ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Tuklasin ang ganda ng Pilipinas sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
Kapuso Mo, Jessica Soho
Airing Date: May 12, 2013
Sa ganda ng Pilipinas, sa dami ng mga mapagpipilian ditong activities at pasyalan, magtataka pa ba tayo kung bakit dinarayo ito ng mga dayuhan at turista. Kahit nga yung mga pinagmamalaking tourist spot sa ibang bansa, may pantapat tayo diyan! At mga nag-viral na litrato online, saang panig ng Pilipinas nga ba matatagpuan?

Kilalanin rin natin ang ilang mga ordinaryong Pilipino na may mga kakatwang katangian o di kaya'y nagpapamalas ng kakaibang talento!

Ipagdiwang ang mga natatangi nating tradisyon na buhay na buhay pa rin sa iba't ibang panig ng kapuluan. At siyempre, mawawala ba naman ang masarap nating kwentuhan?

Mawawala ba naman sa kultura nating mga Pilipino ang masasarap na pagkaing inihahain tuwing may salu-salo ang mag-anak? Ngayong Linggo, alamin natin ang mga putaheng mas lalong nagpapasarap sa kwentuhan nating mga Pinoy!

Ngayong Linggo ng gabi, libutin natin ang Perlas ng Silangan, ipagbunyi ang mga natatangi nating kababayan at ipagmalaki ang mga tradisyon ng ating lahi.

Sabay sabay nating isigaw -- Go Philippines!
Abangan ang Kapuso Mo, Jessica Soho, 7:30 PM sa GMA-7!

More Videos
Most Popular