ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Basketball: Unano vs. Bading", "Performance Technology", "Kadiring Sarap!", "Harry Potter Mania", and "Xmas Pasyalan!"


Episode on November 20, 2010 Earlier Timeslot 8:10 PM after 24 Oras Weekend Basketball: Unano vs. Bading 'Photobucket' Filipinos love basketball so much that they are even pitting the most extraordinary teams against each other! In Cebu , one team is composed of midgets, while the other one has an all-star cast of gay players! Even if one team is lacking in height, the members are willing to face their rivals who definitely prioritizes poise over points! Witness this unique battle that will surely change your views in Pinoy basketball. Performance Technology 'Photobucket' Some people believe that a person’s strength and balance can now be acquired through a bracelet? But this is not just an ordinary accessory we’re talking about here, allegedly, this bracelet is made of silicon and maylar hologram – a plastic sheet that has an electric frequency. This formula transfers energy to whoever is wearing this ornament. Some are wondering whether its effect is worth the steep price as a lot of fake versions are also sold in sidewalks! Kadiring Sarap! 'Photobucket' With its disgusting appearance, who would have the appetite to eat these dishes? Chicken nails turned into chicharon… fermented rice with meat… and soup with pork liver and brains! No matter how gut-wrenching the appearance and odor of these foods turn out to be, many still keep coming back for more of their “heavenly" taste! Harry Potter Mania 'Photobucket' Harry Potter is considered as one of the most successful film character adapted from books. With the upcoming release of its latest film installment, it is once again the talk of the town! Be there as it waves its magic wand and enchants thousands of Filipinos nationwide! Christmas Pasyalan 'Photobucket' Christmas is just around the corner! And to complete the happiest season of the year, a lot of us will travel to these must-see places! In Makilala, Cotabato, visitors flock to the house of the Vega Family as it is decked with yuletide decorations, while in the neighboring town of Kidapawan , pine trees that sparkle with Christmas lights at night! In Ocean Park in Manila , people are bedazzled with the astounding lights and sounds show! While ice sculptures in Laguna provide tourists who are looking for a cool treat this season!
Basketball: Unano vs. Bading Sa sobrang hilig ng mga Pilipino sa larong basketball, lahat na yata ng puwedeng paglabanin, pinagsabong na sa hard court. Kagaya na lang sa Cebu , dalawang pambihirang koponan sa basketball ang pilit pinagsasalpok. Ang isang koponan, tila kinulang sa height ang mga manlalaro kaya madalas na mintis ang mga shoot. Ang kalaban naman nilang team, mga nakapilantik ang mga daliri habang nagdi-dribol at animo’y rumarampa kapag nagta-traveling. Kaya sa last two minutes ng kanilang game, ang mga manlalaro, tiyak daw na gugulong sa katatawa! Performance Technology Ang lakas at katatagan daw ng isang tao, lalo na ng mga atleta, diumano makukuha na rin daw ngayon maging sa mga bracelet? Pero hindi raw pangkaraniwan ang borloloy na ito dahil nabuo raw ito sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mismong bracelet, gawa sa silicon at maylar hologram --- o plastic sheet na may electrical frequency – na siyang nagbibigay raw ng kakaibang enerhiya sa katawan ng nagsusuot. Kaya naman may kamahalan ang presyo nito. Ang tanong, epektibo nga ba ito? At hindi pa man lubusang napapatunayan ang epek nito sa lahat ng mga gumagamit, nagkalat na rin daw ang mga pekeng version nito sa mga bangketa! Kadiring Sarap! Sa unang tingin pa lang… kadiri na! Ang amoy naman, nakababaligtad ng sikmura! Sino ba naman ang gaganahan sa mga pagkaing ito? Dahil pinanghihinayangan ni Rodel na itapon ang mga kuko ng manok, naisipan niya itong gawing chicharon. Tradisyon naman para kina Benito ang pagkain ng pinagkatasan ng tapuy o rice wine o binulok na kanin na uulaman ng karne. Tuslob Bua naman ang ipinagmamalaki ng mga Cebuano --- ang sinabawang utak at atay ng baboy! Pero sa kabila ng umaalingasaw nitong amoy at kasumpa-sumpang hitsura, “heaven" naman daw ang lasa ng mga ito! Harry Potter Mania Isa na siguro ang Harry Potter sa pinakamatagumpay na karakter mula sa libro na sinakop na rin maging ang mundo ng pelikula. Muling laman ng mga usap-usapan si Harry Potter lalo pa’t isa na namang Harry Potter film ang ipapalabas sa mga darating na araw. Dahil dito, parang magic na namang nagsulputan ang mga Harry Potter fan at ang iba’t-ibang impluwensya nito sa ating mga Pilipino! Christmas Pasyalan Ilang tulog na lang, Pasko na naman! At para makumpleto ang happiest season ng taon, marami sa atin, dinadaan ito sa pamamasyal! Sa Makilala, Cotabato, isang bahay ang hitik na hitik sa ilaw at dekorasyon --- ang Christmas House ng pamilya Vega. Sa kalapit namang bayan ng Kidapawan, mga buhay na Pine tree na pinaku-kutitap ng mga ilaw sa gabi ang dinarayo ng mga turista. Isang light and sound spectacle naman sa Manila Ocean Park ang pinagkakaguluhan ng mga taga-siyudad lalo na ng mga bata. At dahil walang snow dito sa Pilipinas, ice sculpture ang nakitang pantapat ng mga taga-Laguna para lalong maramdaman ng ilan nating mga kababayan ang lamig ng Kapaskuhan!