ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Penguins, Pamilya Revilla at Pempengco, Pinoy Henyo atbp.


Penguins in the Philippines   Isang uri ito ng ibon pero hindi nakalilipad. Sa halip, ang maliliit nitong pakpak, ginagamit sa kanilang paglangoy --- mga penguins! Sa malalamig na lugar tulad ng Antarctica talaga sila matatagpuan, pero ngayon. narito na rin sila Pilipinas! Paanong nangyaring ang mga ibong ito na kalimitang nasa malalamig na lugar, narito ngayon sa isang tropical na bansa?   Ang Pagluluksa ni Charice at ng pamilya Revilla Balot ngayon ng pagdadalamhati ang pamilya ni Ram Revilla, anak ni Ramon Revilla Sr., matapos itong mapatay sa loob mismo ng kanilang bahay. Araw naman mismo ng Undas nang saksakin at mapatay rin ang ama ng international singing sensation na si Charice Pempengco.  Ang dalawang krimen na ito, gumulantang sa buong Pilipinas dahil sa pagkakaugnay ng mga biktima sa mga celebrity.   Tunghayan ngayong Sabado kung paanong tinatagan ni Charice at ng pamilya Revilla ang kanilang mga kalooban sa pagsubok na ito.   Red Pacu Isang exotic fish mula sa Amazon River ang pinaparami ngayon ng mga mangingisda sa Dagupan --- ang mga Red Pacu o Tambaqui! Pero kung dati'y sa mga aquarium lang ito bumibida, ngayon hinahanap-hanap na rin daw ang sarap nito hanggang sa mga kusina! Ang isdang ito kasi, ginagawa na rin ngayong Sisig, Kilawin, Sinigang, Kaldereta at Kare-Kare!   Pinoy Henyo!   Ilang taon na rin itong tumatakbo sa ere.  Pero magpahanggang ngayon, nananatili pa rin itong isa sa pinakaaabangang portion sa Eat Bulaga!  Nakatatawa ba ito? Pwede!  Mahahasa ba ang utak ng mga sumasali rito? Oo! Oo! Ano pa nga ba kundi. Pinoy Henyo!  Ngayong Sabado, alamin kung paanong kinarir na talaga nang ilang mga Pilipino ang palarong ito, para lamang tanghaling --- Pinoy Henyo!   Clay Play   Noon hanggang ngayon, ang isa sa paboritong laruan ng mga bata, ang synthetic clay na pwedeng iporma sa iba't ibang itsura. Ito rin ang ginagamit sa mga clay animation at paborito ring gawing makukulay na abubot!
 
Penguins in the Philippines
  It's a bird! Yes, it really is a bird! Even if it cannot fly. penguins! These animals often live in freezing places such as Antarctica, but now, they can also be found in tropical countries such as the Philippines! How is this even possible?   Ang Pagluluksa ni Charice at ng pamilya Revilla   Tragedy struck twice as family members of famous celebrities were killed in separate incidents last week. Ram Revilla, the son of veteran actor Ramon Revilla, Sr. was killed inside his own home, while the father of international singing sensation Charice Pempengco was stabbed to death during the weekend. How can these families manage to face their loved ones' violent death?   Red Pacu   An exotic fish from the Amazon River is now being bred by fishermen in Dagupan --- the Red Pacu or Tambaqui! Before, it can only be displayed in aquariums, but now, it is also a famous delicacy!   Pinoy Henyo!   Known for being one of the famous segments of Eat Bulaga people can't help but wonder why Filipinos go crazy over this game. Is it funny? Maybe. Does it challenge your IQ? Yes! This Saturday, find out the genius behind this hit segment: Pinoy Henyo!   Clay Play   From being a famous toy for kids, discover how synthetic clay is now used for animation and even. fashion accessories!