ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Skin whitening, Aguilera, and high-rise work
Episode on July 7, 2007 Saturday, 8:30 p.m. Glutathione Whatever their reason, there are people who would do anything just to whiten their skin. Some even resort to using the food supplement called glutathione, which is actually intended for cancer patients and those suffering from cataract. Marie, a student, boasts that she has turned her brown skin white. Glutathione is imported from the United States and has reportedly become popular among the âbeauty-conscious". It costs between P1,000-P2,000 per 30 capsules, or for four injections. Is the food supplement safe? Christina Aguilera Popular singer Christina Aguilera is visiting the Philippines for a concert this month. The American singerâs pop hits include âGenie in a Bottle," âBeautiful," âGenio Atrapado,", âWalk Away" and âInfatuation". One of her Filipino fans, Ana, is thrilled she will get a chance to see her idol. Why is Aguilera such a big hit in the country? Heights âHigh-rise workers" fearlessly scale billboards, towers or skyscrapers from 100-700 feet high to get to work. Some are even known to climb coconut trees without safety cords. Most of these workers donât mind the safety issues. One of them, Randy, once figured in an accident but after his recovery, went back to being a construction worker. Watch these Kapuso Mo, Jessica Soho stories on Saturday night on GMA.
Glutathione May mga ilan sa atin na gagawin ang lahat para pumuti lang. Kaya naman pati ang food supplement na glutathione na ginagamit ng mga may sakit na cancer at cataract ay pinapatos na tin. Epetibo raw kasi itong pampaputi! Glutathione⦠ito ang sangkap na makikita sa ilang food supplement para sa mga may sakit gaya ng cancer at cataract. Pero may iba pa raw itong gamit. Epektibo raw ito na pampaputi. Si Marie, isang estudyante. Ang dati raw na morena niyang kulay, ngayon, busilak na sa kaputian! Ang glutathione ay nagmula pa sa America at sinasabing patok ngayon sa mga beauty conscious. Mapa-artista, bata at pati matanda ay nahuhumaling na rin dito. At ang halaga? P1,000 hanggang P2,000 piso kada 30 pirasong capsule o bawat apat na turok kung mas pipiliin ang injectible. Ligtas kaya ito? Christina Aguilera Ang pop singer at song writer ng Amerika, nasa âPinas na! Isang bonggang konsiyerto ang ihahandog niya sa sambayanang Pilipino ngayong Hulyo. Sino nga ba ang hindi hahanga sa American singer na si Christina Aguilera gayong halos lahat ng mga sikat na kanta gaya ng Genie In a Bottle, Beautiful, Genio Atrapado, Walk Away at Infatuation ay siya ang nagpauso! Kaya naman lubos ang kasiyahan ni Ana, isa sa mga libo-libong pinoy na tagahanga ni Christina. Matagal na niyang pinakaa-asam asam ang nasabing palabas na noon ay sa TV lang niya nakikita. Bakit nga ba malakas ang impluwensiya sa atin ng mga tulad ni Aguilera? Heights Lahat tayo, naka-tingala sa kanila⦠Masasabing naabot na nila ang rurok at mataas na rin ang kanilang narating... Sila ang tinaguriang mga âhigh-rise workers". Walang takot nilang inaakyat ang mga billboard, torre, building o iba pang matataas na establisyamento. Pati mga niyog, inaakyat nila ng walang tali! Bahagi na ng kanilang trabaho ang pakikipagsapalaran sa mga nagtataasang istraktura na umaabot mula 100 hanggang 700 talampakan. Karamihan sa kanila, di inaalintana ang panganib na dulot ng trabahong ito. Delikado man ang propesyon, marami pa rin sa kanila ang napipilitan magtrabaho sa hirap ng buhay. Si Randy, bagamat naaksidente dahil sa trabaho, nang gumaling ay pilit pa rin bumalik sa pagiging construction worker. Tunay ngang dapat silang tingalain hindi lamang dahil sa taas ng kinatatayuan nila, kundi pati na rin sa tapang at sipag na taglay nila. Panoorin ang mga kuwentong ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa ika-7 ng Hulyo, Sabado, 8:30 ng gabi, sa GMA.

Tags: kapusomojessicasoho
More Videos
Most Popular