ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Third eye, Ouija board, and Pinoy superstitions
Episode on October 27, 2007 Saturday, 8:30 p.m. Third eye Maraming lugar ang sinasabing pinamumugaran ng mga kung anu-anong elemento at kaluluwang ligaw. Ngunit hindi raw sila basta-bastang nagpapakita. Dahil ang mga nakakapansin lang sa kanila, ang mga taong bukas ang third eye. Walang pinipiling edad o panahon ang pagbubukas ng third eye. Ayon sa paranormal experts, lahat daw tayo ay meron nito, hindi nga lang ito nakabukas para sa lahat. Ngunit may mga paraan naman na isinasagawa ang mga eksperto para sa mga nais magpabukas ng kanilang third eye, at ang itinuturo rin ang tamang proseso para ma-control ang pagkakaroon ng ganitong abilidad. Si Elika, siyam na taong gulang, bukas na ang kanyang third eye. Nang dinala namin siya sa Manila North Cemetery, halos hindi na lumabas sa sasakyan ang bata dahil sa dami raw ng mga multo at elemento na kanyang nakikita. Ang isang grupo naman ng mga spirit questors naanyayahan naming pumunta sa Mt. Banaue Hospital, isang lumang ospital na 13 taon nang nakasara. Dito sari-saring elemento raw ang kanilang nakita. At huling-huli rin sa kamera ang pigura ng isang tila walang ulong babaeng may kipkip-kipkip na sanggol at isang pigura ng lalakeng pinaghihinalaan nilang doktor. Ouija Hindi ito isang ordinaryong game board⦠dahil nababalot daw ito ng kababalaghan. Ito ang Ouija board. Sa pamamagitan nito, maaari mo raw makausap ang kaluluwa ng mga yumao. Diumanoây kusang gumagalaw ang ginagamit na barya o baso sa mga letra o numero na nakaukit sa board. Ang paggalaw daw ang indikasyon ng kasagutan sa tinatanong ng naglalaro. Pero hindi raw basta-basta nilalaro ang Ouija board dahil may tamang ritwal bago gamitin ito. Kaya kailangan ang karampatang pag-iingat, dahil maaring masamang espiritu ang matawag mo. At kapag minalas⦠ang ispiritung pumasok daw sa baso, pwede ring sumanib sa mga naglalaro nito. Pamahiin Moderno man ang panahon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin. Tulad na lang ng âsukob" kung saan hindi pwedeng magpakasal ang dalawang magkapatid sa parehong taon. Sa Bohol, pinapahawakan ng gulok ang isang binuburol para raw wala nang susunod na mamamatay. Sa Palawan naman may isa raw kwago na kapag humuni ito, tiyak daw na may mamamatay sa paligid nito. Pero ang mga pamahiin, hindi lang sa probinsya, kundi pati dito sa Maynila ay marami pa rin ang naniniwala. Tulad na lang sa Pasay kung saan may sumuway na maligo habang may nakaburol pa silang kamag-anak. Dahil dito, sunud-sunod daw na namatay ang mga kaanak nila. Nang umabot na raw sa 8 ang namatay, naisipan nilang sundan ang pamahiin na magbasag ng pinggan. At ito na raw ang tinuturing nilang pumutol ng sumpa.
More Videos
Most Popular