ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
QUIZ: #Hugot like a Jennylyn!
Mapanonood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa, sundan kami sa Facebook, Twitter at Instagram.
Sawang-sawa ka na ba sa mga linyang…
“Eh ‘yung hanggang emoticons na lang ‘yung feelings mo?”
“Ganoon talaga ang pag-ibig, sanayan lang na masaktan.”
“‘Yung feeling na crush ka rin ng crush mo… inuulit ko, FEELING mo lang ‘yun.”
Kung napupuno parati ng #hugot quotes ang Facebook at Twitter feeds mo, baka panahon na para makisali ka sa uso! At sino nga ba ang puwedeng gawing peg kundi ang master hugotera ng “English Only, Please” -- ang MMFF Best Actress na si Jennlyn Mercado, or also known as Tere Madlangsacay?
Kaya n’yo rin bang humugot tulad ni Tere? Ilabas na ang inyong natatagong Jennylyn know-how at sagutan ang quiz na ito:


1. Saang reality show na-discover si Jennylyn Mercado?
a. Survivor
b. StarStruck
c. Pinoy Pop Superstar
d. StarStruck: The Avengers
2. Kung uso na ang #hugot lines noong siya’y nagwagi sa nasabing reality show, ano kaya ang magiging hugot line ni Jen?
a. “I dreamed, I believed, I survived!”
b. “Oo, ako na. Ako na ang mag-isa!”
c. “Akala ko ikaw ay akin, totoo sa aking paningin…”
d. “There will always be many second chances.”
3. Alin sa mga ito ang #hugot lyric mula sa kanta ni Jennylyn?
a. “‘Di ako aasa at maghihintay sa pag-ibig ng tulad mo.”
b. “Tama na na minsa’y makapiling ka at madama ang init ng pagmamahal mo.”
c. “Kaya kong ialay ang lahat sa’yo kahit ako’y ‘di mo gusto.”
d. All of the above
4. Sino ang leading man ni Jennylyn sa kaniyang pelikulang “English Only, Please?”
a. Mark Herras
b. Luis Manzano
c. Dennis Trillo
d. Derek Ramsay
Noong 2003, mula sa higit 100 contestant, napasama si Jennylyn sa Top 14 Finalists ng StarStruck Season 1. Kasama niya sa kompetisyong sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Cristine Reyes.
5. Bukod sa pagkanta at pag-arte, ano pa ang ibang pinagkakaabalahan ni Jennylyn?
a. Pagluluto, pag-aalaga ng kaniyang anak, pagiging triathlete
b. Pagluluto, pag-aalaga ng kaniyang mga aso, pagiging triathlete
c. Pagluluto, pag-aalaga ng kaniyang anak, pagiging swimmer
d. Pagco-crosstitch, pag-aalaga ng kaniyang anak, pagiging triathlete
ANSWERS
1. Saang reality show na-discover si Jennylyn Mercado? STARSTRUCK
Noong 2003, mula sa higit 100 contestant, napasama si Jennylyn sa Top 14 Finalists ng StarStruck Season 1. Kasama niya sa kompetisyong sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Cristine Reyes.

2. Kung uso na ang #hugot lines noong siya’y nagwagi sa nasabing reality show, ano kaya ang magiging hugot line ni Jen? "I DREAMED, I BELIEVED, I SURVIVED!"
“Dream, believe, survive” ang “tagline” ng Starstruck -- at ito rin ang naging motto ni Jennylyn dahil siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa isa sa mga pinakasinundan na artista search sa kasaysayan ng telebisyon.

3. Alin sa mga ito ang #hugot lyric mula sa kanta ni Jennylyn? ALL OF THE ABOVE
“Dream, believe, survive” ang “tagline” ng Starstruck -- at ito rin ang naging motto ni Jennylyn dahil siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa isa sa mga pinakasinundan na artista search sa kasaysayan ng telebisyon.

