ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Liberated Pinoys, Year of the Tiger, and Aguman Sandok


Episode on January 9, 2010 Saturday, 8:30 PM before Imbestigador LIBERATED PINOYS When it comes to sex, Filipinos are slowly becoming more adventurous. In fact, the average age of people that are active in pre-marital sex are getting younger. Meanwhile, more couples are also exploring new avenues for pleasure. Are these signs that Filipinos are being more liberated when it comes to sex? YEAR OF THE TIGER 2010 is definitely the year of the Tiger --- and despite their ferocious reputation, there are people who still raise them as… pets?! For those who want to have “close encounters with the wild kind"… a trip to Zoobic Safari should do the trick! And experience the unique power of the tiger through charms that are believed to bring good luck in business, health, and even love! AGUMAN SANDOK Residents of Minalin, Pampanga have a unique way of ushering the new year. At this time, men take to the streets dressed as women in the annual “Aguman Sandok Festival". The name stands for the collection of “sandok" or ladle, a known symbol of femininity. And for its 77th year, the celebration gets bigger and better as participants show off their costumes on floats!
LIBERATED PINOYS? Pagdating sa sex, diumano nagiging mapusok na rin daw ang mga Pinoy. Parami nang parami na raw ang mga kabataang bukas sa pre-marital sex. Habang ang ilan namang magka-partner, pilit tumutuklas daw ng mga makabagong paraan para mas pag-alabin ang kanilang paglalabing-labing. Talaga nga bang mas liberated na ngayon ang mga Pilipino pagdating sa usapin ng sex? YEAR OF THE TIGER Dahil mga tigre ang bidang hayop sa taong ito, kilalanin ang ilang taong hindi natatakot sa bagsik nito, sa halip, ginagawa pa silang pet. Para naman sa mga ayaw mag-pet ng tigre pero nais pa ring personal na maranasan ang makihalubilo sa mga tigre nang malapitan, sugod na sa Zoobic Safari. Higit sa lahat, ang bangis ng tigre, sigurado raw mararamdaman ngayong 2010 sa pamamagitan ng iba’t ibang tiger lucky charm na maswerte raw sa negosyo, kalusugan at buhay pag-ibig. AGUMAN SANDOK Sa bayan ng Minalin sa Pampanga, may kakaibang paraan sila ng pagsalubong sa Bagong Taon. Ang mga macho at barako kasi ng kanilang bayan, rumarampa sa kalsada nang nakaladlad ang kapa! Ito ang kanilang pagdiriwang ng taunang Aguman Sandok Festival o pagsasama ng mga sandok na simbolo raw ng kababaihan. At sa ika-77 taon nito, lalo raw pinabongga ang selebrasyon, dahil nakaka-karosa na ang mga lalaking nagsuot-babae!