Eat Bulaga Indonesia at iba pang kakaibang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho
Eat Bulaga Indonesia
Sa loob ng mahigit tatlumpung taon, naghatid ang Eat Bulaga ng isang libo't isang tuwa sa buong Pilipinas. Ang sayang naidudulot nila, ma-e-experience na rin ngayon ng ibang lahi sa pagkakaroon ng Eat Bulaga Indonesia! Ito ang kauna-unahang finranchise na Pinoy TV show! Meron silang sariling version ng Pinoy Henyo ang Indonesia Pintar, umaatikabong kantahan sa Karaoke Stud at mawawala ba naman ang sarili nilang Juan for All, All for Juan --- ang Satu Untuk Semua, Semua Untuk Sati! Pumunta mismo si Jessica Soho sa Jakarta para saksihan ang unang linggong pag-ere ng Eat Bulaga Indonesia! Boneless Delights
Para mas maging enjoyable ang food trip, may ilang mga pagkaing ginawang boneless para mas malasap ang sarap, tulad ng Boneless Lechon ng Cebu, Chicken Relleno ng Bulacan at Bobotong Asan ng Pampanga! Bahala na si Batman!
Di man siya tulad ng ibang superheroes na may super powers, pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan, laging ready to help ang Caped Crusader na si Batman! Kaya naman idol na idol siya ng maraming Pinoy tulad ni Tim na kinakarir ang pagporma ala-Batman. Ang comics artist namang si Alfredo Alcala, limang taong nagbigay buhay kay Batman sa mga pahina ng DC Comics sa Amerika. Samantalang, may real life Batman naman sa Nueva Vizcaya sa katauhan ni Batman Ibarra! Bahay mo ba 'to? Pasukin natin ang mga kakaibang tahanan, tulad ng pamilya Portillo na may trailer na solar powered! Ang mag-asawang Rosalyn at Peter naman, isang mala-kastilyong bahay ang ipinundar. Samantalang si Dante, bumubuo ng mga instant bahay kubo mula sa mga pinaglumaang bahay. Amazing Triathletes
Sa kabila ng kanilang kapansanan, hindi ito naging hadlang para mamayagpag sila sa palakasan! Putol ang kaliwang braso ng runner na si Sig, samantalang ang biker na si Godfrey, may club foot o nakabaligtad ang kanang paa. Kahit putol naman ang kanang paa at binti ni Arnel, hindi siya nangungulelat sa languyan. Hindi sila nagpahuli sa hamon. Kaya pagdating sa finish line, nasungkit ng kanilang trio ang tagumpay!