ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

6th Anniversary Special: Pinoy ICONS


Episode on Nov. 27, 2010 Saturday 8:10 PM Pinoy ICONS Kapuso Mo, Jessica Soho's 6th Anniversary Special Photobucket What does it take to be an Icon? An Icon, as defined in Wikipedia, is a person that has "some well-known significance or embodying certain qualities" that contributed largely to their respective fields. To reach this extraordinary feat requires tremendous amount of courage, wisdom, and perseverance. And for those who already gained this status, their role transcends that of being an ordinary celebrity to a generation's phenomenon. For Kapuso Mo , Jessica Soho's sixth anniversary special, multi-awarded broadcast journalist Jessica Soho interviewed some of the country's most celebrated Pinoy ICONS. Photobucket From vaudeville performer, to playboy, to Comedy King, Rodolfo "Dolphy" Quizon definitely had his own share of titles in his long years in showbiz. Recently, he launched his own recording album and has also been awarded The Grand Collar of the Golden Heart in Malacañang. But at 82, some thought that he has already reached the "winter" of his career. While the sneaking effects of old age is no laughing matter, the King of Comedy still promised to devote what remains of his fame and his strength to the one calling that has made him and the whole country happy. Photobucket Meanwhile, 2010 has definitely been a very blessed year for Asia's Songbird Regine Velasquez. The country's reigning diva is busy with upcoming projects such as an indie film and a new soap opera. Her wedding with boyfriend Ogie Alcasid on December has also been the talk of the town. A few weeks before THE big day, Regine made some astounding revelations about the status of her relationship with Ogie. and her "bra-less" fashion sense! And, are you ready to witness the videoke showdown between Regine and Jessica Soho? Will they be able to hit the perfect score? Photobucket On the other hand, when it comes to sports, no other Filipino has captured the fancy of both local and international fans like pound-for-pound king Manny Pacquiao also known as the Pambansang Kamao. In his recently concluded fight against Tijuana Tornado Antonio Margarito, Manny proved why he is the world's number one boxer --- he fought with his powerful fist and won with his big yet humble heart. Find out his best-kept secret before each fight. Will he be able to take the hit on some of the issues thrown at him? And discover how his steadfast faith in God made him the world's most celebrated fighter since Muhammad Ali. Photobucket And something's definitely brewing as we meet the Culinary Superstar --- Nora Daza! Her love affair with cooking became her ticket to international success, as she was able to build restaurants in Paris and New York . Among her elite list of patrons include famous French actress Bridget Bardot. She also became the first celebrity chef to have her own TV show and the first to author some of the country's best-selling recipe books. With a hefty serving of the good life, Nora Daza will once again share on Philippine television the secret ingredient to her success! This Saturday, be awed with the epic tales of four Pinoy ICONS.
Ayon sa wikipedia, sa modernong kultura, icon ang tawag sa taong maituturing nang simbolo, na nakilala sa kanilang pambihirang katangian at natatanging kontribusyon sa mga napili nilang larangan. Ngunit paano nga ba maging isang icon? Anong pakiramdam na marating ang pinakatugatog ng tagumpay? Imortal mang maituturing ang kanilang mga pangalan, may hangganan din ba ang kanilang kasikatan at impluwensya sa lipunan? Sa ika-anim na taong anibersaryo ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kakapanayamin ng multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho ang apat sa maituturing na Pinoy ICONS ng ating henerasyon. Sa 25 taon na ni Jessica Soho sa broadcasting at sa dinami-dami ng mga malalaking taong kanyang nakapanayam, ngayon pa lamang niya makaka-one-on-one interview ang Comedy King na si Rodolfo "Dolphy" Quizon. Kamakailan lang ginawaran si Dolphy ng Malacanang ng The Grand Collar of the Golden Heart at naglabas din siya ng kanyang recording album. 82 years old na si Dolphy pero aktibong-aktibo pa rin sa showbiz. Ngunit dahil din sa edad niyang ito, madalas na may mga kumakalat na balitang namaalam na raw ito. Pinagtatawanan lang ni Pidol ang mga bagay ito at nakikiusap na "Huwag nyo akong apurahin!" Hanggang may lakas pa raw ang Hari ng Komedya, hindi raw siya titigil sa paghahatid ng kasiyahan sa sambayanang Pilipino. Wala namang dudang isa na siguro ito sa pinakamasaya at pinakamatagumpay na taon para sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Wala pa ring nakakaagaw sa kanyang trono bilang numero unong diva sa bansa, kasalukuyan siyang may ginagawang indie film at sinimulan na rin niya ang shooting ng pinakabago niyang soap opera. At tila hindi pa sapat ang lahat ng kaligayahang ito, dahil ngayong Disyembre, ikakasal naman na si Regine sa kanyang kasintahang si Ogie Alcasid. Ilang linggo bago ang kanilang pag-iisang dibdib, may mga mahalagang inamin si Regine kay Jessica Soho tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Ogie. pati na rin ang kanyang kakaibang "bra-less" fashion sense! At sa isang pambihirang videoke session, mapapalaban si Jessica Soho sa biritan kasama ang Songbird! Maka-perfect score kaya sila? Sa husay naman niya sa pakikipagbakbakan sa ring kaya inukit ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa mapa ang Pilipinas. At sa katatapos lang na laban niya kay Tijuano Tornado Antonio Margarito kung saan nakuha niya ang kanyang ika-walong titulo, pinakita ni Manny na hindi lamang siya basta-basta mandirigma, maginoo siya at meron din siyang puso. Maliban sa kanyang matinding training inamin din ni Manny kay Jessica Soho ang ilan niyang mga pamahiin para hindi siya ma-knock out sa ring. Hindi rin pinaligtas ni Jessica si Manny sa ilang suntok at bigwas na may kinalaman sa pulitika. Pero kung may sikreto raw siya kung bakit hindi siya mapatumba ng kanyang mga kalaban, 'yon daw ang kanyang matibay na pananampalataya sa Diyos. Wala naman na raw mahihiling pa sa nasa Itaas ang Culinary Superstar na si Nora Daza. Hindi niya akalaing sa hilig niyang magluto, makakapagtayo siya dati ng mga restaurant sa Paris at New York . Kabilang daw sa mga nakatikim na ng kanyang mga espesyal na lutuin ang French actress na si Bridget Bardot at ilang mga dugong bughaw sa Europa. Isa rin si Nora Daza sa mga unang celebrity chef na nagkaroon ng sariling cooking show at nakapaglimbag ng mga recipe book. Kapag binabalikan daw ni Nora Daza ang kanyang naging buhay. masasabi raw niyang hindi lang ang mga pagkaing kanyang niluto ang masarap. kay sarap din daw mabuhay! Makipagtawanan, makipagbiritan, makipagbakbakan at tikman ang sarap ng kwento ng tagumpay ng Pinoy ICONS ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend Edition. Lahat ng yan, sa ika-anim na anibersaryong handog ng 2010 Best Adult Educational & Cultural Program ng Catholic Mass Media Awards at 2010 Star Awards for TV Best Magazine Show ---- Kapuso Mo, Jessica Soho.