ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'KMJS:' Mga dating artista, minsan naging extra!


Abangan ang mga kwentong ito ngayong July 21, 7:30 p.m. sa "Kapuso Mo, Jessica Soho:"

Bidang Extra


 
Ang mga sikat na artista at personalidad ngayon, bago pa man bumida, minsan na ring nag-extra. Muli nating panoorin ang mga clip na magpapaalala ng kanilang abang pinagmulan.
 
Simot Sarap 


 
Sa Nueva Ecija ang palong ng manok, ginagawang sinampalukan. Ang mga Kapampangan naman may espesyal na luto sa utak ng baboy. Dito naman sa Maynila, ang lalamunan ng manok ginagawang chicharon at ang mata ng baka hinahalo sa lugaw para mas exotic ang lasa.  Tikman natin ang mga pagkaing simot sarap!
 
Ang Utol Kong Beki 


 
Matapos ang ilang taong hindi pag-uusap, nagkaunawaan na rin kamakailan lang ang magkapatid na Bb Gandanghari at Robin Padilla. Ang nangyari kina BB at Robin, nangyayari rin maging sa mga ordinaryong pamilya, kung saan may tensyon sa pagitan sa lalaki at sa kapatid nitong beki.  
 
Nature's Wonders
 


Tuklasin kung bakit naging 9 feet ang haba ng buwig ng saging sa San Fernando City, La Union. Sa Batangas City naman, kakaibang nilalang ang natagpuan, itsurang starfish pero pa-bilog. At isang mistulang 7 feet na yapak ng paa ng tao, natagpuan naman sa Tawi-Tawi City.  Alamin ang paliwanag sa likod ng mga tila misteryosong pangyayaring ito sa ating kalikasan.     
 
Bentang-benta! 
 


Kung may mga negosyong gumagawa ng gimik para lang mapansin meron namang effortless para pumatok sa mga customer. Pangalan pa lang kasi ng kanilang business, agaw eksena na.
 
Bata bata, paano ka nadisgrasya? 


 
Dalawang nawawalang bata sa Taguig City ang natagpuang patay at naaagnas sa likuran ng kotse sa kanilang barangay. Ayon sa ilang ulat, posibleng nakulong lang ang dalawang bata sa nasabing kotse at hindi tulad ng mga unang naibalita na dinukot ang mga ito. Sa panahon ngayon, paano nga ba natin masisigurong ligtas ang ating mga anak?