ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Animal attacks, gay Santacruzans, Pinoy kitchens, electricity
Episode on May 17, 2008 Saturday, 8:30 p.m. When Animals Attack! We consider some animals as our best friends, that's why some people even keep them as pets. But when animals suddenly attack, they can be prove to be our worst enemy! Last week, a 9 - year old child was eaten by a crocodile in Rizal, Palawan. The little boy was swimming in the river when the predator attacked. Meanwhile, fisherman Mang Jerry suffered severe wounds in several parts of his body after he was hit by a stingray's tail. Diver Anghelito was stung in the neck by a needle fish. These are just some of the many cases when animals suddenly attacked humans. Do these animals attack randomly? Or do humans provoke animals to attack them? Gay Sagala One of the most-awaited highlights during May festivities is the Santacruzan, a sacred tradition that Filipinos inherited from Spanish Catholicism. However, this tradition has changed over time as gay communities started doing their own versions of the Santacruzan. Despite the Catholic Church's opposition, gay Santacruzans continued throughout the cities. The gay communities insist that they should be given the freedom to express their devotion to the Blessed Virgin Mary. Are gay Santacruzans really expressions of religious devotion or have they reduced the sacred tradition to a mere fashion parade? The Filipino Kitchen The kitchen is said to be the heart of the home, the source of physical nourishment for the family. Take a peek of the different kitchens: from the oldest kitchen in the country that can be found in Pampanga, to the million peso kitchen of businessman Joel Cruz, to the award-winning high-tech kitchen of interior designer Cara Marie Marcelo. Meanwhile, a simple community kitchen in Sta. Mesa has cooked up a very important mission: to provide nourishment for the street kids in Metro Manila. Kuryente Filipinos have yet to recover from the rice and gasoline prices increase but another problem is threatening to hit: the rising cost of electricity. Some Manila residents had their electricity cut off because they can no longer pay their increasing electric bills. As a result, a lot of Filipinos have been searching for alternative sources of energy. In Ilocos Norte, 15 windmills were constructed in the town of Bangui that now supplies 40 percent of their electricity needs. An oil plant in Caloocan utilized rice hulls to produce power supply while a piggery in Pampanga used pig's manure to produce biogas.
When Animals Attack! Bestfriend kung ituring natin ang ilang mga hayop. Pero ang ating bestfriend, pwede rin nating maging worst enemy! Lalo na kapag umaatake na ang mga hayop na ito sa ating mga tao. Tulad na lamang nitong nakaraang linggo, isang siyam na taong gulang na bata ang kinain ng buwaya sa bayan ng Rizal, Palawan. Ang mangingisda namang si Mang Jerry hinampas ng buntot ng stingray. Namamaga at nagnanana pa rin magpahanggang ngayon ang mga bahagi ng kanyang katawan na nahagupit ng buntot page. Habang ang maninisid naman na si Anghelito, tinusok ng nguso ng needle fish. Dahilan para mag-iwan ito ng malalim na marka sa kanyang leeg. Ilan lamang ito sa mga kaso ng pag-atake ng mga hayop sa tao. Pero sadya nga lang ba nila tayong inaatake? O baka may ginawa tayong mga tao na nakagambala sa nanahimik nilang mundo? Gay Sagala Tuwing buwan ng Mayo, isa sa mga pinakaaabangan selebrasyon ang Santacruzan. Isa itong banal na prusisyon na minana pa natin mula sa mga Kastila. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago ang porma ng sagradong ritwal na ito. Hindi lang kasi mga babae ang nagsa-Santa Cruzan, pati na rin mga bading! At dahil kaliwaât kanan na ang mga Gay Santa Cruzan ngayon, nagpahayag na ng matinding pagtutol dito ang Simbahang Katoliko. Sa kabila nito, hindi pa rin nito napigilang rumampa ang mga bading sa mga sagala, tulad na lang sa katatapos na Santa Cruzan ng mga bakla sa Malabon at Quezon City. Anila, hayaan din daw silang magpahayag ng debosyon nila sa Birheng Maria. Ang mga Gay Santa Cruzan ba ay pagpapakita rin ng pananampalataya o simpleng pagrampa lang sa mga parada? Kusinang Pilipino Kusina ang tinuturing na pinaka-importanteng parte ng tahanan. Dito raw kasi inihahanda ang kakainin ng pamilya. Tunghayan ang ibaâtâibang klase ng kusina, mula sa pinakamatandang kusina sa bansa na mahigit isang daang taon na matatagpuan sa Pampanga, sa milyon-milyong kusina ng kilalang negosyante na si Joel Cruz, hanggang sa award winning na high tech kusina ng interior designer na si Cara Marie Marcelo. Pero pagdating sa kusina hindi raw mahalaga kung simple o magarbo ito. Ito ang gustong patunayan ng community kitchen sa Sta. Mesa. Dahil ang kusina nila, binuo raw ng layunin nilang mapakain ang mga batang nagugutom sa lansangan. Anuât anuman ang porma ng kusina, ang importante, dito naluluto ang mga ulam na sinahugan ng pagmamahal ng mga kusineroât kusinera ng bawat tahananâ¦na ipatitikim nila sa kanilang mga pamilya. Kuryente Hindi pa man din tapos ang problema sa bigas at pagtaas ng presyo ng gasolina, hetoât may bagong kalbaryo na naman ang taumbayan. Ang singil kasi sa kuryente, tumaas na naman! Kaya naman ang ilang mga tahanan, naputulan ng ilaw dahil hindi na raw nila kayang bayaran pa ang tumaas nilang mga electric bill. Bunsod nito, puspusan ang paghahanap ng sambayanan ng alternatibong âsource of energy." Kagaya na lang sa Ilocos Norte, kung saan itinayo ang 15 windmill sa bayan ng Bangui. 40% ng suplay ng kuryente sa buong Ilocos Norte, ditto nanggagaling. Ipa ng bigas naman ang ginagamit ng isang planta ng langis sa Kalookan para sa kanilang power supply. Samantalang sa isang piggery farm sa Pampanga, dumi ng baboy ang ginagamit para makalikha ng biogas. Ganito kahalaga ang kuryente sa lipunan ngayon, hahanap at hahanap ng paraan ang iba nating mga mamamayan para lang may mas murang mapagkukuhanan nito. Pero ano naman kaya ang mangyayari sa isang tao na sobrang nakadepende sa kuryente ang araw-araw niyang gawain, kung ititira siya sa isang bayan na walang kuryente?

Tags: kmjs
More Videos
Most Popular