ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Remembering Yoyoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 19, 2007 Hosted by Jessica Soho Yoyoy Villame This Friday, May 18, singer Yoyoy Villame, the original king of novelty songs in the Philippines, passed away following a cardiac arrest. Kapuso Mo, Jessica Soho pays tribute to Yoyo’s contribution to Filipino music and film. Chicken Inasal Filipinos love chicken and a particular favorite is the Ilonggo chicken “inasal", which is said to have originated in Bacolod City. What started as an appetizer became popular and later the foundation for a business. Kapuso Mo, Jessica Soho visits Bacolod and finds the popular dish sold everywhere. Pooreigner Many people look up to foreigners in the country, thinking they are all well-off. But not all foreigners are so fortunate, such as Nigerian national Ayii, who lived like Tom Hanks’ character in the movie, “The Terminal" after airport authorities refused to let him go until he had his papers in order. Pakistani national Michael had a good life in the Philippines until he was swindled, and now ekes out a living selling chocolate. Child Genius Four-year-old Dani is said to think like a six-year-old, impressing even the feisty former Senator Miriam Defensor Santiago. Dani’s IQ is rated at 135. Experts interviewed in this story also debunks myths that a child can become more intelligent by eating peanuts, using books as pillows, and doing all sorts of rituals.
Yoyoy Villame Nito lamang Biyernes pumanaw dahil sa cardiac arrest si Yoyoy Villame…ang orihinal na hari ng mga novelty song dito sa Pilipinas. Sino nga ba ang makakalimot sa kanta niyang “Butsiike" na maski hindi mo maintindihan ang mga linya, pumatok pa rin sa masa. Isang pagpupugay ang ihahandog ng KMJS sa natatanging kontribusyon ni Yoyoy Villame sa larangan ng musika at maging sa pelikula. Chicken Inasal Tayong mga Pilipino…likas na chicken lovers! Halos lahat ng pwedeng luto sa manok nagawa na yata natin. Pero ang isa sa pinaka-espesyal na luto ng manok na kilalang-kilala ang mga Ilonggo – ang chicken inasal. Sa Bacolod matatagpuan ang original na chicken inasal sa Pilipinas. Dati lang daw itong pulutan sa mga inuman hanggang sa magustuhan ng ilan at ginawa nang isang negosyo. Nagtungo kami sa Bacolod para tikman ang pinagmamalaki nila. Dito kabi-kabila ang mga tindahang nagbebenta ng inasal. Pero hindi na raw kailangan pang lumipad ng Bacolod para malasap ang inihaw ng mga Ilonggo. Dahil dito naman daw sa Maynila, nariyan ang JT’s Manukan ni Joel Torre na kuhang-kuha ang lasa ng chicken inasal. Pooreigner Madalas tinitingala ang mga dayuhan sa bansa natin. Paano ba naman, ilan sa pinaka-bigatin sa bansa ay may dugong banyaga. Nandyan ang mga business tycoon na sina Lucio Tan, Henry Sy at Gokongwei. Pero hindi lahat ng dayuhan ay naging maganda ang kapalaran sa Pilipinas, tulad na lamang sa nangyari sa labingsyam na taong gulang na Nigerian na si Ayii. Nagkaproblema siya sa kanyang papeles kaya sa loob ng anim na buwan, malapelikulang “The Terminal" ang naging buhay niya. Hindi kasi siya pianaalis sa Subic Airport hanggang hindi naayos ang gusot sa kanyang mga dokumento. Si “Michael" naman, isang Pakistani, maganda raw dati ang buhay niya sa Pilipinas pero matapos daw maloko ay naghirap. Ngayon, ang pagtitinda ng tsokolate ang pinagkakakitaan! Batang Henyo Apat na taong gulang pa lang si Dani pero ang kanyang pag-iisip, pang anim na taong gulang na. Kung kaya naman pati si Senator Miriam Defensor Santiago, napahanga nang magkita ang dalawa. Si Dani ay isang batang henyo. Ibig sabihin, ang IQ niya ay hindi mas mababa sa 135 tulad ng IQ nina Albert Einstein, Leonardo da Vinci at maging ang artista na si Sharon Stone! Ang pagiging henyo raw ayon sa eksperto ay hindi nakukuha sa pagkain ng mani, paggamit sa libro bilang unan at kung anu-ano pang ritwal. Panoorin ang mga kuwentong ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nitong Sabado, ika-19 ng Mayo, sa GMA-7.