ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kim Hyun Joong, Once Upon A Disney, Tira-Tirang Sarap, Ms. Gay Kalawakan, at Juan for All...All for Juan!
Juan for All...All for Juan! Ang isa sa pinakapatok ngayong inihahaing pakuwela ng longest running noontime show na Eat Bulaga, may sahog na sangkatutak na mga papremyo! At hindi lang ito pang-isang tao, kundi pang buong baranggay --- ang Juan for All, All for Juan! Silipin natin kung gaano kabusising pinaghahandaan ng ating mga Dabarkads ang pagsugod sa mga baranggay para magbigay ng isanlibo't isang tuwa! Kim Hyun Joong Dahil sa kanyang "Playful Kiss", kinakiligan ng marami ang Korean heartthrob na si Kim Hyun Joong. Pero sa likod pala ng kanyang mga pilyong halik, isang mapagkawang-gawang puso! Noong unang beses nga siyang nag-concert sa Pilipinas, nagbigay pa siya ng donasyon na isang milyong piso para sa Abiertas House of Friendship, isang institusyon para sa mga unwed mother! At si Kim Hyun Joong... nagbalik-Pinas! Ms. Gay Kalawakan Madalas silang nilalait at hinahamak hindi lang dahil daw miyembro sila ng "pederasyon", kundi dahil din daw sa kanilang hitsura o kapansanan. Ngunit wala raw makakahadlang sa pangarap nilang maging beauty queen. Kaya sila-silang magkaka-liga, magpapatalbugan para sa titulong Ms. Gay Kalawakan 2011! Once Upon A Disney Nito lamang nakaraang linggo, ginawaran ng Disney Legend Award ang Filipina Icon na si Lea Salonga dahil sa kanyang mga pagganap sa ilang Walt Disney movies. Pero nagbabagong bihis na raw ang Walt Disney ngayon. Kung dati puro fairy tales ang kanilang ginagawa, ngayon, may bago raw silang mga proyekto na hindi laging mga prinsipe at prinsesa ang bida. Ngunit pabor naman kaya rito ang henerasyon na lumaki sa mga kwento nilang pang-Happily Ever After? Tira-Tirang Sarap! Turo sa atin ng mga nakatatanda, masamang magsayang ng pagkain. Kaya kahit mga tira-tirang putahe, nagagawan natin ng kakaibang timpla para mas sumarap. Katulad na lang ng bahaw na kanin na nagagawang pinipig. Ang tira-tirang Tinapang Bangus naman daw pwedeng pasosyalin, nagagawang Croquette! Habang ang sobrang Roast Pork with Chorizo maaring gawing Cottage Pie! Juan for All...All for Juan! The longest running noontime show, Eat Bulaga, continues to provide viewers with another hit gimmick: Juan for All, All for Juan! In this game, not just one contestant can join in the fun but also the whole baranggay! Take a peek at some behind the scenes action with the Dabarkads! Kim Hyun Joong With the recent success of his drama: "Playful Kiss," Filipinos are excited with the comeback of Korean heartthrob Kim Hyun Joong! But aside from his idol status and striking good looks, few people knew that he also has the heart of an angel. In his first concert in the Philippines, Kim Hyun Joong donated one million pesos to the Abiertas House of Friendship, an institution for unwed mothers! Ms. Gay Kalawakan Many pegged their looks to be out-of-this-world! But this same flaw can be used to their advantage in this unique beauty contest --- Miss Gay Kalawakan 2011! Once Upon A Disney Last week, Filipina Icon Lea Salonga received the Disney Legend Award for her participation in a number of Walt Disney movies. And now, Walt Disney is slowly veering away from their usual fairy tale fare. With this bold move, are their loyal fans prepared to say goodbye to their "happily ever after?" Tira-Tirang Sarap! We have always been taught to never leave our leftovers! And in a country where ingenuity is a must, some people managed to create delightful dishes that will keep you coming back for more --- leftover rice turned into pinipig, leftover Tinapang Bangus made into Croquette, and Roast Pork with Chorizo to Cottage Pie!
More Videos
Most Popular