ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hayop na Gamot


Episode airs on May 5, 2007 House lizards for asthma cure, leech to smoothen skin, worms to regulate blood circulation and bee sting against inflamed body parts. How safe are they? Kapuso Mo, Jessica Soho tries to find out. HAYOP NA GAMOT Namamagang paa… sumisikip na paghinga… nanlalambot na mga tuhod… at tumataas na dugo! Lahat ng ‘yan, kaya raw gamutin ng mga insekto at hayop lang?! Ang balat ng butiki gamot daw sa hika. Habang ang laway ng linta naman daw, pampakinis ng kutis. Bulate naman daw ang sagot para umayos ang daloy ng dugo. At bee sting para matanggal ang mga namamagang iba’t-ibang parte ng katawan. Pero ang mga gawaing ito, ligtas nga ba? CORALS Kamakailan lang nasakote ng awtoridad ang isang container na naglalaman ng ilang sako ng corals. Pinaniniwalaang ang mga korales na ito ay nagmula pa sa Zamboanga. Sa Zamboanga makikita ang mga mandaragat na Badjao. Eksperto sa pagsisid sa ilalim ng karagatan ang mga Badjao at maging sa pagsisid daw ng corals. Ito ang iniaahon nila para pagkakitaan sa mga negosyanteng ginagawang palamuti at alahas ang mga korales. Ayon sa World Wild Fund, 90% ng mga korales sa Pilipinas napinsala at nasira na. Dahil dito patuloy ang panghuhuli ng mga awtoridad sa mga nais manguha ng mga coral, habang pinapangalagaan naman ng iba’-ibang NGO ang ating karagatan. KAMBAL NA LIGAYA Hulog ng langit kung ituring ang pagkakaroon ng supling. Pero para sa pamilya Gregorio, hindi sapat ang apat nilang anak kung kaya nagpasya pa silang dadadagan ito. At nang lumabas ang kanilang bunso, hindi lang isa, kundi apat…quadruplets! Ligaya raw ang hatid nila sa pamilya, pero sa totoo lang… ang pagpapalaki raw sa kanila… kalbaryo?! Sunod-sunod man daw ang lumalabas na balita tungkol sa multiple births sa bansa, ayon sa mga eksperto, bihira pa rin ang ganitong mga kaso. At sa ganito ring mga sitwasyon, hindi lang daw mga bata ang nasa panganib, pati ang kanilang mga ina. Kung maselan ang lagay ng mga multiple births, mas mahirap naman ang kalagayan ng mga conjoined twins. Bihira nga lang daw ang matagumpay na napaghihiwalay gaya ng kuwento ng Aguirre twins. Kamakailan lang, pumanaw ang kambal na Asis ng Tacloban dahil sa kumplikasyon. Mayroon ding mga conjoined twins na hanggang ngayon, wala nang balak maghiwalay. Sa hirap man o ginhawa... Sila ay mga magkakatambal na biyaya.