3. Alin sa mga ito ang #hugot lyric mula sa kanta ni Jennylyn? ALL OF THE ABOVE
Mula ang mga linyang ito sa “Kahit Sandali,” isa sa mga kanta mula sa unang album ni Jennylyn, ang “Living the Dream” (2004).
“Lumaki [ako na] wala akong laruan, ano lang, puro musical instruments lang,” kuwento ni Jen sa panayam sa kaniya ni Ms. Jessica Soho. "Tapos tuturuan ako ng tatay kong tumugtog, kumanta, ganoon. Habang lumalaki ako, ‘yun talaga ‘yung hindi nawawala sa system ko.”
Nakatakda rin si Jennylyn na mag-concert ngayong Pebrero.
“Lumaki [ako na] wala akong laruan, ano lang, puro musical instruments lang,” kuwento ni Jen sa panayam sa kaniya ni Ms. Jessica Soho. "Tapos tuturuan ako ng tatay kong tumugtog, kumanta, ganoon. Habang lumalaki ako, ‘yun talaga ‘yung hindi nawawala sa system ko.”
Nakatakda rin si Jennylyn na mag-concert ngayong Pebrero.

4. Sino ang leading man ni Jennylyn sa kaniyang pelikulang “English Only, Please? DEREK RAMSAY
Kinilalang Best Actor si Derek Ramsay sa kaniyang pagganap bilang Julian, isang balikbayan na naghahanap ng English tutor.
Kinilalang Best Actor si Derek Ramsay sa kaniyang pagganap bilang Julian, isang balikbayan na naghahanap ng English tutor.
Pagdating naman sa buhay sa likod ng camera, wala raw masamang tinapay sa mga naging “leading man” ni Jennylyn. Mabuti raw ang relasyon niya sa kaniyang mga ex.
Nang tanungin kung bukas na ba ang kaniyang puso para sa lalaking makakasama niya habang buhay, sagot ni Jen “Malay natin ‘di ba dumating din siya. Ano lang, katulad noong mga bagay na nangyayari sa buhay ko na hindi ko hinihingi, hindi ko [siya] aantayin, darating din ‘yan.”

5. Bukod sa pagkanta at pag-arte, ano pa ang ibang pinagkakaabalahan ni Jennylyn? PAGLULUTO, PAG-AALAGA SA KANIYANG ANAK, PAGIGING TRIATHLETE
RESULTS
Noong una, hindi raw talaga nagluluto si Jennylyn. Pero nang masubukan ito sa mga programa sa GMA Network, nakahiligan na rin niya ito. Ngayon daw, parati siyang nagluluto kapag may dumarating na bisita sa kanilang tahanan.
Masigasig ding nagti-train si Jen para sa mga triathlon kaya naman nagsasanay siya sa pag-bike, paglangoy at pagtakbo.
Kahit na pisikal ang napili niyang libangan, naniniwala si Jen na training ang triathlon sa isipan. “Swimming lang mahirap na e, tapos dadagdagan mo pa ng bike, dadagdagan mo pa ng takbo, so parang mas mahirap,” aniya. "Naniniwala ako na 90% mental ‘yung triathlon.”
Pero marahil ang pinakamahalagang trabaho ni Jennylyn sa ngayon ay ang pagiging ina niya kay Jazz. Anim na taong gulang na ang anak nila ni Patrick Garcia, kaya naman hands-on mommy rin si Jen sa kaniya.
“Simula noong nagkaanak ako, ‘yun talagang binago niya ang buhay ko. Wala na akong ibang inisip kundi anak ko na lang, ganoon. ‘Yung nagtatrabaho na ako hindi para sa sarili ko, para sa kaniya. Lahat, para sa kanya lahat," buong pagmamahal na kuwento ni Jen.

RESULTS
0-2 points - huwag mag-alala, puwede ka pang makahabol. Antabayanan lang si Jennylyn Mercado sa kaniyang mga proyekto at abangan ang kaniyang mga palabas sa GMA!
3 points - Kaunti na lang, kuhang-kuha mo na siya! Ang quiz na ito, parang pag-ibig, maraming second chances. #Hugot pa more, Kapuso!
4-5 points - Congratulations! Isa kang tunay na Tere Madlangsacay! Humayo ka’t mag-tweet o mag-status ng iyong puntos. Huwag kalimutan ang hashtag(s): #hugot #whogoat #KMJS10.
More Videos
Most Popular