ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Maki-Harlem Shake sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
Kapuso Mo, Jessica Soho
Dikya Attack, Yucky Pampabyuti, Cooking ng Lola mo, Bingo, at Harlem Shake
Airing Date: February 24, 2013

Ngayong papalapit na ang summer, tiyak susugod na naman ang marami sa beach para magswimming! Pero ingat lang, dahil sa dagat maraming mga nagkalat na dikya!

Sa ngalan ng kagandahan, in demand daw ngayon ang mga pampaganda na ang mga maseselan, pwedeng mapa-"Yuck! Kadiri!" Keri mo bang tiisin ang dumi ng ibong nightingale kapag pinahid na ito sa mukha mo bilang exfoliant? At anong gagawin mo kung malaman mong ang maaaring magpapaganda pala sa iyong buhok ay ang katas ng bull testicles?

Ang nagpapasarap sa ilang mga pagkain, hindi lang daw ang rekado nito, pati na rin ang pinaglutuan nito. Sa Bicol, ang kanilang puto, niluluto at iniipit sa tabla. Samantalang mas nagiging espesyal daw ang luto sa manok sa Iloilo, kapag nilagay sa clay at ibinabaon sa lupa.

Ang puno't dulo nang nangyaring gulo sa Maynila sa pagitan ng kanilang mga pulitiko ang isa sa paboritong pastime ng mga Pilipino -- ang paglalaro ng Bingo! Kilalanin ang mga kababayan nating sa bingo umaasa ng grasya. Mayroon ding namuro sa pagka-adik sa bingo, dahilan para umabot ng daan daang libo ang utang!

May bago na namang dance craze sa buong mundo -- ang Harlem Shake! Sino nga ba ang nagpauso nito at bakit nito ngayon napapaindak ang buong mundo? Ngayong Linggo ng gabi, let's do the Harlem Shake!
Abangan ang Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, 7:45 PM sa GMA-7!

More Videos
Most Popular