ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

New Baguio, unspoiled Boracay


Episode on March 15, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Baguio has always been a favorite destination for those who want to escape the scorching heat of summer. And for those who prefer sun and sand, Boracay is the most popular getaway. Little do we know, there are other places here in the Philippines that equally match the beauty of Baguio and Boracay. Take the town of Leon in Visayas that offers a climate and view that is similar to the "Summer Capital of the Philippines." Thus, the town's tag as “Little Baguio" of Visayas. On the other hand, less than an hour away from Caticlan is Carabao island of San Jose, Romblon. Authorities say that the white sandy beaches and the twelve dive spots in the area can compete to Boracay’s splendor. But unlike Boracay, the island is still unspoilt by establishments and bustle of overflowing tourists. This Saturday, veteran broadcast journalist Jessica Soho will take us to different summer destinations in the Philippines. Private resorts will be visited and therapeutic treatments will also be discovered. Also, find out best the places to buy your favorite "pasalubong." All these and more to 29th Catholic Mass Media & USTV Awards Best News Magazine Program, Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ang bagong Boracay at Baguio Kadalasan kapag panahon ng tag-init, marami sa atin ang nagpupunta sa Baguio para magpalamig o di kaya’y sa Boracay para naman mag-swimming. Ang dalawang lugar ito ang pinaka-popular na destinasyon tuwing summer at bakasyon. Ngunit aming napag-alaman may iba palang mga lugar sa Pilipinas ang hindi nalalayo sa ganda ng Baguio at Boracay. Tulad na lang ng bayan ng Leon sa Iloilo, tinaguriang “Little Baguio." Ang klima, tanawin at mga tanim dito, wala raw halos pinagkaiba sa “Summer Capital of the Philippines." Samantala, halos wala pang isang oras mula sa Caticlan, matatagpuan naman ang pantapat daw sa Boracay - ang Carabao Island ng San Jose, Romblon. Maputi at puro rin daw ang buhanging matatagpuan dito tulad ng sa Boracay. Isama pa rito ang napakalinaw na tubig at labindalawang diving spots na matatagpuan sa buong isla. Yun nga lang, mas tahimik ito kaysa sa Boracay na puno ng tao at mga gimikan. Sa ganda ng ating bansa, naghihintay lang palang matuklasan ang ibang bahagi ng kapuluan… na maging next summer capital ng ating bayan. Private resort Ngayong summer, siguradong dadagsain na naman ng mga turista at bakasyonista ang mga pinaka-sikat na beaches ng ating bansa. Ngunit hindi lahat ng pamilya, kinakailangan pang dumayo ng Boracay o Palawan para sa kanilang family outing… dahil ang kanilang summer destination, sa kanila mismong bakuran. Ito ang mga pamilyang may sariling mga resort. Tulad na lang ng pamilya ni Teresa, dating nagrerenta ng mga resort. Ngayon, nagmamay-ari na sila ng isang resort sa Pansol, Laguna. Ang pamilya Warns naman sa Batangas, ang sarili nilang resort may diving spot pa. Habang ang pamilya naman ng Cloribel sa Panglao, Bohol, ang kanilang pagmamay-ari, hindi resort, sa halip, dalawang isla! Magastos man ang pagpapatayo ng isang pribadong resort, sulit naman daw ito para sa mga pamilya. Hindi na kasi kinakailangan pang lumayo, makipagsiksikan at gumastos nang paulit-ulit. Higit sa lahat, puwedeng-puwede mag-outing ang pamilya all-year-round. Summer wellness Perfect daw ang summer para maging conscious tayo sa ating pangangatawan at kalusugan. Ang mainam dito, pwede natin itong isabay sa ating mga pamamasyal. Kung magagawi ka sa hotspring ng Laguna, pwede kang magpahilod sa mga ginang rito. Tatanggalin daw nila ang lahat ng libag sa iyong kasingit-singitan. Sa Palawan naman, bagay na bagay raw mag-yoga. At kapag nagutom at napagod, pwede rin namang kumain ng mga prutas tulad ng mangga. Pero sa isang lugar sa Tagaytay, ang mangga… pinangmamasahe sa buong katawan. Tunay namang pwedeng pagsabayin ang pag-eenjoy sa summer at pangangalaga sa kalusugan. Pasalubong Sa pag-uwi natin mula sa ating bakasyon, makakalimutan ba ang mga pasalubong? Tulad na lang sa Baguio, isa sa mga pinakasikat na pasalubong ang "sundot-kulangot." Hindi lang dahil sa kakaiba at nakakatawang tawag dito, kundi dahil na rin sa sarap at tamis nito. Ngunit ang hindi alam ng marami, hindi mga taga-Baguio ang gumagawa nito kundi ang mga residente ng Brgy. Katandanan sa Lingayen, Pangasinan. Sa Negros Occidental naman, bidang-bidang pampasalubong ang matamis na napoleones. Tinapay ito na may lamang custard cream sa loob at may pinatigas na asukal sa ibabaw. Tinapay din ang pambato ng Cagayan De Oro, ang pastel. Sa airport pa lang, halos lahat ng taong paalis ng Cagayan De Oro, may bitbit na kahon-kahong pastel! Bentang-benta kasi sa mga mamimili ang sari-sari nilang mga palaman kagaya ng macapuno, langka, pinya, ube at siyempre pa, ang orihinal na yema.