ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Little Ms. Ryzza sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
Kapuso Mo, Jessica Soho
Airing date: June 16, 2012
Little Ms. Ryzza

Ang small but terrible na si Ryzza Mae Dizon ang kinoronahan bilang pinakabagong Little Ms. Philippines ng Eat Bulaga. Kung magsalita ito, di mo aakalaing pitong taong gulang pa lang ito. Sobrang biba at napaka-talented pa! Higit sa lahat, pursigido raw si Ryzza Mae na makatulong sa kanyang mga magulang lalo pa't wala raw trabaho ang kanyang ama at umaasa lang sila sa kita ng maliit nilang tindahan.
Eat My Pinangat!

Isda man o karne ng baboy, kapag binalot sa dahon ng saging o gabi at sinabawan pa ng gata ng niyog, ang resulta --- Pinangat! Bilang pagpupugay sa putaheng ito ng mga Bicolano, taunang ipinagdiriwang sa Camalig, Albay ang Pinangat Festival. Nagagamit na rin ngayong sangkap sa paggawa ng pizza ang Pinangat. At sa isang sosyal na restaurant sa Makati, Pinangat din ang star recipe!
Maranao Royal Wedding

Dahil marami sa atin ang manghang-mangha sa buhay ng mga may dugong bughaw o royal blood, tinutukan ng maraming Pilipino ang royal wedding noong nakaraang taon nina Prince William at Kate Middleton sa London. Pero lingid sa kaalaman ng marami, dito man sa Pilipinas, may ginaganap ding mga royal wedding. Tulad ng pag-iisang dibdib nina Norjana Mamanton Pandi Indar, apo ng unang Prinsesa ng Macadaw na isa sa mga Maranao Royal Houses at Abdel Zaad Punzalan Mamalampak Ansao na mula rin sa isang royal family ng mga Maranao. At naroon ang KMJS para saksihan ang kanilang magarbong pag-iisang dibdib!
Schoolmate ko si Inay

Sa anumang pagkakataon, laging inuuna ng ina ang kapakanan ng kanyang mga anak. Pero nang masiguro ni Anabelle na maayos nang nakapag-aaral ang kanyang anim na anak, hindi na siya nagdalawang-isip na sumabay sa mga ito sa pag-aaral. Ngayon, kasabayan ni Anabelle sa Grade 3 ang isa sa kanyang mga anak.
Traje de Bongga

Sa anumang kasalan, lagi ring pinakahihintay ang isusuot na traje de boda o wedding gown ng bride. Mula sa simpleng puting saya na tinernohan ng belo at mga sariwang bulaklak, meron na ngayong mga wedding gown na may iba't ibang kulay at disenyo. Meron ding for rent at segunda mano para sa mga nagtitipid. Samantalang tila yaman namang ipinamamana ng iba ang kanilang traje de boda!
Tags: plug
More Videos
Most Popular