ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Squirrels, crabs, and new heroes


Episode on June 2, 2007 Saturday night Squirrels are also found in the Philippines. In an island that's part of Palawan province, there’s a particular type of the animal – the white squirrel or “puting bising" as the natives call them. For the first time, viewers can catch a glimpse of the elusive rodent. But the rare white squirrel is also danger in danger from people who hunt them for profit. In recent days, new Filipino heroes have emerged. In Taysan town, Batangas, a teacher and a poll watcher were burned alive by goons who attacked a school during the canvassing of votes. There is also Makati’s deputy police chief, Colonel Bocalbos, who was killed by robbers while moonlighting as a van taxi driver to augment his income. And there is Catholic priest Father Ed Panlilio, who beat political heavyweights in Pampanga to become the province’s new governor. Crabs abound in Ingo Island, part of Concepcion, Iloilo, where these are sold both for local consumption and for export. And it’s not just crab meat, crab shells too are pounded to be also made into food. In Calauag, Quezon, a Crab Festival is even held each year. Watch these stories on Kapuso Mo, Jessica Soho, on Saturday evening, on GMA-7.
Squirrel Pangalan palang tunog imported na…. karaniwang kulay nila, brown at gray. Kaya naman nakakagulat malaman na makikita rin sila dito sa Pilipinas…Squirrels. Mailap, malikot at maliksing kumilos ang mga squirrels…hindi basta-basta pahuhuli. Pero gaano man sila kabilis, hindi pa rin sila ligtas sa mga taong hinuhuli sila para pagkakitaan. Pero sa isang isla sa Palawan matatagpuan ang isang namumukod tangi na squirrels. Ang white squirrel o puting bising para sa mga katutubo. Sa katunayan, wala ito sa opisyal na listahan ng mammals sa buong mundo. Kaya ngayong Sabado, sa kauna-unahang pagkakataon…sulyapan natin ang mga white squirrels! At tunghayan ang katotohanang hindi pa man nakikilala sa buong mundo ang kanilang lahi, nagsisimula na rin silang manganib! Bagong bayani Sinusubok ng panahon ang bawat nilalang. Mayroon tayong kani-kaniyang paraan kung paano haharap sa mga hamong ito. Sa huli, pinalilitaw nito ang tunay nating pagkatao. Sa mga nakaraang ilang araw, nasubok ang tatag ng Pilipino sa pang-araw-araw na buhay. Nasaksihan natin kung ano’ng tatag ng mga guro ng Taysan, Batangas laban sa delubyo ng eleksyon. Magmistula mang nagwagi ang kasamaan sa una, papaibayo pa rin ang lakas at tibay ng kaloobang gaya ng mga naulila ng pulis na si Col. Bocalbos. At panibagong pag-asa naman, ayon sa iba, ang hatid ng mirakulong pagkapanalo ni Fr.Panlilio bilang pinakabagong Gobernador ng Pampanga. Alimango Nagsisipitan at nangangagat pero pagkasarap-sarap na lamang dagat --- ito ang mga alimango na kilala rin sa tawag na alimasag, katang o haw-an! Ngunit ang yamang-dagat na madalas ding inihahalintulad sa hindi magandang ugaling ng ilang Pilipino, masarap namang ipanlaman-tiyan! Sa Igbo Island sa Concepcion, Iloilo halos araw-araw bumabaha ng mga alimango dito, pangkain at pang-export pa! Hindi lang basta crab meat ang makakain dito pati ang crab shell ay mapapakinabangan din ginagawang pulboron! Habang sa Calauag, Quezon naman bilang pagpapasalamat sa masaganang dagsa ng mga alimasag…taon-taong dinaraos ang isang Crab Festival! Panoorin ang mga kuwentong ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho, sa ika-2 ng Hunyo, Sabado ng gabi, sa GMA-7.