ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Arranged marriage, monitor lizards, and Pinoy paparazzi
Episode on June 16, 2007 Saturday, 8 p.m. Arranged marriage in Aklan In a remote barrio (village) in Libacao, Aklan, a traditional wedding called âhungaw" by the Aklanon-Bukidnon tribe is held where 13- or 14-year-old children are married off. The children do not know their partners until the day of the arranged marriage itself. Lack of education is given as reason for marrying off children at such a young age. The National Commission on Indigenous People notes many have stopped going to school, trading their books and pencils for building a family. Kapuso Mo, Jessica Soho attends a hungaw. Bayawak Monitor lizards (locally known as bayawak) found in the country are slowly disappearing due to illegal logging and hunting. Kapuso Mo, Jessica Soho features this endangered reptile. Pinoy paparazzi New techie gadgets abound, especially the ubiquitous mobile phone camera. Events from the hanging of ousted Iraqi leader Saddam Hussein to incidents of cheating in local elections have been caught on cell-phone cameras. But the device has seen abuse too, and coupled with the ability to post instant photos on the Internet, illicit images can be distributed to a far larger audience as what happened to the controversial kiss between actress Gretchen Barreto and actor John Estrada. Kapuso Mo, Jessica Soho asks what can be done to safeguard oneâs privacy in the age of popular high-technology. Watch these Kapuso Mo, Jessica Soho stories this Saturday evening on GMA-7.
âHungawâ (arranged marriage sa Aklan) Sa isang liblib na baryo sa Libacao, Aklan, isang uri ng tradisyonal na kasalan ang patuloy na isinasabuhay ng tribong Aklanon-Bukidnon. Kadalasan, 13 o 14 anyos pa lang ang mga bata, ipinapakasal na nila. Pero ang pinakanakakamangaha rito, ang ipag-iisang dibdib, mismong sa araw ng kasal pa lamang nila magkakakilala. Hungaw ang tawag dito. Kakapusan sa edukasyon ang pangunahing dahilan ng pag-aasawa ng mga kabataan dito. Ayon sa National Commission on Indigenous People, marami kasi sa kanila, hindi na nag-aaral. Sa maagang pagbuo ng pamilya na lang nila binubuhos ang kanilang panahon. Ngayong Hunyo, dumayo tayo sa isang kasalang âhungaw". Bayawak Kapamilya sila ng buwaya at ahasâ¦mga bayawak! Mga higanteng butiki kung sila ay ituring at mas kilala sa tawag na âmonitor lizard". Karaniwan lang nakikita sa kagubatan dati ang wild animal na ito. Pero tulad ng iba pang hayop, unti-unti na rin silang nauubos. Kaingin, illegal logging at hunting ang pangunahing dahilan ng dahan-dahang pagkalipol sa kanilang lahi. Tuluyan na nga bang mauubos ang lahi nila? Pinoy paparazzi Dagsa ang makabagong uri ng gadgets ngayon, lalong-lalo na ang cellphone camera. Dahil dito ay pwede nang kunan ng kahit sino ang ibaât-ibang mga pangyayari sa kapaligiran. Ang pagbitay nga kay Saddam Hussein, nakuhanan lang ng cellphone camera. Sa nakaraang eleksyon, ang ilang dayaan o kahina-hinalang gawain, sapul na sapul din ng mga makabagong camera. Pero may hindi rin magandang naidudulot ito. Ang iba kasi, inaabuso ang ganitong kakayahan at pati mga pribadong kaganapan ay kinukunan. Dahil moderno na ang teknolohiya, mabilis na rin itong kumakalat. Ganito ang nangyari sa kumakalat na larawan ngayon nina Gretchen Barretto at John Estrada na naghahalikan. Paano nga rin ba natin poprotektahan ang ating âprivacy" sa gitna ng high technology? Panoorin ang mga kuwentong ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa ika-16 ng Hunyo, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

More Videos
Most Popular