ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Maguindanao Massacre' and 'Hypergonadism'
Episode on November 28, 2009 Saturday, 9 p.m. Maguindanao Massacre
Sa mahigit dalawang dekada bilang isang mamamahayag ni Jessica Soho, makailang ulit nang nalagay sa panganib ang buhay niya sa paggawa ng mga istorya. Alam niya mismo kung gaano kadelikado ang propesyong ito. Lalo na ngayon, kung kailan Pilipinas na ang tinuturing na pinaka-peligrosong lugar para sa mga journalistâ¦sa buong mundo. Ito ay matapos pagpapatayin sa Maguindanao ang 57 katao, kung saan mahigit 20 sa mga ito --- mga journalist. Ang mga mamamahayag na ito, magcocover lang sana nang paghahain ng Certificate of Candidacy ni Maguindanao Vice Mayor Datu Ismael Mangudadatu na lalaban sa mga Ampatuan sa darating na eleksyon. Ngayong Sabado, lilipad mismo si Jessica Soho sa Mindanao para alamin ang punoât dulo ng krimeng ito. Aalamin din niya, kung sa kabila ng karumal-dumal na pangyayaring ito ay itutuloy pa rin ba ng mga estudyanteng nagnanais maging mamamahayag, ang kanilang mga pangarap. Hypogonadism
Kung maraming tao ang takot na tumanda, si Michael naman, inip na inip dahil hindi raw siya tumatanda. Sa edad kasi niyang disiotso, mukha lang siyang walong taong gulang. Hindi na rin daw siya tumatangkad. Ang kanyang kundisyon, tinatawag na hypogonadism kung saan lubhang mababa ang testosterone level sa katawan ng tinatamaan nito. Ang animnapung taong gulang naman na si Boyoyoy na tubong Bohol, pinagkakakitaan daw ang kanyang kakaibang kondisyon, dinarayo kasi siya ng mga turista.
Sa mahigit dalawang dekada bilang isang mamamahayag ni Jessica Soho, makailang ulit nang nalagay sa panganib ang buhay niya sa paggawa ng mga istorya. Alam niya mismo kung gaano kadelikado ang propesyong ito. Lalo na ngayon, kung kailan Pilipinas na ang tinuturing na pinaka-peligrosong lugar para sa mga journalistâ¦sa buong mundo. Ito ay matapos pagpapatayin sa Maguindanao ang 57 katao, kung saan mahigit 20 sa mga ito --- mga journalist. Ang mga mamamahayag na ito, magcocover lang sana nang paghahain ng Certificate of Candidacy ni Maguindanao Vice Mayor Datu Ismael Mangudadatu na lalaban sa mga Ampatuan sa darating na eleksyon. Ngayong Sabado, lilipad mismo si Jessica Soho sa Mindanao para alamin ang punoât dulo ng krimeng ito. Aalamin din niya, kung sa kabila ng karumal-dumal na pangyayaring ito ay itutuloy pa rin ba ng mga estudyanteng nagnanais maging mamamahayag, ang kanilang mga pangarap. Hypogonadism
Kung maraming tao ang takot na tumanda, si Michael naman, inip na inip dahil hindi raw siya tumatanda. Sa edad kasi niyang disiotso, mukha lang siyang walong taong gulang. Hindi na rin daw siya tumatangkad. Ang kanyang kundisyon, tinatawag na hypogonadism kung saan lubhang mababa ang testosterone level sa katawan ng tinatamaan nito. Ang animnapung taong gulang naman na si Boyoyoy na tubong Bohol, pinagkakakitaan daw ang kanyang kakaibang kondisyon, dinarayo kasi siya ng mga turista. Tags: kmjs, maguindanao
More Videos
Most Popular